Chapter 340 - Miss Yuna is missing

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Natense si Xander sa narinig mula kay York. 

"Nasigurado mo na ba kung totoo ito?" usisa niya dito na kinakabahan. 

"Assistant Xander, si Master Khalid mismo ang tumawag sakin. Base sa boses niya hindi siya nagsisinungaling. Mahigit 40 minutes nang hindi bumabalik sa opisina niya si Miss Yuna… Nakausap ko mismo ang sekretarya ni Miss Yuna at may nakakita na empleyado ng hotel na nakasakay daw sa si Miss Yuna sa kotse. Hindi naman siguro walang puso si Miss Yuna para iwanan si Master Khalid sa hotel ni Apolo at basta na lang umalis."

Kinabahan si Xander, naisip niya pa nga nang una na baka nagpapanggap lang si Miss Yuna na nawawala para pigilin ang laban ni Shi Cally. 

Pero hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang bagay na ito kung sakaling may nangyari talaga sa babae. 

Isa ang pagkakataon na iyon sa mga bagay na hindi alam ni Xander ang gagawin. 

Tsk! 

"Magpadala ka ng tao para puntahan si Master Khalid" ang huling mensahe niya kay York

Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang ring.

Kapwa pawis na pawis ang dalawa sa Ring. Kita na ang pasa, galos at bahid ng dugo sa katawan ng dalawang lalaki. Pumutok na ang labi ni Cally pero ganoon din si David. 

Mabilis din naman siyang nakalapit sa cage ring. 

"Master! This is an emergency!" sigaw ni Xander sa butas ng cage ring. 

Hindi siya pinapansin ng dalawa. 

"Miss Yuna is missing!" sigaw niya. 

Parang tumigil ang mundo ng dalawang lalaki na nag-iipitan ng leeg sa gitna ng ring at sabay na lumingon kay Xander. 

Halos gumapang ang dalawa at na sabay din na lumapit sa kanya sa gilid. 

"Anong nangyari?" sabay din na tanong nito. 

Umaangat at bumababa ang dibdib ng dalawa dahil sa paghingal. Tumatagaktak ang pawis pero pinili pa rin na harapin si Xander. 

Napalunok si Xander. Kapag may nasabi siya na hindi maganda, baka gulpihin siya ng dalawang ito na mas dumoble ang pag-apoy sa mga mata. 

"Ask the team to look for her." Naging pasya ni Cally. 

"Where is Khalid?" Hindi rin hinintay pa ni Cally ang sagot. Matalim na nilingon niya si David saka lumabas ng ring para mas maintindihan kung ano ang nangyari. 

"I will also ask my team to look for her." sabi ni David na sumunod sa paglabas. 

Kahit ano pa ang mangyari, they have to stop this fight. Saka na nila pag-uusapan kung kailan nila iyon itutuloy. 

Hindi alam ng mga nanonood kung ano ang nangyayari dahil natutuwa pa sila sa laban ng dalawa nang bigla na lang tumigil ang mga ito. 

"Assistant Xander, anong nangyari?" hindi makapaniwala na tanong ng isa sa organizer. 

"May emergency na nangyari sa pamilya ni Shi Cally kaya tigil muna ang laban." saka sumunod sa Master nito. 

Nanghinayang man ang mga manonood, wala silang magagawa. 

Tinungo ni Cally ang locker saka kinuha ang mga gamit at mabilis na nagbihis. 

Nagkasulyapan pa sila ni David bago tuluyan na lumabas ng arena. 

Sa sasakyan, binasa ni Cally ang mga mensahe ni Khalid. Ilang beses nitong sinabi na 'Mommy is Missing'. 

Tinawagan niya si Mat-mat. "I need your help. Please look at Romantik Grand Hotel's CCTV and find the person who abducted Yuna" 

Kumunot ang noo ni Mat-mat. 

Sa ngayon, ang pinsan pa lang ang pinagkakatiwalaan ni Cally kung si Yuna o Prin ang usapan. 

"Sige, sabihan kita agad kung may mapansin akong kahina-hinala" 

=====

Sa lugar ni Khalid. He is still waiting for his Dad to come. 

"Untie Mildred, do you think Dory is the one who got my mom? Or is it Felix the Cat?" 

"Dory? Felix the Cat?" takang tanong ni Mildred. 

"Oh! It's my nickname for brainless Mari and the man named Felix."

"Why Dory?" 

"it's as simple as it is, because she is Brainless like Dory in Finding Nemo" 

Napangiwi na lang si Mildred. Ayaw niyang alamin kung ano ang tawag nito sa kanya at baka hindi niya magustuhan. 

"Do you want to see my Dad?" tanong ni Khalid sa dalaga. 

Panay ang tango naman nito. Nakatanggap na si Khalid ng mensahe na on the way na ang Daddy niya at anumang oras ay kakatok ito. 

"Pay me five thousand then I'll let you see him." 

Mabilis na naglabas ng pera ang babae at inabot kay Khalid. 

Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan ng opisina ni Mildred. Binuksan niya iyon at natulala siya nang makita si Master Cally. 

"Yo-your Dad is here." Sabi nito ng namumula ang mukha. 

Lumapit si Khalid sa Daddy niya at yumakap sa binti. 

"Daddy, Mommy is missing!" sabi nito na parang pusa. 

"Get your things, let's go" utos kay Khalid. 

Nananatili pa rin si Mildred na natulala dahil nakita niya ng personal ang idol niya. 

"Salamat sa pag-alaga kay Khalid. Kailangan na naming umalis." saka ngumiti ng bahagya. 

Hindi na hinintay pa ang sagot ng dalaga at mabilis na humakbang papalayo habang karga si Khalid. 

Pakiramdam ni Mildred ay sulit ang 5 thousand na binayad niya dahil nakausap, nagpasalamat at ngumiti pa sa kanya si Master Cally.