Chapter 337 - Weird nicknames

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dumating ang weekend...

Sa araw na iyon ang laban ni David at Cally pero kinailangan ni Prin na pumasok sa hotel, may mga pipirmahan siya na kung anu-anong dokumento dahil ilang araw na siyang lumiliban.

As usual, kasama niya ang kanyang baby panda. Sa palagay niya ay hindi na sila mapaghihiwalay pa ng anak niya.

Para itong duckling na sunod ng sunod sa nanay nito. Mawala lang siya ng saglit sa paningin nito ay hinahanap na siya nito.

Still, he was still her baby.

"Hindi ka ba naboboring, baby?" tanong niya habang pumipirma sa mga dokumento na nasa harap.

Nakaupo sa katapat na couch si Khalid at nanonood ng kung ano sa ipad nito.

"No, I'm fine. I like being with Mommy." Sabi habang nakatutok ang mata sa ipad na hawak.

"Don't worry, patapos na rin si Mommy."

Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Mari. Halata sa mukha nito na hindi ito nakatulog at stress sa kung anong dahilan.

"Yuna! How dare you?!" nagagalit na bungad nito.

Nagtaas ang kilay niya. 'Ano na namang problema nito?'

"You?! Are you the one who told Felix that I'm not pregnant?!"

Prin "..."

"You are the one, right?!"

Sumasakit ang ulo niya sa pagdating nito at ayaw niyang patulan ang babae. Hinilot niya ang sentido. Wala siyang pakialam kung buntis ito o hindi. She doesn't even care about their relationship or if they are getting married.

"You are so shameless, Yuna! Gusto mo siguro na magkabalikan kayo ni Felix kaya mo ko siniraan sa kanya!"

"Mari, I don't care about your Felix! Can you please get out?"

"Felix will soon be a Master of Smith Family kaya gusto mo siyang angkinin, aminin mo na, Yuna!"

Hindi niya alam kung saan hinugot ng babae ang dahilan nito na iyon.

"So, that's why you are still blainless!" sabad ng anak niya.

Lumingon dito si Mari at napaatras nang makita si Khalid, ang batang nagpahiya sa babae ilang araw ang nakalipas.

"They say, hormones like estrogen, progesterone, and others most likely drive the changes in the brain structure of the pregnant lady. That's why they became smarter… but it looks like you are still brainless. Maybe that's the reason why this 'Felix the cat' guy, found out that you were just pretending."

"Don't take it against my Mommy, she doesn't care about your Felix the Cat. She only cared about me. Ask yourself instead for being brainless." Galit na sabi ng anak niya sa babae.

"If I am a zombie, I won't eat your brain because there is nothing in it!"

Parang magdudugo ang ilong ni Prin sa mga paliwanag ni Khalid.

What hormones?

What progesterone? Estrogen?

She doesn't even know about these things.

"Ughhh!!!!" Nagpapadyak ang babae dahil sa sobrang galit. Hindi pa nga ito nakakabawi sa pagpapahiya ni Khalid. And now he said she is brainless?

Mabilis na lumapit ito kay Khalid at hinawakan sa magkabilang braso ang anak niya.

Napatayo si Prin sa kinauupuan at agad na nilapitan si Khalid.

"I'm not brainless! It's Yuna's fault!" Niyugyog nito ang katawan ng baby panda niya.

"Mari! Stop!" Tinanggal niya ang kamay nito sa braso ni Khalid.

Kinuha niya ang anak at napansin na bumakat ang kamay at nagalusan mula sa kuko ng babae ang braso ni Khalid. Nag-init ang ulo ni Prin dahil nagalusan ang anak niya mula sa kamay ng babae.

"You witch!" Galit na singhal niya.

Nabigla rin ito pero huli na dahil sinuntok niya ng diretso at ubod-lakas sa mukha si Mari. Agad na nawalan ito ng malay.

K.O.!

"Grrrr. This witch!" Usal niya habang nag-aalala kay Khalid.

Namula ang kamay niya dahil ilang taon na siyang walang praktis sa labanan. Pinagpag niya ang kamay dahil nasaktan din talaga siya.

Gusto niya pang sipain ang babae palabas ng kwarto na iyon para matauhan ito habang nasa sahig ito.

Pinatawag niya si Felix kay Mildred saka nagpadala ng first aid kit.

Akala naman ni Felix ay kung ano ang kailangan sa kanya ni Yuna kaya mabilis itong nagpunta sa opisina ng babae.

Ilang saglit pa, naroon na ang lalaki at may bitbit na rin na gamot ang sekretarya niya.

"Get your girlfriend out here! I'm not involved in whatever issues you may have!" Galit na sita niya kay Felix.

"Tsk!" Umasim ang mukha nito at halatang hindi nito nagustuhan na makita doon si Mari.

"I'm going back to the UK. Ask your Dad to help her because I'm not tolerating this Mari girl!" Sabi nito saka lumabas muli ng opisina niya at hinayaan ang babae.

"Are you okay, Baby?" Nag-aalala na tanong niya sa anak.

"Mommy, we should ask money from that Felix the Cat. He should pay my medical bills."

'After Antman, Felix the Cat'

Mukhang ayos naman ang anak niya dahil nakakita ito ng dollar sign sa katauhan ni Felix.

"What is your nickname for your Daddy?" She curiously asked.

"Snow white. He has these seven families representing the dwarfs"

Prin "..."