Nagmamadali ang kilos ng lahat ng Dark Guard na pinili ni Lorenz para pumunta sa Monte-Carlo, ang casino na pag-aari ng pamilya ni Felix.
Hindi naman ganoon karami ang kasama nila. 25 Dark guards lang ang lahat, idagdag pa si Shogun at si Cally.
"We asked his family to hand her." ang tanging nasabi ng Mommy niya habang naglalakad siya palabas. Ang tukoy nito ay ang pamilya Smith.
Sinubukan ni Cloud at Ginny na pakiusapan ang pamilya ni Felix na ibalik si Yuna pagkalapag pa lang nito ng eroplano sa bansa, ngunit masyadong matigas ang ulo ni Felix kaya nadala pa rin ang babae sa balwarte ng mga ito.
Determinado si Cally na makuha ang asawa niya sa araw na iyon. Hindi rin siya naniniwala kay Felix na ibibigay nito agad ang asawa niya kaya nagdesisyon na siya na gumawa ng aksyon.
"Thanks Ma, pero hindi mapapalagay ang loob ko na manatili lang dito nang walang ginagawa. Masyado nang mahaba ang oras na nabyahe namin. I can't wait to see my wife"
Hinalikan ni Cally sa pisngi ang Mommy niya nang makarating sila sa malaking pintuan. "Ikaw na muna ang bahala kay Khalid."
Hindi na siya naghintay ng sagot at malalaki ang hakbang na tinungo ni Cally ang isang sasakyan na naghihintay.
Nagmamaktol man ang anak niyang si Khalid, hindi niya ito maaaring isama sa lakad nila na iyon.
Delikado ang gagawin nila na iyon dahil hindi rin naman simpleng tao si Felix.
Sa isang burol matatagpuan sa Bristol ang Kent Mansion at nasa Stratford City banda ang Monte-Carlo kaya mahaba-haba ang biyahe nila.
Tatlong oras ang aabutin bago makarating sa Monte-Carlo ang grupo ni Cally.
"Shi, magpahinga ka na muna" payo ni Lorenz.
Tumango lang si Cally. Galing siya sa mahabang biyahe mula pa Maynila at hindi pa rin napapalagay ang loob niya hangga't hindi nakikita ng mga mata niya si Prin.
Nakakuyom ang kamay at hindi palagay ang anyo niya habang nakapikit.
=====
Unang bumaba si Lorenz sa sasakyan matapos makapagpark ng sasakyan nila sa harapan ng Monte-Carlo.
Hinarang sila ng guard ng gusali.
"I am here to see Master Smith" pagbibigay-alam ni Lorenz.
Ngumisi lang ito. "Who are you? Master Smith is currently having his tea with his family. No one is allowed to disturbed him" sarkastikong sagot ng guwardiya.
"Really, then tell your Master, Shogun Lorenz is here!"
Pinasadahan siya ng tingin ng gwardiya mula ulo hanggang paa at ibanalik ang paningin muli sa gwapo niyang mukha.
Isang lalaki ang nagmamadaling lumapit sa gawi nila, ang Assistant ni Master Smith. Nasa edad singkwenta na ito at matagal nang naninilbihan sa pamilya, kaya may kaunting kaalaman ito sa mga taong bumisita.
"Sho-shogun, what can we do for you?" binalingan nito ang guwardiya at pinagalitan. "You! you don't know who this person is?"
Bahid sa mukha ni Lorenz ang disgusto. Lumabas si Cally mula sa sasakyan saka lumapit sa grupo. Kinabahan ang assistant nang makita siya.
"Shi Cally…"
Hindi sumagot si Cally. Sa halip, dumeretso ng lakad sa pagpasok sa loob ng gusali.
Tinapunan lang ni Lorenz ng matalim na tingin ang mga guwardiya at assistant saka sumunod kay Cally sa pagpasok sa loob.
Sumunod din ang mga kasamang Dark Guard sa dalawa sa pagpasok sa loob ng gusali. Sinubukan pa silang pigilin ng security pero hindi na nag-isip pa na binali ng isang Dark Guard ang braso ng security na nagtangkang pumigil sa kanila.
"Stop!" pigil ng Assistant.
Hindi niya alam ang kahihinatnan ng casino kapag naubos ang gwardiya nila dahil sinubukan na pigilan ang mga Dark Guards.
"Are you guys crazy! Ha-hayaan niyo silang pumasok!" utos ng Assistant.
Si Cally naman ay nakakita ng pwesto kung saan siya uupo sa malaking bulwagan. Kasalukuyan na sarado pa ang Monte-Carlo sa publiko sa oras na iyon na ipinagpasalamat ng Assistant ni Master Smith. Pero anumang oras ay magbubukas din iyon at hinihiling ng Assistant na sana ay tapos na ang problema na iyon kung sakali man na dumating ang oras ng opening hours.
The assistant knew what to do.
"I.. I will call Master Smith right away" ang sabi saka ito at mabilis na nawala sa paningin nila.
Pumikit si Cally para sandaling pahingahin ang isip. Maya-maya pa, nag-ring ang telepono niya at nakita niya ang pangalan ng Mommy niya na tumatawag.
Sinagot niya agad ang tawag. "Yes, Ma?"
"Honey, Khalid is not here! Kanina ko pa siya pinahanap sa mga tao dito, hindi namin siya makita. Sa tingin ko ay sumuot ang anak mo para makasama sa sasakyan ninyo"
Nagsimulang sumakit ang sentido ni Cally. Nagbigay siya ng utos kay Lorenz na ito na muna ang bahala. Gawin nila ang dapat gawin kung sakaling hindi makukuha ng grupo si Yuna.
Tumango lang si Lorenz at alam nito ang kahulugan sa sinabi ni Cally.
Lumabas si Cally para hanapin ang makulit niyang anak. Nakarinig siya ng nabasag na salamin mula sa itaas ng gusali na iyon at mabilis siyang tumakbo.
Malakas ang kutob niya na si Prin ang may gawa ng bagay na iyon.
"Mommy!" narinig niyang sigaw ng anak. Parang nakakita pa ito ng anghel na nakatingala.
'Ang lokong batang ito!' Delikado ang lugar dahil sa mga nabasag na salamin sa sahig. Kapag may nangyari dito, siya ang mananagot sa asawa niya.
Napansin niya ang isang basag na salamin na anumang oras ay mahuhulog.
'Shit!' mabilis niyang tinakbo ang anak.
"Khalid!!!"
Mabilis na naprotectahan niya ang anak. Tinakpan niya ang ulo at buong katawan nito gamit ang makapal na trench coat na suot at sabay na gumulong sila palayo sa nahulog na salamin.