Pagdating ni Cally sa airport, kaaalis lang ng eroplano ni Felix.
"Please ask someone kung saan patungo ang eroplano na iyon" utos ni Cally kay Xander habang nakatingin sa eroplanong kalilipad lang.
"Pakiayos na rin ang lahat" dagdag niya.
Naintindihan naman ni Xander ang ibig niyang sabihin. They will follow kung saan papunta ang eroplano ni Master Felix.
"Yes, Shi!" saka ito umalis. Si Xander na ang nagpahanda ng mga kakailanganin ng mag-ama para makaalis at makasunod kay Felix para bawiin si Miss Yuna.
Tinawagan naman ni Cally si Anthony, Crayon at Crayola para ang mga ito muna ang maiiwan sa opisina dahil kailangan niyang magpunta sa ibang lugar. Sinabi niya na isang linggo silang mawawala ni Khalid.
Alam ni Cally na nasa ibang bagay nakafocus ang dalawang kapatid niya pero alam din ng mga ito na hindi hihingi ng tulong ang kuya nila kung hindi importante.
Matapos iyon, pinaalam niya rin sa Mommy niya na kung sakaling patungo sa UK si Felix, kailangan nilang mabawi si Yuna.
"Mommy, you know what I mean right?" hindi na niya kailangan pang magpaliwanag sa Mommy niya, because he knew that she noticed something about his wife's identity.
"Yes, ilang beses na nga rin akong tumatawag kay Apolo but he refused to accept my calls."
Habang tumatagal lumalakas ang hinala nila na may alam si Apolo.
"Ikaw na muna ang bahala, Ma." ang huling sabi niya.
Kung hindi ibabalik ni Felix si Yuna sa pamilya Kent, hindi makakaligtas ang pamilya nito sa parusa na gagawin niya.
Madilim ang paningin ni Cally habang nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling window ng airport.
Kung nagawa ni Felix na makuha ang asawa niya, ibig sabihin lang ay hindi nakalaban si Prin sa lalaki.
They need to practice again. Kailangan nilang magsanay na mag-asawa para hindi maulit ang ganito. Nasa malalim siyang pag-iisip nang yumakap si Khalid sa isang hita niya.
"Daddy, I want my Mommy" malungkot na sabi ng anak niya.
Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito. Nakatingala ang mukha nito para salubungin ang mata niya.
"We will get her soon, don't worry." hinaplos niya ang buhok nito. Pansin ni Cally na hindi na tulad ng dati ang anak niya. Madaldal na ngayon ang anak kumpara noon na tahimik lang itong nagmamasid at kakaunti ang mga salita.
His mood was also improved.
Khalid used to hate talking with people. A simple word is enough for him to exchange conversation.
"That Felix the cat! I will beat him! Daddy you must beat him" bulalas ng anak niya akala mo ay kaya talagang gulpihin si Felix. Nakalukot pa ang noo nito at parang hindi natutuwa sa ginawa ni Felix.
"In the future, beat everyone who bullies your Mommy" sagot ni Cally.
"Yes, I protected Mommy from that Mari girl who looks like a swordfish"
Cally "..."
Nagagawa na rin nito na manglait ng tao. Kinarga niya ito para umupo saglit.
"Daddy, you have bruises on your face. Did you win over Antman?" puna nito.
Ilang saglit lang, nakita nila na papalapit sa kanila si David. Nakita niya na may dalang malaking bag ang lalaki.
"You are also here." sabi nito sa walang emosyon pero titig na titig sa kanya ang lalaki.
"Yes."
"See you then!" ang sabi ni David saka nagpatuloy ng lakad.
Alam ni Cally na may kakayahan si David at hindi malabo na nalaman na nito kung nasaan ang asawa niya.
Mukhang maghaharap na naman sila ng lalaki sa pagbawi kay Prin mula sa kamay ni Felix.
=====
Nagising si Prin na masakit ang ulo at nakahiga sa isang malapad na kama.
Hinipo niya ang kumikirot na sentido at pilit na inaalala ang huling mga nangyari sa kanya.
Saka niya naalala si Khalid!
Bumalikwas siya ng bangon. Kahit may nararamdaman pang pagkahilo, inikot niya ang paningin sa silid. Isang eleganteng kwarto ang lugar kung saan siya naroon.
Sigurado siya na hindi ito kwarto sa Romantic Grand Hotel na mina-manage niya sa Pilipinas.
Bumangon siya at tinungo ang pintuan. Hindi niya mapihit ang doorknob nito. Nasuntok na lang niya ang pinto.
Ang natatandaan niya, si Felix ang huling nakita niya na lumapit sa kanya bago tuluyan na nagdilim ang paningin niya.
Tinungo niya ang bintana at doon napansin ang lugar. May mga sasakyan sa kalsada, may mga katabing gusali. Ang pumansin sa kanya ay ang uri ng mga dilaw na taxi. Walang ganito sa Pilipinas!
Kahit ang mga taong naglalakad ay nakasuot ng makakapal na damit. Sigurado na dinala siya sa ibang bansa.
Kumuyom ang palad niya habang nakasandal sa salamin.
Olang saglit lang, bumukas ang pinto. "At last you're awake Yuna!"
"Anong kalokohan ito Felix?"
"Isn't it obvious? You are mine now"
Ngumisi lang siya sa sinabi nito. "Hindi ako kailan man naging sa 'yo, Felix."