Chapter 327 - Million followers

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Fine! she was jealous. What can she do about it? 

Satisfied naman si Prin sa sagot ng asawa niya. Naniniwala siya na may ginawa ng aksyon si Xander. 

"Where did you bring your baby?" tanong nito. 

"Sa fans club ni Master Cally." bulong niya at hindi makatingin dito. 

Kumunot ang noo nito. "Fans club ko? Kailan pa nangyari na nagkaroon ako ng fans club?" 

"I think simula pa noong teenager ka"

Naalala niya kasi na nakilala na ito ni Bella noon pa man. 

Kilala na si Cally noon pa man bilang apo ni Master Han. Idagdag pa na apo rin ito ni Master Kent. Kaya posible rin na noon pa man ay may mga umiidolo na dito. 

His photos were in business magazines since he started to join the MGM group. 

"How many followers do you have on your social media account?" usisa niya. 

"I don't know" why would he care? 

Si Prin na ang kusang kumuha ng cellphone nito sa ibabaw ng bedside table saka niya hinanap ang App kung nasaan ang social media account nito. Hinarap niya muli dito ang cellphone ng makita ang profile nito. 

"See? you have 5 million followers. Don't tell me you don't know na fans mo ang majority dito?" 

Tinapunan lang nito ng tingin ang hawak niyang cellphone bago ibinalik ang paningin sa mukha niya. 

"Why would I care about my social media account? And why would I care about my fans?" 

Bigla niyang naalala na siya nga pala ang gumawa ng account na iyon ni Cally noon para lang magkaroon sila ng mas malalim na communication. 

Nag-isip si Prin ng isasagot. Totoo naman ang sinabi nito. Sa dami ng ginagawa ni Cally sa maghapon at sa araw-araw, hindi na nito iintindihin pa ang bagay na iyon. 

Nakakaaliw lang na isipin na pati ang paghinga yata ni Cally ay malaking bagay na sa mga fan girls. But her husband doesn't care about it. Naalala niya bigla ang poster na nasira niya sa Ice Cream House. The way the girls acted when she ripped the poster is something funny na para bang napakahalaga ng bagay na iyon sa mga ito. 

"Alam mo Husbie, kapag pina-subasta natin ang mga gamit mo, we will earn millions. Your ordinary scarf can be sold for 10 thousand and more. " 

Cally look at his wife na parang nagbibilang na ng kikitain nito sa kanya. He saw dollar signs on her eyes. 

Pinitik siya ni Cally sa noo. "You are almost looking forward sa kikitain mo sa akin. I never saw a woman who sold her husband to his followers. Even Bella didn't do that. Ginugutom ba kita?" 

Bigla niyang naalala si Kai. Hinanap niya ang account nito gamit ang account ni Cally. 

"Whoa! Kai has 3 million followers, but 1 following?!" at syempre alam niya na si Bella pa din ang nag-iisang tao na iyon. 

Bella is a celebrity. Natural lang na makilala rin sa publiko ang asawa nito na si Kai. 

"Leader MB5 is amazing! Mabuti na lang you have at least 20 in your circle." 

Sasagot at magrereklamo pa sana si Cally nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Nakita niya na si Mildred ang tumatawag. 

"Sasagutin ko lang" Sabi niya kay Cally. 

Hinila siya nito para maupo sa ibabaw ng kama saka siya niyakap mula sa likuran habang kausap si Mildred. Pinatong nito ang ulo sa balikat niya habang hinihintay na matapos ang tawag. 

"Yes Mildred?" tanong ni Prin

"Kamusta Miss Yuna, nakabalik na ba kayo ni Master Khalid?" 

"Yes. Salamat sa pag-aalala. Hindi ko pa alam kung kailan ako papasok" sagot niya dito. 

Hindi muna nito binaba ang tawag at parang may gusto pang sabihin. 

"May kailangan ka pa?" tanong niya.

"ahmm, Miss Yuna, dahil close naman kayo ni Master Cally, pwede mo ba akong hingan ng autograph sa kanya?" 

Prin "..." 

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Somehow, naaliw siya sa sinabi nito. 

Nabigla siya nang inagaw ni Cally ang cellphone mula sa kamay niya dahil narinig nito ang sinabi ng babae. 

"Sorry, I don't give autographs. Please don't tell others we talked through this phone. Thanks!" sabi nito saka pinatay ang cellphone at hinagis iyon sa ibabaw ng kama. 

Prin "..." 

Ngayon ay alam niya na dito talaga nagmana ang anak nila. He rejected her smoothly at nagawa pang magpasalamat. 

"Storbo…" He then started to kiss her neck. 

"Hey, T-that's my secretary! Just give me at least one autograph for her."

"Fine, if you make me happy tonight. Kusang loob ko pa na ibibigay sa kanya ang 10 thousand worth of scarf na sinasabi mo" 

'Bakit biglang ako ang naging pain?' 

Nag-ring muli ang cellphone ni Prin. Ngunit si David na ang tumatawag sa kanya. Parang nilamig si Prin dahil halatang hindi natutuwa si Cally na nasa tabi. 

Nagbabanta ang mata nito. 

"Subukan mo lang na sagutin and I'll bring you to Arctic Ocean." 

Agad na umiling siya. "I wouldn't dare…" 

*****

Sa lugar ni Mildred, hinimatay ang babae dahil narinig nito ang boses ni Cally.