Chapter 329 - Dare to use my his name

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tinimbang ni Millie ang mga sinabi ni Prin pero marami na ang tao na nakikiusisa. Ang iba nga ay nagvi-video na sa kanila.

"Labanan yata ito ng Misis saka ng Mistress"

"Oh I heard, they are talking about Master Cally, sabi nung babaeng may kasamang bata, siya talaga 'yung totoong girlfriend"

"Mommy can, I also bet with them?" tinuro ni Cally ang mga tao sa paligid.

"Baby that is bad, they are outsiders. We will get Money from the girl"

"I've been with Cally for 2 Years!" naiinis nang sabi ng babae kaya naputol sila sa pagkukulitan ng anak niya.

"Really?" umismid lang si Prin.

"Then let's make a bet. If you lose, babawiin mo ang lahat ng sinabi mo na may relasyon kayo ni Master Cally. You will say sorry to the Sales Lady and…"

"give five thousand to my baby as a 'Stress compensation', dahil na-stress sa iyo ang anak ko" at the end napasunod siya ni Khalid sa pustahan.

Millie "..."

"Mommy, I think you should ask for more because she looks rich and we will definitely win" bulong muli ni Khalid.

Hinarap muli niya ang babae "*Ehem*, my Baby said he wants fifty thousand as a stress compensation"

"Where the hell is the 'stress compensation' coming from?" takang tanong ng babae.

"It doesn't matter. If you are confident, you'll agree with it. Just let us know kung wala kang pambayad. Kapag nagback-out ka, everyone will think na nagsisinungaling ka" pananakot niya dito.

"And maybe, it's because you are really not Master Cally's girlfriend."

"Of-of course not! I'm his only girlfriend! I will pay a hundred!" pero bakas na sa mukha ni Millie ang pag-aalala.

Na-warning-an na kasi sila ni Xander na hindi magdadalawang-isip na tanggalin siya sa kumpanya kung sakali na magsabi pa siya ng kasinungalingan.

Anyway, she will also earn millions for terminating her contract. Iyon nga lang mawawalan din ng tiwala sa kanya ang publiko pati na ang iba pang ahensya.

Tahimik naman ang Sales Lady at hindi alam ang gagawin.

Nilingon ni Prin ang Manager ni Millie saka nakipaglabanan dito ng titig.

"We will call Assistant Xander to come here if we wanted to." hamon ng Manager. Sa isip nito, busy si Xander sa opisina at walang panahon na magpunta sa mall na iyon. So they are safe.

Tinawagan nito si Xander na naka-speaker pa at pinapupunta nito ang lalaki sa shop ni Baba. Wala naman silang narinig na kumpirmasyon kay Xander.

Little did she know, Khalid already sent a message to Xander that they were in trouble sa store ng Tita Baba niya.

"See? that was Xander! You'd better prepare compensation for defaming Millie Brown" sabi nito.

"Sure! I am willing to pay five million kung nagsasabi ka ng totoo." Bakit siya matatakot na maglabas ng pera?

Dalawang minuto pa lang ang lumilipas, tanaw na nila si Xander na papasok sa apparel na iyon, may kasama itong tatlong body guard ng Grupo ni Cally. Kinabahan ang Manager lalo at malamig ang mga mata nito na tumingin sa kanya..

Ngumiti naman si Millie dahil nasa isip ng babae na wala namang gagawin si Xander doon kundi makiusap sa Sales Lady na dito ibibigay ang onesie.

"Xander, you are here."

Pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. "Miss Yuna, Master Khalid"

Nanlaki ang mata ng Manager pati si Millie Brown lalo na nang marinig ang pangalan ni Khalid.

They looked at the kid na naka-short, shirt ng dilaw at sumbrero. Noon lang nila napansin na kamukha ito ni Cally.

Kasalukuyang nakatingin muna ni Prin sa cellphone para ma-stalk ang profile ni Millie Brown at kung anu-ano ang mga pinagsasasabi nito sa account nito. Ayaw nang tapunan pa ng tingin ang dalawa.

"Xander, can you please fire your Manager for me?" mayabang niyang sabi.

Tumango lang ito.

"Assistant Xander…" Nakikiusap ang mata ng Manager. Saka tumingin kay Prin na walang pakialam sa paligid. Hindi niya akalain na nagsasabi ito ng totoo.

"You are fired!" nag-echo ang boses nito sa buong store at walang kagatol-gatol na sinabi ang nais.

Tumayo si Prin mula sa couch saka nilapitan si Millie. "Tsk tsk! Too bad, you can use all the people in the world, but you dared to use my husband's name." bulong niya sa tenga nito. Tinapik niya sa balikat ang babae na tinakasan na ng kulay.

"See you in court"

Saka niya nilapitan ang kahera at ang Sales Lady at ngumiti ng matamis. "Pakibalot na ang lahat. Here's my payment"

Lumapit naman si Khalid kay Millie.

"Now, where is my Hundred thousand?" nilahad nito ang kamay sa babae.

Wala itong nagawa kundi maglabas ng cashcard mula sa bag at inabot iyon kay Khalid.

"Here. Password is 1234" saka nagbalik ng shades at nagmadaling lumabas ng store. Halos hindi alam kung paano itatago ang mukha.

Palihim na nag-apir ang mag-nanay.

"Mommy, do you know that I have the same Panda onesie in my closet?"

Prin "..."

"And I can also ask Tita Baba to give me another one even if the item was out of stock."

Prin "..."

"Bakit hindi mo sinabi kanina, hinayaan mo pa ko na makipag-agawan sa damit?"

"Why would I? I won't be having a hundred thousand if I did that"