Chapter 326 - You must explain

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Gusto tuloy ni Prin na magreklamo kay Cally kung bakit hindi siya nabiyayaan ng talino, o kaya naman ay kung bakit matalino ang anak nila. 

Hindi siya maka-alma dahil nakakagawa ng idadahilan ang anak niya. 

"What if you lose? wala ka namang pera." sabi niya dito

"Don't you have money?" titig na titig ito sa kanya. 

Prin "..." 

Ibig sabihin siya ang maglalabas ng dalawang libo kung sakali na matalo ito sa pustahan?

"Furthermore, I won the bet. So your money is safe" 

She was speechless. 

"Anyway, this money is for you. I will give you more when I grow up" inabot nito sa kanya ang napanalunan nito ng 2 thousand. 

Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi nito. "Basta sa susunod, hindi na galing sa pustahan, okay?" 

Tumango ito. 

"Let's go" inaya niya na lang si Khalid na umuwi na sa bahay. Gabi na rin kasi at sigurado na nakauwi na ang asawa niya sa White Castle. 

=====

Nang dumating sila sa White Castle, tulad ng inaasahan, salubong ang kilay ng asawa niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Khalid. 

Alas nueve na kasi ng gabi. 

"Hindi ko ba sinabi kaninang umaga na dito lang kayong dalawa sa bahay? What time is it? 9 in the evening. Where did you go?" halatang nagagalit ito sa sunud-sunod na tanong. 

Sinalubong niya ang mata nito. 

"Mabuti nga at umalis kami ng anak mo dahil nabalitaan ko ang tungkol kay Millie Brown. You'd better explain about your relationship with that girl." nakahalukipkip at naghahamon na sabi niya dito. 

"Bakit kailangan kong mag-explain? I already told you about her. I never even met her." sumasakit na ang ulo ni Cally. 

"Basta, you need to explain. How come you have a rumored girlfriend?" 

"Yes Daddy, you must explain!" gatong ni Khalid. 

Cally "..." 

"See? Even my Baby Panda agreed with me… Let's go baby!" inirapan niya si Cally saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod si Khalid sa kanya. 

Naiwan naman ng sumasakit ang ulo ni Cally. Paano niya matuturuan ng leksyon ang anak niya kung pati ang nanay ay kailangan din na turuan ng leksyon? 

Tumuloy ang magnanay sa shower area para hilamusan  si Khalid dahil madungis din ito na tulad ni Prin. 

Hindi maiwasan na malungkot siya habang kinukuskos ang katawan nito. Hindi pa rin kasi kampante ang loob niya. 

Nabigla siya ng dumampi ang basang kamay nito sa pisngi niya. "Mommy, don't be sad. I will be sad too... Today is wonderful. I enjoyed it with you." 

Doon sumilay ang ngiti sa labi ni Prin. Maghapon silang magkasama ng anak. At tulad nito ay nag-enjoy din siya sa maghapon nila. 

Marami silang nagawang masaya sa maghapon. Their bonding time sa araw na iyon ay kakaiba. Sabay pa silang nabigyan ng kakaibang parusa ng fan girls. 

Bakit nga ba niya isasapuso ang mga negatibo sa araw na iyon? 

"Tomorrow let's go shopping. Ibibili kita ng damit."

"But we are grounded. Don't tell me we will climb the wall" malungkot na sagot nito. 

May katwiran naman din ang anak niya sigurado na hihigpitan na sila ng gwardiya bukas. 

"Don't care about your grumpy and ugly Daddy. Hmp! We will go wherever we want. Saka sa mall malapit sa MGM tayo pupunta"

Gusto niyang bilhan ng damit si Khalid. Si Xia ang gumagawa nito noon dahil busy ang asawa niya. At gusto niyang gawin ang bagay na iyon sa anak niya ngayon. 

Parehas silang nakakain ng dinner sa mall kung saan sila galing kaya pinainom niya na lang ng gatas si Khalid saka ito pinatulog. 

Nakaramdam din naman siya ng antok pero mas pinili pa rin niya na magbalik sa kwarto nila ni Cally para linisin ang katawan. 

Nakasalubong niya naman ito na lumabas ng kwarto nila. Hindi na salubong ang kilay nito pero tulad ng dati ay wala itong ekspresyon na nakatingin sa kanya. 

Pinilit niya itong iwasan ngunit hinarangan siya nito. Umiwas muli siya ngunit humarang muli si Cally. Para silang nagpapatintero sa hallway. 

Hanggang sa nakakuha siya ng tyempo at nakalusot siya para makapasok sa loob ng Master's bedroom. 

Nahuli naman nito ang kamay niya sa loob bago siya pumasok sa shower area, saka siya ikinulong sa pader. Hinawakan nito ang baba niya saka siya tinitigan ng malalim. 

"Why do you have an attitude?" tanong nito. 

"I don't want to talk to you." bulong niya habang iniiwas ang paningin. 

Humugot ito ng malalim na hangin saka sinakop ang labi niya. He kissed her gently. 

Lumapat lang ang labi niya dito at nakalimutan na niya ang lahat na para bang sinakop na nito ang buo niyang pagkatao. 

"Honey, I don't know how to explain because I don't think I should explain. But I want you to know that Xander does something about it. Huwag ka ng magselos."

"I'm not jealous!" alma niya. 

"Yeah right, I understand that you are not jealous. Nakikita ko lang sa mga mata mo na gusto mo akong hatiin sa dalawa. And you have plans to kick me out of the bed. Yes, you are really not jealous"