Chapter 325 - She lost her kid

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kumatok si Xander sa opisina ni Cally.

Nitong mga nakaraang araw, maayos ang mood ng Master nila dahil kay Miss Yuna. Everyone in White Castle knows that they have a special relationship. But no one dared to ask them personally. 

He also knew that this Miss Yuna replaced Miss Prin in his Master's heart. 

He even secretly helping Miss Yuna sa pag-imbestiga ng Financial Statement ng hotel ni Apolo. 

Pumasok siya sa loob matapos siyang payagan ni Cally na tumuloy. Nilapag niya sa mesa ang mga kailangan na trabaho sa opisina. Saka inisa-isa dito ang lahat ng report, para alam ni Cally kung ano ang gagawin sa mga papel na nasa harap nito. 

"Shi, I've also heard na ginamit na naman ni Millie Brown ang pangalan ninyo..."

"She posted a bouquet of flowers and said, 'Thanks My Love for your support'. Kahit wala 'yung pangalan niyo, the people and fans assumed it came from your end..."

"Narinig ko rin na nakatanggap siya ng trabaho sa isang bagong Drama series because if you. She even said it's because of your help." 

Tila balewala naman kay Xander ang sinabi niya dahil noon pa man ay ginagamit na ng grupo ng babae ang pangalan ni Cally para maka-attract ng fans.

Her group has been audacious to use his Master's name since two years ago. 

Because of her good performance, nabigyan siya ng mga trabaho ng kumpanya. But her image was not totally good during that time. 

At naglakas loob ang babae na gamitin ang pangalan ng Master nila dahil na rin sa estado nito sa buhay. Isang businessman din ang magulang ni Millie Brown na nakabase sa America. 

May mga tsismis na kumalat noon na kaya maraming trabaho si Millie Brown because of Cally's support. 

Hanggang sa nabalita na nga na nagde-date ang babae at si Cally.

Wala namang ginawa ang Master niya as if he doesn't care about it.  But who would have thought that this time is different…

Bigla ang angat ng ulo ni Cally sa narinig.

"Do something about it. Talk to her Manager, tell them na nakakasuka na ang gamitin ang pangalan ko."

"Yes, Master"

Ginawa naman agad ni Xander ang utos sa kanya. Alam ni Xander na ang utos na iyon ni Cally ay kailangan niyang tapusin sa mas mabilis na panahon. 

Tinawagan niya agad ang Manager ni Millie Brown para sabihin na kailangan niya itong kausapin at siya na mismo ang kusang nagpunta sa opisina nito. 

Habang daan, napansin siya ng ibang staff. 

Bibihira kasi si Xander na magpunta ng Building C kung saan naroon ang Opisina ng mga Managers at training hall ng mga celebrity na nasa ilalim ng MGM.

Nakakunot-noo at hindi maiwasan na mapatanong ang mga staff kung ano ang ginagawa ni Assistant Xander doon lalo na ng kumatok ito sa opisina ng Manager ni Millie Brown. Everyone knew that Xander represents Cally.

"Nakalimutan niyo ba? It's just normal na puntahan ni Assistant Xander ang opisina ng girlfriend ng Master niya. Duh?" Sabi ng isa.

"But how come Millie never went to Building A?"

"Bakit sila magtityaga dito na magkita e, ang daming lugar sa labas?" Katwiran ng isa.

=====

Napadpad ang mag-ina sa isang Mall, matapos manggaling sa isang Ice Cream House ng mga fan girls. Puno ng lumbay ang pakiramdam ni Prin kaya sinama niya sa isang amus.e.m.e.nt center ang anak niya na naroon sa loob ng mall.

Grounded silang dalawa pero malakas ang loob nila na maglakwatsa at maglaro pa sa isang amus.e.m.e.nt center! 

100 coins ang binili nilang magnanay at gusto niyang ilabas ang galit sa paglaro ng games. Ang bilang ng coins ay may katumbas ng isang laro.

Sa isang shooting ball niya unang napili na ilabas ang sama ng loob. 

"Stay there and see how good your Mommy is playing this game."

Masunurin naman ito na tumango saka tumayo sa tabi niya para manood. 

Panay ang shoot niya ng bola. Sa una ay hindi pa siya nakakapag-adjust hanggang sa sunud-sunod na ang nashoo-shoot niya na bola. Sampung coins ang nilagay niya kaya matagal-tagal din siyang naglaro.

Nang matapos siya... 

"Waaahhh!!!" Nawawala si Khalid sa tabi!

"Oh my gosh!" Napasabunot sa ulo si Prin at nagsimulang na rin siyang kabahan. Kung bakit ba naman kasi na nauna pa siyang maglaro sa apat na taong gulang na anak?! 

Natatarantang hinanap niya sa loob ng amus.e.m.e.nt center na iyon si Khalid. Kapag nawala ang anak niya, siya ang lagot kay Cally! 

Napansin niya na may nagkakagulo na grupo sa lugar ng mga arcade video games. Naisip niya na baka naroon si Khalid.

Tumingkayad siya at inangat ang ulo sa grupo ng mga teenagers. Sumilip siya sa paahan at nakita ang sapatos ni Khalid na nasa pinakabungad.

Sumiksik siya para mag-excuse sa mga nanonood at nagkakagulo hanggang sa natagpuan niya ang anak na naglalaro at pinagkakaguluhan. 

Naglalaro ng Tekken si Khalid at isang teenager na lalaki ang kalaban ng anak niya.

Kaya pala maraming tao na nakakumpol sa paligid ay dahil nakipagpustahan ang anak niya sa kalaban nito. Eksaktong paglapit niya dito ay K.O ang kalaban ni Khalid.

Galit na natapik nito ang mga keys. Hinarap ni Khalid ang kalaban nito saka inilahad ang kamay. "Where is your bet?"

"There is no bet!"

"You are madaya! My mommy knew Judo, Kung fu and Jiu Jitsu. Do you really want to fight?" Tinuro siya nito.

Prin "..."

'Bakit bigla akong nasali?'

Pinagmasdan naman siya ng teenager. Taas-noo na tinitigan niya rin ito na parang nanghahamon. Dahil dinamay na siya anak niya, wala na siyang choice kundi ang makisali. 

Napansin naman nito na mukhang hindi nagsisinungaling si Khalid. Kaya galit na nilabas nito ang two thousand mula sa wallet saka binigay sa anak niya at umalis. 

Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid ng makuha ang pera nito. 

"You kid! Bakit ka nakikipagpustahan? Where did you learn it?" Nakapameywang na tanong niya dito.

Matagal na natahimik ito at nag-iisip ng isasagot. 

"Are you sure you want to tell Daddy that you brought me here to play Video games and you almost lost your kid because you are shooting balls?"

"That's too bad Mommy."