Sabay na dumating si David at Cally sa isang arena. Si Xander ang lahat ng nag-asikaso ng bagay na iyon.
Isang Mixed Martial Arts ang napagkasunduan ng dalawang lalaki.
Isang napakalaking Arena iyon pero sikreto ang laban nilang dalawa sa publiko. May cage ring sa gitna.
Tanging si Xander, Medics, mga batikan sa laban na iyon at ang mga pinagkakatiwalaan na tao ang nasa paligid, bukod pa sa organizers para patas ang laban.
Sinuri muna ang katawan nilang dalawa.
Kahit papaano ay ayaw ni Xander na may mapahamak sa laban na iyon. Lalo nang ayaw niya na mapahamak ang Shi Cally nila.
Gustuhin man niyang pigilin ang Master nila ay wala siyang nagawa. Si Miss Yuna nga ay walang magawa, siya pa ba na di-hamak na Assistant lang sa opisina.
Nagtataka naman si David kung bakit wala si Yuna sa lugar. Inikot niya ang paningin nang makapanhik sa ring, ngunit hindi niya nakita ang kaibigan.
"Where is Yuna?" tanong niya nang magharap sila ni Cally sa gitna ng ring.
"I don't want her to see you wearing a small piece of clothing. Kaya hindi ko pinaalam sa kanya kung saan ang laban" sagot ni Cally.
Mixed Martial Arts ang laban nila at tanging boxers lang ang suot. He will never allow Prin to see another man's body. Even a single sweat on David's body.
Baka hugutin niya pa ang mata ng asawa niya kung masilayan lang nito ang katawan ng katunggali.
Tumiim naman ang bagang ni David. Ganito na ba kalapit ang dalawa sa isa't-isa? Pinilit ni David na magpakalma sa narinig.
Saka nagbigay ng kakaibang ngiti.
"Talaga ba? Baka naman ayaw mo lang na makita ka ni Yuna na duguan at talunan ka ngayong hapon?" sabi habang iniinat ang katawan.
"Ikaw ang bahalang mag-isip." sagot ni Cally. Parehas silang nag-stretch ng katawan.
Pumasok na ang referee sa gitna ng ring dahil eksaktong alas kwatro na ng hapon. Sinabi nito ang mga bawal.
Agad na humarang ang pader ng dalawang lalaki at mabilis na tumalim ang mata sa isa't-isa. Hindi iyon basta laban lang, alam nila sa isa't-isa ang ibig sabihin ng laban na iyon.
Kailangan ipakita ni Cally sa David na ito na hindi siya isang simpleng businessman lang. He can protect his wife. At gusto niyang magbalik ang lalaki sa kung saan ito galing at huwag ng guluhin pa ang asawa niya!
Nakakasira ng araw at nakakasira sa mata niya ang mukha ni David.
Aminado si Cally na insecure siya sa bagay na nakasama ito ni Prin sa loob ng dalawang taon. Sa panahon na wala siya sa tabi nito.
Sumenyas ang referee para sa pagsisimula ng laban.
Agad na naghanap ng tyansa ang parehas na partido. Ilang saglit pa, nagpakawala ng sipa si David na sinangga ni Cally. Saka nagpakawala ng sipa din para dito na sinangga rin nito.
Hanggang sa nag-ipitan na sila ng mga binti sa gitnang bahagi ng ring.
Ramdam nila ang lakas ng katunggali at bawat pagsuntok sa katawan, pero hindi iniinda ng dalawa.
Kumuha sila ng atensyon lalo na sa mga expert na nanonood. Pakiramdam nila ay mas magaling pa ang dalawa sa mga lumalaban ng MMA. Bilib ang mga nanonood dahil kapwa ayaw magpatalo ng dalawang lalaki sa isa't-isa at parehas determinado sa laban.
"Wow! I never thought Master Cally would be this good at fighting" sabi ng isa. Dahil kilala nito si Cally bilang presidente lang ng MGM.
"totoo, kahit si Sir David"
"Well, he is a spy afterall."
Hanggang sa nasuntok ni David si Cally sa panga. Ganoon din naman si Cally dito.
Pumito ang referee pero tila hindi na nadidinig ng dalawang lalaki. Parehas na nasa iisa ang atensyon.
Ang talunin ang isa't-isa!
Hindi naman mapaghiwalay ng referee ang dalawa dahil pati ito ay natakot nang lumapit sa dalawang naglalaban.
Sampung minuto na ang laban at kapwa, parehas ayaw magpatalo. Kung ano ang nagawa ni Cally, may kasunod na banat agad si David.
Samantala, tutok na tutok si Xander sa panonood ng laban. Hindi niya kasi hahayaan na may mangyaring masama sa parehas na lalaki. Ito ang utos ni Cally.
Kung sakaling may mangyari sa Master niya, siya rin naman itong malalagay sa alanganin.
Lumapit ang isang tauhan ng arena kay Xander.
"Assistant Xander, tumatawag si York sa cellphone niyo pero hindi niyo daw po sinasagot." Pagbibigay alam nito.
Hindi na niya kasi iintindihin pa na sumagot sa cellphone.
Tumango siya saka tumayo. Nilingon niya pa ang dalawa sa cage ring na parang manok na panabong na naglalaban at alerto sa isa't-isa.
Nang makarating sa pasilyo. Sinagot niya ang tawag ni York.
"Alam mong hindi ako pwedeng istorbohin ngayon na nasa laban si Master Cally." pinagagalitan niya ito.
"Pero Assistant, importante ito"
"Siguraduhin mo na importante talaga ang sasabihin mo. Kung hindi ay ipadadala kita kay Master sa Africa para samahan ang mga giraffe sa wild."
"Nawawala si Miss Yuna!" biglang sabi
'Shet! Importante nga!'