Chapter 343 - Dark Guards are here

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nanunuot ang lamig ng kwarto sa pagkatao ni Prin. 

"Hindi ka na makakaalis pa dito Yuna." sabi ni Felix na nakangisi. 

Malamig ang tingin ni Yuna dito. 

"Sorry to disappoint you, Felix. In three days, makakalabas ako dito sa kung saan mo man ako dinala. You should send me back to Kent Mansion bago mo pa ibaon ang mukha ng pangalan ng pamilya mo." sa UK nakabase ang pamilya ni Felix at hindi malabo na sa UK din siya nito dinala. 

Ilang milya lang ang layo sa Kent Mansion. 

Humakbang ito para lumapit sa kanya. 

"'Wag kang lumapit Felix. I am warning you!" sigaw niya dito. 

Pero nagpatuloy ito dahilan para ibinato niya dito ang paperweight na nadampot sa gilid ng cabinet. 

Mabilis na tumama iyon sa balikat nito. 

"Tsss! Yuna! You witch!" 

"And you are a bastard! Send me back to Kent Mansion now!" 

Nagkikiskis ang mga ngipin nito sa sobrang galit sa kanya. 

"Sorry but I won't do it!" ang sabi saka umalis. 

Paglabas ni Felix, binulungan siya ng isang bantay para sabihin na pinapatawag agad siya ng Daddy niya. 

"Bantayan mabuti si Yuna" utos niya sa mga bantay. 

Tumungo siya sa isang kwarto at natagpuan ang magulang niya na seryoso at malalim ang iniisip. 

"Honey, what did you do? Why did you provoke the Kent Family?" sabi agad ng Mommy niya. 

"I'm not, binawi ko lang si Yuna mula sa Pilipinas?" iniisip ni Felix baka nagsumbong si Apolo. 

"But I heard, siya ang nagbabantay kay Master Khalid. The kid likes her and he calls Yuna, 'Mommy'." 

Biglang naisip ni Felix ang batang kasama ni Yuna. 'So, it turns out it was Master Khalid.' 

"Dad, Yuna was my girlfriend. Naliligaw lang siya ngayon. For sure, babalik ang pagmamahal niya sa akin ngayon na narito na siya." 

Patay na patay sa kanya si Yuna noon at kaya niyang ibalik ang bagay na iyon ngayon, kaya nga naisip niyang dakpin ang dalaga. 

Isang malalakas na katok ang narinig nila mula sa pintuan kaya sabay-sabay napalingon ang pamilya ni Felix. 

"Master, we have a problem. Dark Guards are here. We tried to stop them, but Shogun Lorenz and Shi Cally were also here."

Halos hindi maipinta ang mukha ng daddy ni Felix na humarap sa kanya. "You! Ayusin mo ang kalokohan na ginawa mo na ito!" Sabi nito na nagagalit. 

Halos hinihingal na sa galit ang Daddy ni Felix. 

=====

Sumuot si Khalid sa isang bag ng Dark Guards at hindi siya napansin na naisama siya sa misyon na iyon. 

Ayaw siyang payagan ng Daddy niya dahil delikado ang gagawin ng grupo nito sa araw na iyon. 

He wanted to see his Mommy. He wanted to save his Mommy from Felix the cat. 

Naramdaman niya na binuhat ang bag at dinala sa sasakyan. Ilang saglit lang, naramdaman niya na umandar ang sasakyan. 

Ganoon kabilis kumilos ang Dark Guards, walang hintayan, dahil they know what to do as if they are coming from the same w.o.m.b. 

Ilang beses niya pa na pinakiramdaman ang paligid kung wala ng ibang tao bago niya naisip na lumabas ng malaking duffel bag.  

Doon niya napansin na puro armas ang nasa loob ng bag, kaya pala hindi niya gusto ang amoy. Inikot niya ang paningin sa gusali. 

He wants to know where his Mommy is. Then he saw Antman and his team. Sinundan niya ng tingin ang grupo ni Felix na pumasok sa kabilang building. 

Iniikot niya ang buong gusali hanggang sa may madinig siyang nabasag na salamin. Tumakbo siya para tunguhin iyon. 

Una niyang nakita ang mga basag na salamin sa sahig. Tumakbo siya sa view na sapat para maiangat ang paningin at makita kung ano ang magaganap. 

Nakita niya ang Mommy niya sa ika-anim na palapag. Nakahawak ito sa gilid at nag-iisip kung paano bababa. 

Binasag ni Prin ang salamin.

"Mommy!" sigaw ni Khalid. 

Nililipad pa ang palda ni Prin dahil sa lakas at lamig ng hangin. Yumuko si Prin at nakita ang anak niya. 

"Baby, it's dangerous! Go inside!" nag-aalala na sabi ni Prin. 

Ngunit hindi nila nakita ni Khalid ang malaking piraso ng salamin na naiwan mula sa floor-to-ceiling windows na iyon na pabagsak sa anak ni Prin. Nanlaki ang mata ni Prin at hindi alam kung paano ang gagawin. 

"Khalid!" sigaw niya at napasinghap.