Chapter 338 - My Mommy is missing

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Inalam ni Prin kung saan gaganapin ang laban ni Cally at David. Pero ayaw sabihin sa kanya ni Xander. Mahigpit daw na utos ni Shi Cally na hindi siya pwede sa Arena.

Alas kwatro ng hapon ang nakatakdang oras ng laban ng dalawa. Trenta minutos na lang at magsisimula na ang laban ng mga ito. Malamang na parehas na nasa lugar na ang dalawang lalaki at naghihintay na lang din ng oras.

Ayaw man niyang patulan ang dalawang lalaki sa kabaliwan ng mga ito, hindi maiwasan na mag-alala pa rin siya.

"This is insane!" nag-aalalang usal niya.

Panay ang ikot at lakad niya sa opisina. Wala na si Mari doon dahil pinabitit niya na sa gwardiya palabas.

"Mommy, I want to wiwi" saad ni Khalid. Kaya naman naputol saglit ang pag-aalala niya sa dalawang lalaki.

"Okay, come."

Dinala niya sa Restroom ng mga kalalakihan si Khalid. Sinubukan niya na minsan na pagamitin dito ang CR ng mga babae dahil bata pa naman ito at hindi papansinin sa ladies room, pero ayaw ng anak niya.

He said he never went to the ladies room because Dad always accompanied him in the past.

Hinintay ni Prin sa labas ng restroom ang anak niya, naririnig naman niya ang pagflush at kung ano pa sa loob. Sumandal muna siya sa pader.

Habang malalim ang iniisip, napansin niya si Felix na papalapit pero iniisip niya na papunta lang ng restroom ang lalaki kaya hindi niya ito pinansin. Iniwas niya na lang ang paningin dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

Pero nabigla na lang siya nang may yumakap sa kanya at takpan ang bibig niya ng panyo. Mabilis na nawalan siya ng malay at parang lantang gulay na nahulog sa bisig ni Felix.

"Sorry Yuna, but I'll bring you with me."

=====

Naghintay si Khalid sa labas ng restroom, naisip niya na baka nagwiwi din ang Mommy niya sa loob ng ladies room. Pero 10 minutes na siya doon sa labas at hindi pa lumalabas ang Mommy niya mula sa loob.

Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng CR ng mga babae. But to his surprise, no one was there.

Nagpunta siya sa opisina ng Mommy niya na malapit lang din naman sa restrooms.

But his Mommy also wasn't there. Alam niya na hindi siya iiwanan doon na mag-isa ng Mommy niya kaya nagsimula siyang kabahan. Sunod na tinungo niya ang opisina ni Mildred sa katabing kwarto. Natense pa ang babae nang makita siya.

"Untie Mildred, where is my Mommy?"

Kumunot ang noo nito. "She is with you, di ba?"

"I know, I'm not an idiot but can't you see I am looking for her?"

"Okay, okay, sit there for the meantime while waiting for your Mommy." tinuro nito ang silya sa tapat na nakalaan para sa bisita.

Nag-aalangan man, sumunod si Khalid. "Please look for my Mommy."

Dahil nasanay naman na ang sekretarya ni Prin na ganoon si Khalid, palaging hinahanap ang Mommy nito at para bang ayaw nito na malayo kahit saglit lang, hindi niya masyadong binigyan ng atensyon ang problema ni Khalid.

Nasa isip ni Mildred na baka pinatawag ni Apolo o kaya naman ay may tsinek lang sa hotel.

Tumingin si Khalid sa relo. 30 minutes na ang nakalipas at wala pa ang Mommy niya.

"Untie Mildred, you better find my Mommy or else I will think she has been kidnapped"

Napangiwi ang babae. "Okay, okay, I will look for her"

Umalis ito saglit, ilang minuto pa ang nagtagal bago ito bumalik muli.

"Khalid, did your Mommy leave you? Did she tell you, your Daddy will pick you up here?" hindi rin kasi makita ni Mari si Yuna at nalaman niya mula sa isang utility personnel na nakita nito na nakaupo sa passenger seat ang Manager nila.

"That's nonsense!" hindi siya iiwan doon ng Mommy niya, he is a hundred percent sure.

He sent a message to his Daddy. [Daddy, Mommy is missing!]

Pero wala siyang makuhang sagot o kahit notification man lang na nabasa nito ang message niya.

Bumaba si Khalid ng silya at nilapitan ang landline ni Mildred. Tinawagan niya ang opisina ng Daddy niya. Walang sumasagot.

'Oh noh!' His Dad is in a battle with Antman.

Sunod na tinawagan niya si Xander. Operator muna ang sumagot hanggang isang lalaki ang marinig niya sa kabilang linya, si York, ang sekretarya ni Cally.

"York, I want to talk to Xander."

Pinagmamasdan lang siya ni Mildred.

"He was with your Daddy" sagot nito.

"Then call Xander! Tell him my Mommy is missing!"