Chapter 328 - The Girl wants her Onesie

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa umaga, tulad ng nakagawian ni Prin at Khalid, tumakbo sila sa paligid ng White Castle. 

Makalipas lang ang pagtakbo niya nang nagdaang araw, mabilis kaagad na nag-adjust ang katawan niya. 

Nang dumating ang hapon, inaya niya si Khalid na magpunta ng mall tulad ng plano nila. Ang mall na malapit sa MGM ang napili nilang puntahan para kung sakali na mapagod ang anak niya ay madali silang makakapagpahinga sa loob ng opisina ni Cally. 

Isang clothing store para sa mga bata ang napili niyang puntahan, dahil pag-aari iyon ni Penelope o ang Ate Baba nila. 

Binilhan niya ng damit si Khalid sa kung ano ang nababagay dito. 

Then she saw a Panda onesie. It looked good on her baby. 

"Baby come here" tawag niya kay Khalid. Sumunod naman ito sa kanya. Pinatong niya dito ang onesie na iyon para isukat at sa tingin niya ay kasya sa anak niya ang damit na hawak. 

"Ang cute! Tamang-tama, last stock na po iyan, Mam" narinig niyang sabi ng Sales Lady. 

"Thank you! Sige, kukunin ko na ito. pakibalot na ang lahat." Sabi niya dito. 

Inabot niya din dito ang basket kung saan naroon ang lahat ng pinamili niya para bayaran. Gagamitin niya ang sariling credit card mula sa allowance na nakukuha niya sa pagtrabaho sa hotel ni Apolo. 

Hindi pa nakakaalis ang Sales Lady nang may manghablot sa panda onsie mula sa basket na mga babayaran niya. 

Kumunot ang noo ni Prin. 

"Wala na pa lang stock, kaya ako na ang kukuha nito, may pupuntahan akong birthday and this one is her wish, a Panda onesie" mayabang na sabi. 

Pinagmasdan ni Prin ang babae. 

Matangkad ito at payat. May awra na kakaiba, a sense of a strong personality. Nakashades pa ito kahit nasa loob ng mall kaya naman may ideya si Prin na celebrity ang babae. 

Hindi naman imposible na may celebrity sa lugar dahil malapit lang iyon sa MGM. 

"I'm sorry Miss, pero nauna ako na makuha ang onesie." magalang na sabi niya dito. 

Nagtanggal ito ng dark shades na suot nito. "Hindi mo ba ako kilala?" 

"Hindi" mabilis na sagot niya. 

Babae "..."

'May attitude ang lola mo. Sorry girl, but hindi iyan uubra sa akin.'

Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. 

"I'm a celebrity, A top MGM Celebrity! How come you don't know me?" proud pa din ito. 

Nagtaas ang kilay ni Prin. "Anong kinalaman ng pagiging artist mo sa Panda ko? Oh My! don't tell me, you need a costume?" natutop niya pa ang bibig para maasar ito lalo sa kanya. 

"Pft!" pinipigilan ng Sales Lady ang matawa sa sinabi ni Prin. 

"Youu…" 

"I will pay for that onesie and the others. Thanks!" bigla ang pagbago niya ng mood at ngumiti siya sa Sales lady. 

Halata naman ang pag-aalala ng Sales Lady dahil na rin sa babaeng kaharap ni Prin. 

"Kung ayaw mong i-fire kita ngayon, sa akin mo ibibigay! Isang tawag ko lang sa itaas, sigurado na hindi na kita makikita bukas dito!" nawala na sa poise ar galit na ang babae sa Sales Lady. 

Nginitian ni Prin ang Sales Lady at pinilit na magpakalma. 

"Just do your job. I was the first customer who got this onesie. You will definitely give this to me, right?" 

Halatang nag-iinit na ang ulo ng babae. Pinilit nitong ngumiti kahit nangigigil na. 

"Remember that I. am. Master Cally's girlfriend. You will definitely give this to me! Or else he will fire you!" nagagalit nang sabi ng babae na nakapagpalingon sa kanya dito. 

"M-miss Millie. Please ginagawa ko lang po ang trabaho ko" tumingin ito kay Prin at halatang nanghihingi ng saklolo. 

Kumunot ang noo niya at pinag-aralan mabuti ang babae. 

Palibhasa hindi pa rin niya sinisilip kahit sa social media ang mukha ng babae, hindi niya alam ang mukha ng Millie Brown na nadidinig niya kay Mildred, as if she doesn't care about her. 

'So this one is the Millie Brown' 

Tumawa si Prin ng malakas na parang nababaliw. Nakakuha na rin sila ng atensyon sa mga paligid dahil isang celebrity si Millie Brown. 

"What a coincidence Because I'm his girlfriend too!" 

Sabay-sabay na napaatras ang leeg ng mga nanonood kahit ang Sales Lady na parang hindi naniniwala sa kanya. 

"Wehhh?" 

Millie looked at her at tinimbang ang sinabi niya. Alam nito sa sarili na hindi naman talaga ito nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang. Pero nakakuha na sila ng atesyon at wala na itong nagawa pa kundi ang makipaglabanan sa kanya ng titigan. 

Dumating ang Manager ni Millie Brown at lihim na pinagalitan ang babae dahil naka-attract na sila ng iba pang napapadaan. Madami na ngang tao sa labas ng store dahil naroon si Millie. 

Hinarap siya ng Manager. 

"Miss, you don't want the sales lady to get fired right?" ito ang naisip na last resort ng Manager. 

"Bakit siya mawawalan ng trabaho e, hindi ko naman nanakawin ang Panda onesie?" Umupo si Prin sa couch katabi ni Khalid na hindi nakikialam sa oras na iyon. 

He treats that as a battle of his Mommy versus the Mistress. 

Nilingon ni Prin ang babae. 

"Let's make a bet, Shall we? I can bring Xander here anytime soon." malamig na sabi niya dito. 

She doesn't want Cally to see this girl. He said he never even met her. Kaya naman bakit niya bibigyan ng pag-asa ang babae na makita ang kahit kuko lang ng asawa niya?

This is war! You want my Cally and even my Panda onesie? In your dreams! 

"Mommy, bet for five thousand" bulong ng anak niya.