Chapter 335 - Half a million cost of laptop

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa umaga, nasanay na sila ng anak niya na mag-exercise. Napansin din naman niya na mukhang parehas na nakapag-adjust ang katawan nila ng anak sa activities sa umaga dahil mas malayo na ang natatakbo nila. 

"Honey, do you like to swim?" Tanong niya. 

Saglit na nag-isip ito "But I don't know how to swim." 

Napangisi si Prin. "How about I teach you?" 

"But I'm lazy and shy" nakayuko na sabi. Halatang nahihiya ito na magsuot ng trunks. 

Ngumiti si Prin. Kahit papaano ay nakikilala niya ng paunti-unti si Khalid. "Eh, come here." 

Pinupog niya ng halik sa pisngi ang anak. 

"Sa susunod, huwag ka na basta-basta magpapadala ng kung anu-anong mensahe sa Daddy mo ha. Those on the internet are not a good influence. See? Your Dad and Antman almost kill each other. Where did you learn to bet and sell things?" 

"I don't know." nahihiya na sabi. 

"...It all started when I sold Uncle Matty's laptop two months ago for five hundred thousand. But in the end, he still bought it." 

Prin "..." 

"How did you do that?" she was really amazed na nabenta ni Khalid kay Mat-mat ang sarili nitong laptop sa hindi maliit na halaga. 

Kinuwento ni Khalid na nasira ng triplets ang laptop dahil nahulog sa swimming pool na naroon sa White Castle ang laptop nito. 

Sa pagkabadtrip ni Mat-mat, binigay na lang kay Khalid para paglaruan. 

Matapos ipagawa ni Khalid ang laptop ng Uncle Matty nito, he found secrets and obviously Matty's secrets. 

He told Donna he found his Uncle's secrets inside the laptop. 

Sa takot ni Mat-mat na malaman ng asawa nito ang mga X files na nasa loob ng laptop nito, binili nito sa halagang 50 thousand ang laptop. 

But Donna raised the price to 100 thousand. Tapos, tinaasan din ni Mat-mat sa dalawang daan, tinaasan din ni Donna sa 300 thousand. Ang nagwagi nga sa huli ay si Mat-mat din sa halagang five hundred thousand. 

He paid his own laptop for 500 thousand that day. 

Speechless si Prin matapos i-kwento ng anak niya ang sitwasyon. Kahit siya sa hotel ni Apolo na nagpakapagod ng isang buwan ay hindi sumuweldo ng limang daang libo. 

"You see Mommy? I didn't do so much work but in two months I earned a million." 

'Lodiiiiiii!' 

Kung sa loob ng dalawang buwan ay may milyon na ito. Binibilang ni Prin ang kikitain nito matapos ang isang taon. Paano pa kapag inabot na ng teenager ang anak niya?

Baka malagay pa sa 'The Richest Man in the World' ng Guinness ang anak niya.

=====

Dumating ang instructor ni Khalid sa piano matapos niya lang hilamusan ang anak nang umaga na iyon. 

Isang maganda at seksing babae ang dumating sa White Castle. Maganda rin ang tindig nito. 

Nakakunot ang noo ni Prin nang makita ang babae. Hindi niya rin kasi akalain na bata pa ang pianist na nagtuturo kay Khalid. 

Ang binigay na impormasyon sa kanya ni Cally ay gold medalist sa International Competition ang babae. Ilang taon na rin daw itong nagsasanay sa piano at si Khalid ang una nitong tinuturuan. 

Kaya naman ang babae ang napili nito na magturo kay Khalid. But she wasn't expected that the girl was young. Sa tingin ni Prin ay naglalaro sa mid twenties ang babae. 

Hinila ni Khalid ang braso ng babae para lumapit sa kanya. 

"Come Teacher, I will introduce you to my Mommy." 

Kumunot ang noo nito nang marinig ang 'Mommy' word mula kay Khalid. 

Pinasadahan muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa nang makalapit. Nakaramdam naman agad ng pagkaasiwa si Prin sa ginawa nito. She sensed something about the girl. 

Ngumiti rin naman agad ang babae at tinago ang emosyon. 

"Hello, I'm Teacher Bei." pakilala nito sa kanya. 

Tumango lang si Prin. "So you are his teacher" 

"Yes." sagot nito. 

"Okay!" 

Binalingan niya agad si Khalid. "I'll see you Baby kapag tapos ka na. Sa office ni Daddy lang si Mommy." sabi ni Prin . 

May tatapusin pa rin naman siyang trabaho na naiwan mula sa hotel. Pinadala niya na lang ang lahat kay Mildred sa emails. 

Pinagmasdan pa siya ng babae na papaakyat ng hagdan. Being a Dark Guard for so many years, she sense something about her gaze pero nanatili si Prin na papaakyat at hindi na tinapunan pa ng tingin ang babae. 

Then she thought, the teacher may be one of Cally's fans.

He has millions of fans and she will just ignore the teacher as one of those fan girl na wala rin namang magagawa dahil nasa kanya ang bertud ng asawa niya.