Chapter 336 - Whirlwind Romance?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Isang magandang babae si Miss Bei, kung tutuusin may hawig ito kay Gal Gadot. Mukhang aral din ang babae at saka matalino sa isip ni Prin. Normal naman sa mga pianist ang ganoong pagkilos para mas makaenganyo ng fans.

Matapos iyon, tinanggal niya na sa isipan pa ang babae.

Naging maayos pa rin ang pagturo ng guro kay Khalid. Naririnig sa buong kabahayan ang tunog ng pagtugtog nito ng piano.

Prin was proud. Narelax pa nga siya kung tutuusin sa pagtatrabaho habang pinakikinggan ang pagtugtog ni Khalid. It was as if the person who plays the piano is not a four year old kid.

Buong oras na nakangiti si Prin sa opisina ni Cally.

Sa piano room… Tumikhim si Teacher Bei matapos ang oras ng pag-ensayo nila ni Khalid. "You are good."

"Really?" tanong nito.

"Yes. Do you want to compete?"

Nagliwanag ang mukha ni Khalid at nag-isip saglit. "Hmmm.. I'll ask my Mommy"

Simula nang dumating si Prin sa bahay na iyon, tinatanong ni Khalid ang Mommy niya sa lahat ng bagay.

"I will ask Mommy if I'm good and would be able to join the contest."

Pinilit na ngumiti ng babae. Parang nawalan ng saysay ang tanong na iyon ni Miss Bei sa bata dahil depende pa rin sa kung ano ang magiging desisyon ng Mommy nito. Kung mag-decide si Miss Yuna na hindi sasali si Khalid, iyon ang masusunod.

Saglit na umasim ang mukha ng guro. 'Who is this Miss Yuna?'

"Since when did she come here?"

Nagbilang naman sa isip si Khalid. "I think for a week."

She came here just a week ago and everything was under her control?

Hindi matanggap ng guro na may matatagpuan siyang bigla na babae doon matapos niyang maglaan ng oras kay Khalid. Everyone in the society knew that Master Cally was single for a couple of years.

Maraming babae ang gusto na maging Mrs Cally Han and she was not an exemption.

She tried to befriend with his kid at baka sakaling mapalapit ang loob niya sa bata. Narinig niya sa iba na kung sakali na mapalapit ang loob niya kay Khalid, there is also a bigger chance na mapalapit siya sa tatay nito.

For a couple of months na pagpunta-punta niya doon ay wala siyang nababalitaan na may napupusuan si Master Cally because he was still in love with his wife.

Paanong nangyari na pagdating niya doon ay may bubungad sa kanyang babae na dumating lang doon isang linggo lang ang nakalipas?

Kailangan niyang ipagtanong-tanong ang pagkatao ng nanay-nanayan ni Khalid at baka makakita siya ng posibleng gamitin laban dito.

Pinutol ang mga isipin niya ni Xia.

"Miss Bei, naghanda ako ng meryenda para sa inyo." Nilapag nito sa maliit na mesa na naroon sa loob ng kwarto ang tray na bitbit. May laman na sandwich, tea at juice ang tray.

Umupo sila ni Khalid sa magkabilang silya sa tapat ng coffee table. Tapos napansin niya na nag-aatubiling kainin ni Khalid ang sandwich nito.

"I'll bring mine to my Mommy." narinig niyang sabi ni Khalid. Hindi na ito nanghingi ng kumpirmasyon o sagot mula sa kanila ni Xia. Nilagay muli ang pagkain nito sa tray at binitbit iyon palabas ng kwarto.

Naiwan si Xia at Miss Bei sa piano room. Naghanap siya ng tiyansa para usisain ang babae tungkol kay Miss Yuna nang hindi ito makakahalata.

Pinag-usapan nila ng huli ang tungkol sa pagpiano ni Khalid. Pinuri siya nito dahil sa magandang pagturo niya sa Master nito. Tumikhim si Bei matapos ang maraming pag-uusap.

"Miss Xia, maitanong ko lang po. Kailan pa dito si Miss…"

"Si Miss Yuna po ba?"

"Yes."

"Nakaraang linggo lang." nakangiting sagot nito. It looks like she was also having a nice relationship with Miss Xia.

"Her relationship with Khalid looks nice." sabi niya dito.

"Yes, even her relationship with Shi Cally is surprisingly nice."

"Kailan pa sila magkakilala?" dahil wala namang ma-sense na kung ano si Xia, sinagot nito ang tanong.

"On master Khalid's birthday. Since then, he called Miss Yuna his Mommy. Natatandaan niyo pa po ba na kinansela ni Shi Cally ang klase niyo nang nakaraang linggo? Sinira kasi ni Master Khalid ang lahat ng gamit dito because he wants to see Miss Yuna pero ayaw ni Shi Cally."

"Pero matapos ang lahat, nasunod pa rin ang Master Khalid. Since then, she came to this house hanggang sa nagkamabutihan sila ni Shi"

"Is it a whirlwind romance?" usisa muli ni Bei

Natutop ni Xia ang bibig. "Oh my Miss Bei, Sorry! Hindi dapat ako nagsalita ng madami. I'm sorry but that's all I can say. Please don't tell this to outsiders"

Bumahid ang pag-aalala sa mukha nito. Palibhasa ay magaan na ang loob ni Xia sa teacher ni Khalid, para lang siyang nakikipagkwentuhan sa isang kaibigan. Pero alam ni Xia na mali pa rin ang ginawa o sinabi sa teacher ni Khalid.

Bumigat ang hawak ng guro sa tasa.

'One week and she got everything?' Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginawa ng Yuna na iyon sa mag-ama pero hindi siya naniniwala na matapos lang ang isang linggo na pagkakakilala ay ayos na ang pagsasama nito.

She can now even stay in Cally's office in White Castle.

Pinilit niyang magpakalma at huwag ipakita ang pagkainis kay Yuna. Then, she asked her Dad if he could investigate more about Yuna Byrnes.