"David… you don't have to agree with it"
Hinawakan niya sa braso ang lalaki pero agad din naman niya iyong binawi dahil mabilis na lumipat ang paningin ng asawa niya sa kamay niya na humawak sa braso nito.
Sa paraan ng pagtingin kasi ng asawa niya sa parte na iyon, parang puputulin nito ang kamay niya dahil dumampi iyon sa balat ni David.
Hindi maiwasan na mag-alala siya dahil she knew David. He is one of the best spies in the world.
Alam niya rin naman na hindi magpapatalo ang asawa niya sa labanan. But this battle is insane, she doesn't want to hurt any of the two men.
Kaya naman ngayon pa lang ay kailangan na niyang himukin ang dalawa na itigil ang plano nito.
"Just let me know when and the place" hamon ni David.
"Sure! This weekend. My assistant will let you know the place"
Napangiwi si Prin. "David, you don't have to agree. I'm with Cally. Maybe you don't know but I'm in a relationship with Cally now." paliwanag niya sa lalaki.
Pero nananatiling seryoso ang dalawang lalaki.
"He has a kid. You knew this guy just recently. Hindi ko hahayaan na maging pampalipas oras ka lang ni Master Cally." sarkastikong sabi
Prin "..."
'I knew him alright! And this kid is also mine!'
Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Matapos nitong sabihin iyon, tumalikod na ito kaya lalo siyang nawalan ng pagkakataon na magpaliwanag dito.
Matapos nitong makalabas sa restaurant na iyon, binalingan siya ng asawa niya.
Napangiwi si Prin dahil nananatili pa ring malamig ang anyo nito. It's as if she was meeting a lover.
"How did you know that we are here?" usisa ni Prin.
"Why? Are you planning to hide this from me? Your baby texted me" malamig na sagot nito.
"He knew how to write?!" and text? Ilang bagay pa ba ang hindi niya alam na kayang gawin ni Khalid.
Akala niya ay naglalaro lang sa tablet nito ang anak niya habang nakikipagkwentuhan siya kay David.
"He already knew how to read at the age of two. He knew how to read piano keys at the age of three. It's not surprising at all that he texted me."
Pero hindi iyon ang pinoproblema ni Prin.
Ang tanong niya ay kung ano ang mga sinabi ng anak niya kay Cally.
"Baby, ano ang mga na-text mo kay Daddy?" kinuha niya ang tablet nito at binasa ang mga mensahe na pinadala nito sa asawa niya.
Nag-iisip ng isasagot si Khalid habang napapangiwi si Prin na binabasa ang mga mensahe.
"Daddy said, he will give me five thousand per message."
Prin "..."
"Where did you get all these ideas that I'm secretly dating with my baby?"
"and.. 'come and rescue your wife'?" nabibigla si Prin sa mga sinabi ng anak niya sa text. Does her son think this way about her?
"I just choose randomly on the internet. I just googled them, copied and pasted them. If I texted Daddy more, I will earn more 5 thousand. You see in just a couple of minute, I earned 15 thousand."
Napangiwi si Prin.
"But.. But I don't like money at all!" katwiran nito.
Prin "..."
'Yeah, right! You are just selling me just now. '
Napayuko si Khalid. Somehow, he felt guilty.
"I just don't want Mommy to be snatched by Antman that looks like Gremblin" mahinang sabi nito.
"Husbie.." hinawakan niya sa braso ang asawa.
"Let's go home" sabi nito saka tumayo na at umuna na sa paglabas. Nagbayad lang siya ng kinain nila saka sumunod kay Cally sa kotse nito.
Pagdating nila sa White Castle, pinagpatuloy niya ang pagsunod kay Cally hanggang sa makarating sila sa kwarto.
"Husbie…" umurong ang kung anuman na nais niyang sabihin dito nang makita na seryoso si Cally na lumingon sa kanya.
Hinila siya nito palapit sa bisig at marahas siyang hinalikan sa labi. Gusto niyang magreklamo pero hindi siya makawala sa bisig nito. Halata na gusto siya nitong parusahan. He kissed her hard until she couldn't breathe.
Ilang saglit din naman at naging magaan ang halik ni Cally pati ang pagkakayakap nito sa kanya.
"I don't know what to do with you." bulong nito maya-maya. He kissed her head.
"Husbie, please don't continue the battle." pakiusap niya pa rin dito. Hindi niya alam kung saan aabutin ang dalawa kung sakali.
Naramdaman niya na bumigat ang kamay nito sa balikat niya na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Honey, it's too late to tell me that. Sa palagay mo, anong iisipin ni Antman kung bigla akong magba-back out? It's a good match between two men."
'Antman?'
"And you… you will stay here tomorrow with your baby. You are grounded. Saka darating ang tutors ni Khalid"
"Tutors?"
"Yes. His tutors come here every week. 'Yung isa tinuturuan si Khalid ng piano at 'yung isa naman, tinuturuan siya sa aralin"
"He is studying?!"
"Yes, once a week." sagot nito.
Sa isip ni Prin, masyadong bata pa ang anak niya para mag-aral. Mas gusto niya sana kung naglalaro lang ito sa bahay o sa playground. Ayaw niyang madaliin ang anak niya sa galaw ng buhay. Kids should spend their time playing outside. Because once he reached his 20s, matutulad ito sa asawa niya na maraming responsibilidad.
Kaya naman dapat ay nagsasaya lang ito sa edad nito na apat na taon. Ayos lang ang pag-aral nito ng piano because he is enjoying at the same time.
"Is he too young for that?" tanong niya kay Cally.
"Honey, ayoko rin siyang pag-aralin kaya nga isang beses lang sa isang linggo kung pumunta dito ang tutors niya, but Mommy insisted, dahil si Khalid ang pinakamatalino saming lahat. I can say na mas matalino pa sa iyo ang anak mo."
"Get lost!"