Busy si Cally sa opisina nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang asawa at anak niya.
Nag-angat siya nang ulo dahil kung buksan ng dalawa ang pintuan akala mo ay may hahamunin sa loob ng opisina niya.
But their mood was rather than good.
"Hello Husbie!"
"Hello Daddy!"
Binitiwan lang nito ang mga paperbag na bitbit sa gilid.
Tumigil muna siya sa trabaho saka tiningnan ang dalawa. He knew what happened in Baba's shop at pinapunta agad si Xander doon para ayusin ang problema ng dalawa.
Sa mood ng asawa niya, mukhang winalis nito ang babae kahit hindi na kailangan ng tulong niya. Mukhang hindi na rin ito inis sa kanya ngayon.
"How are you?" tanong niya dito. Tumayo siya saka nilapitan ang mag-ina niya.
"He he… your baby panda earned a hundred thousand in less than one hour. Is he cool?"
"I earned millions in one hour. What is surprising?"
Tinapik siya nito sa balikat "But my Baby Panda is just four! Of course his Mommy is happy!"
Kumunot ang noo ni Cally hinila niya ang masayang babae para iupo ito sa binti niya sa sofa na naroon.
"Come here, baby" kinandong niya rin si Khalid sa binti. They look like a happy family.
"Did you settle it?" tanong ni Cally na ang tukoy ay tungkol sa isyu ni Millie Brown.
"Not yet!" mariin na tanggi ni Prin. "Baby, how much do you want to earn next time?"
"hmmm… A million" simpleng sagot ni Khalid.
Cally "..."
"Mommy, will definitely give it to you!" mayabang na saad ni Prin.
Sumasakit ang ulo ni Cally sa usapan ng mag-ina niya. Hindi niya alam kung paanong nagkaroon ng pera ang dalawa sa loob ng isang oras. Kung paano rin mag-usap ang dalawa ay para bang may kukubrahin na pera sa sugalan.
"How did you get a hundred thousand?" Usisa ni Cally.
"Of course, I get it from her! Na-stress ang baby ko sa kanya kaya she paid a hundred thousand as compensation" sagot ni Prin.
He was speechless. He just thought, anyway, she can do whatever she wants to do.
"We are so tired. Are you done?" Usisa ni Prin.
"Yes, let's go home." Napapailing na lang si Cally.
=====
Kinabukasan, naglalaro sila ni Khalid ng 'A Millionaires Game'. Inaya nila si Xia para mas exciting.
"Mommy, I find this game boring. We should be playing with real money" reklamo ni Khalid. Kung tunay na pera ang hawak nila, hindi ba at mas exciting ang laro.
Tiningnan niya ang play money sa harap. Five hundred na lang ang pera niya at kakaunting properties na nasa board game. Her son has a lot as if he owned the game.
"If I did that, I might end up selling all my real properties just to pay you or maybe selling your Dad to get more money. A lot of girls want to bed him, for sure we will earn millions in just one night" seryosong sabi niya.
"Oh? then, we have a back-up plan if ever MGM declares bankruptcy."
Xia "..."
"Yep! At least we have a plan, right? Hindi tayo titira sa kalye."
Xia "..."
Nasa isip ni Xia, anyway, it's impossible Shi Cally will go bankrupt.
Seryoso si Prin na naghagis ng dice nang mag-ring ang cellphone niya, tumawag sa kanya si Apolo.
"Yes Dad" nasanay lang siya na iyon ang tawag niya dito. But deep inside her heart, she is missing Rob Matsui so much. And her Mommy too.
"Come here in the office" Pinapupunta siya nito sa hotel.
'Hmmm… Mukhang another battle na naman ito'
Sinama niya si Khalid sa hotel. Nilagyan niya ng mask na may disenyong pikachu ang bibig nito para hindi makilala ni Apolo.
"Baby, this is for your protection okay. Mommy will have another battle against bad people." Paliwanag ni Prin.
Pumasok siya sa loob ng opisina ni Apolo. Natagpuan niya doon ang Accounting Manager niya.
Napansin din nito si Khalid. "Who is that kid?"
"My friend's kid. Don't worry. He will just sit here." Pinaupo niya si Khalid ng komportable sa nag-iisang couch na nasa bungad bago lumapit kay Apolo para harapin ito.
Sinalubong niya ang mata ng Accounting Manager.
"Tungkol ba ito sa nawawalang 40 million?"
Kita ni Prin ang paglunok ng babae. Hindi niya binabawi ang pagtitig sa mata nito.
Napangisi siya nang unang magbawi ito ng tingin.