Chapter 333 - Mommy with Antman

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Palabas na si Prin at Khalid ng hotel nang pigilin naman sila ni David. Naghihintay sa entrance ng hotel ang lalaki kaya imposible na hindi sila nito magkita. 

"Yuna" bungad nito.

"Oh, Hi David!"

Nakakunot ang noo ni Khalid na nakatingin sa lalaki. "Siguro naman papayagan mo na akong makasabay kayo na magmeryenda."

"My Mommy is still not available. Thank you!" sabad ni Khalid. 

Ngunit hindi na ito pinansin pa ni David. Mukhang handa rin sa labanan na iyon ang lalaki.

"I don't have a family nor close friends here." Sabi nito na naging hudyat naman para sumang-ayon si Prin.

"Alright!" 

Matalim ang tingin na pinukol ni Khalid sa lalaki then the kid looked at her as if questioning her 'who is this guy?' 

"It's just a meal, baby" katwiran niya sa anak.

Hindi na nag-react pa si Khalid. Gustuhin man magreklamo kung bakit wala itong kaibigan o kamag-anak sa lugar na iyon, wala itong magawa dahil si Prin pa rin naman ang masusunod. 

But he secretly texted his Dad nang makarating sila sa Italian restaurant na malapit sa Romantic Grand Hotel

[Mommy is meeting her Boytoy looks like Antman!!!]

Nakakunot ang noo ni Cally nang mabasa niya iyon habang nasa meeting.

[The man is now happily chatting with Mommy. You'd better come and rescue your wife!]

[She even bring her baby while secretly dating] Sunud-sunod na text ng anak niya.

Cally gestured to pause the meeting saka pinalapit niya si Xander na nakikinig sa dulong bahagi ng kwarto.

Nitong mga nakaraan ay pinasusubaybayan niya ang mag-ina niya ng lihim para hindi mapahamak ang mga ito.

Walang ensayo ang asawa niya sa loob ng tatlong taon at nananatili lang ito sa loob ng hotel kaya naman mas minabuti niya na pabantayan muna ang asawa niya sa ngayon.

Lalo na ngayon na panay ang lakwatsa ng mag-ina.

"Where is Yuna?" Tanong niya kay Xander.

"According to the guards, Master, nasa isang Italian restaurant sila sa ngayon para samahan si David Young na magmeryenda."

Agad na kinuha ni Cally jacket niya at iniwan ang trabaho. 

"Meeting adjourned" ang sabi saka mabilis na lumabas ng conference room. Naiwan na nagtataka ang mga tao sa kwarto. Just like that and he disappeared. 

"Wh-what happened?" Tanong kay Xander ng isang Team Manager.

"I won't say anything" sagot lang ni Xander.

=====

Umiinom lang ng milkshake si Khalid sa tabi ni Yuna at inaabangan ang pagdating ng Daddy nito.

'Why is he so bagal? Does he want his wife to be snatched by this Antman?'

Kasalukuyan kasing nakamaroon na body fit si David. His hair is flowy.

Khalid looks cute in his yellow Pikachu shirt. Tumingin si David sa batang kasama ni Yuna na sa palagay niya ay wala namang maiintindihan sa sasabihin niya sa babae. 

Sa simula ay pinag-usapan muna nila kung kamusta si David sa pagbabalik nito sa pamilya nito sa Singapore. Kung ano ang mga ginawa nito doon sa siyudad sa loob ng ilang araw hanggang sa magtapat ito sa kanya.

"Yuna... I asked your Dad if I can court you" David said.

Prin "..." 

Sabay na nag-angat ng paningin ang magnanay kay David. Nakatitig ito sa kanya as if he was hypnotized by her beauty.

Napaubo si Prin ng sunud-sunod. Khalid passed his water. 

"Yuna, I'm serious. I have never been in love with anyone before." 

Lumunok muna ito bago nagpatuloy. 

"I know your relationship with Felix in the past and have been single for a year now. Kaya naglalakas loob ako na magtapat"

Napanganga si Prin sa sinabi nito. Si Khalid naman ay hindi maganda ang anyo. Does he also know that she was with Cally recently?

Sa isipan naman ni Khalid. His Daddy needs a beating and this Antman needs to be kicked out of the country far away from his Mommy. Just then, his Daddy came.

"Looks like David Young is not busy recently" boses ni Cally.

Tumalim ang tingin nito kay Cally. "Yuna, is my friend. Of course I have all the time for her even if I'm busy"

Lalong sumama ang mukha ni Cally sa narinig. "I heard that David Young is good at battle… let's do a match, do you agree?"

"Of course!" mabilis na pagsang-ayon ng lalaki. 

Tumayo rin si David mula sa kinauupuan saka hinarap ang naniningkit na mata ni Cally. Wala ni isa man sa dalawang lalaki na gustong magbaba ng paningin.

Hindi naman alam ni Prin ang gagawin dahil tila nag-aapoy ang mata ng dalawang lalaki na nakikipagtagisan ng titigan sa isa't isa.

"Mommy --"

"No Honey, we don't have to bet this time. This is serious" 

nag-aalala niyang sabi habang nakatingin sa dalawang lalaki na ayaw magbaba ng tingin. 

"Mommy you are overthinking, I will not let you bet with Antman while I'm betting with my Dad. I just want to say, let them do it!"