Chapter 341 - No, she was Prin in the first place

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinatulog ni Felix si Yuna kahit nang isakay niya ito sa Private plane na pag-aari ng pamilya.

"Master, are you sure about bringing Miss Yuna?" nag-aalalang tanong ng assistant niya. 

"Yes." 

"But Master, I was told that David Young is pursuing his love for her. Nagpaalam na rin daw po si Sir David kay Master Apolo na hinihingi nito ang kamay ng Miss Byrnes. And what about Master Apolo?" 

"I don't care about that David! Yuna was mine before and mine now! About Master Apolo, I will explain everything to him..." 

"...Let's go back to the UK!" 

Masyado na siyang napraning sa paghintay sa Maynila at naghanap ng tiyempo para ibalik si Yuna sa kung nasaan dapat ito. 

Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya ay hayaan ang babae na makipaghiwalay sa kanya nang nakaraang taon. Tapos ay nagpabola siya kay Mari. 

Hiniga niya si Yuna sa single bed na nasa private plane ng Smith. Hinaplos niya ang pisngi ng babae, ang balikat. 

They were happy before and he will make sure to continue the happiness with her. 

Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan iyon saka nagbigay ng utos na bumalik na sila sa Casino Main Branch. 

Hindi man sang-ayon ang assistant ni Felix. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Masyado lang siyang nag-aalala sa background ni David Young at kay Master Apolo. 

He himself doesn't dare to offend this David Young. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Smith Family ng dahil sa isang Yuna. 

=====

Nang makabalik sa sasakyan, hindi alam ni Cally kung ano ang susunod na instruction niya sa chauffeur. Hindi niya alam kung saan ang susunod nilang destinasyon. 

Hanggang sa tumawag sa kanya si Mat-mat… 

"Bad news" bungad nito. 

"Why?" tanong naman ni Cally. 

"I can't see anything in their CCTV files mukhang may sumabotahe agad. But I used all my knowledge to calculate the time na nawala siya sa hotel base sa sinabi ng anak mo sa CCTV sa kalye. The person we are looking for is Felix Smith" 

Humigpit ang hawak ni Cally sa cellphone. 

Alam niya na si Felix ang ex-boyfriend ni Yuna noon at ayon sa mga nakuha nilang impormasyon ni Mat-mat, nakaraang taon lang nakipaghiwalay dito ang asawa niya. 

Matty doesn't know, but Cally knew his wife. She ended her relationship with this Felix because she is not Yuna in the first place. 

There are no special feelings that she felt for this guy.

"Yuna was brought by Felix to the airport." 

"To the airport!" utos niya sa chauffeur. Tumango lang ito sa salamin. 

Kailangan niyang mahabol si Prin at bawiin sa kamay ni Felix or else makakaya niyang sunugin ang buong casino na pag-aari ng pamilya nito na nasa UK. 

"Cally, about this… hindi ba masyado ka ng sobra dito kay Yuna? Bakit hindi mo na lang siya hayaan?" alam ni Mat-mat na nobody will replace Prin. At sa tingin niya ay pinagbibigyan lang ng pinsan si Khalid. 

"...She was Felix's lover in the first place." dagdag pa ni Mat-mat. 

"No you are wrong! She was Prin in the first place and I am getting my wife kahit saan pa siya dalhin." malamig na sabi ni Cally. 

Sa kabilang linya, nabasa ng kape na iniinom ni Mat-mat ang laptop niya. 

"Pusang gala! Nabasa tuloy ang laptop ko!" saka umubo dahil nabilaukan. 

"Are you sure about this?" tanong ng makabawi. Hindi makapaniwala si Mat-mat sa nalaman. 

'How come she became Prin?' 

"Yes. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na nagparetoke ng mukha si Yuna matapos makuha ni Apolo dahil nasunog ang mukha ng asawa ko sa Maria Celeste and so was Yuna."

"Remember Sandra lost her memories before. I thought nakaligtas si Prin sa parte na iyon, but no. She lost her memories. And it's because no families were around her for three years, nabuhay siya bilang Yuna."

"Recently lang siya nakabalik dahil na rin madalas niya kaming kasama. Ayoko lang siyang ma-pressure kaya hinayaan ko siya na samahan muna ang anak namin" nilingon niya ang anak na seryosong nakatingin sa kanya at nakikinig. 

"Hindi pa namin sinasabi sa pamilya ang tungkol dito dahil sa tingin namin ay may alam si Apolo. Pero hindi pa kami sigurado kaya napagkasunduan namin na ilihim muna."

Natahimik si Mat-mat sa kabilang linya. It's not because of anything else but the way Cally explained everything, he felt his cousin's sadness. 

Tumingin siya muli sa laptop at napasinghap. 

"We have a problem! Paalis na sa paliparan si Felix!" sabi ni Mat-mat. 

Tila sumakit ang ulo ni Cally sa nadinig. Kapag nakaalis na ang eroplano nito wala silang choice kundi ang sundan ito sa UK. 

"I want to see you at the airport in 30 minutes." utos niya kay Mat-mat saka tinapos ang tawag. 

Yumakap naman si Khalid sa bewang ng Daddy niya. 

"Daddy, where is my Mommy" parang ducking na hinahanap ang nanay niya. "I want my Mommy" 

"We will get her at Felix's Casino" 

Bigla itong nag-angat ng mukha at sumeryoso. Para bang hinipan ng hangin ang awra nito na hinahanap ang Mommy nito. "Casino?!" 

"Yes! But kids are not allowed to go there. You will be staying at Kent Mansion." 

Sumimangot agad ito. "Eh… That's unfair! I want to rescue my Mommy!" 

"oh really? How much did you earn from that lady a while ago?" akala ba ng anak niya ay makakaligtas sa kanya ang hawak nitong pera nang dumating siya sa hotel?

"Five thousand." honest na sagot. 

"I should've asked her to give me ten thousand, but I gave her a discount for taking good care of me" 

Cally "..."