Nakaligtas man sila sa salamin, nasugatan naman ang katawan ni Cally sa mga bubog na nakakalat sa kalsada. Napakagat ng labi si Khalid nang makita ang mga bubog sa katawan ng Daddy niya.
Nakahinga naman ng maluwag si Cally na makitang walang galos na nakuha ang anak niya sa mga bubog ng salamin.
"Daddy, you have so much blood… hu hu… I'm sorry." hindi nito alam kung paano tatanggalin ang bubog sa katawan niya.
"Don't touch it. Palalayasin ako ng Mommy mo sa bahay kapag may nangyari sa 'yo na masama."
"Gusto mo ba iyon?"
"No." Umiling ito. "but don't worry, I'll send you food everyday"
Cally "..."
Kinabahan si Prin nang makita ang anak niya na kamuntikan ng mapahamak. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito. Mabuti na lang at sakto ang dating ng asawa niya.
Nakikita niya mula sa kinatatayuan, sa ikaanim na palapag, na may bahid ng dugo sa suot nito at mas madami sa asawa niya.
Grabe ang kaba ng dibdib ni Prin. Kahit pa mukhang ayos naman ang lagay ni Khalid, hindi pa rin mapalagay ang loob niya.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng takot si Prin.
'This Felix! I will deal with him sooner'
Narinig niya ang kalansing ng susi sa likod ng pintuan. Mukhang may ideya na ang grupo ni Felix na may ginawa siya sa loob ng kwarto.
Mabilis na nagtago siya sa likod ng pintuan para hindi siya makita kung sakaling pumasok ang sinuman na nagbubukas ng pinto.
Tulad ng inaasahan, pumasok ang gwardiya ng hotel at nakita nito ang bukas na bukas na pader dahil binasag ni Prin ang buong salamin na umaaktong pader ng kwarto na iyon.
Pumapasok ang lamig ng hangin sa buong kwarto. Bahagya pang nililipad ang kurtina na nilagay niya sa gilid.
"Master, something happened here. Mukhang nakatakas si Miss Yuna!" sabi nito sa radyo.
"You idiot! Kung kailangan mong sundan. Sumunod ka!"
Malalaki ang hakbang na tinungo nito ang gilid. Si Prin naman ay dahan-dahan na sumunod dito. Halos hindi siya huminga para hindi siya nito mapansin.
Nang makarating sila sa dulo, sinipa niya ito sa bukas na gilid na iyon,
"Ahhh!" parang papel ito na nilipad ng nahulog pababa.
Nakita na lang niya na bumagsak ito sa mga bubog sa ibaba.
Sa tapat na building…
"Yuna!" sigaw ni David.
Nakita niya ang lalaki sa mas mataas na floor. Kung si Prin ay nasa ika-anim na palapag. Nasa ika-syam na palapag ang lalaki. Bukas din ang buong salamin sa lugar nito.
"Wow Boss David, hinagis niya lang ng ganon 'yung lalaki sa baba" tukoy nito sa lalaking nawalan ng malay na hinulog ni Prin.
"David, give me a gun!" sigaw niya dito.
Nakatitig si David sa mata ni Prin. Ang plano ng lalaki ay tumalon mula doon sa 9th Floor patungo doon sa 6th Floor at alam ni Prin ang plano nito kaya nito nagawang buksan ng maluwag ang salaminsa kabilang building.
But she will not let this man na i-torture ang utak ng asawa niya na nasa ibaba. She felt Cally's gazes na para bang isa siyang voodoo doll na tinutusok ng karayom.
Knowing Cally, magagawa nitong hiramin ang pagkatao ni Spiderman, maakyat lang ang pader at huwag lang makalapit sa kanya si David.
Walang nagawa si David kundi ihagis sa lugar niya ang baril nito.
"Thank you!" sigaw niya.
Dinampot niya ang paperweight na binato niya sa lalaki saka siya lumabas ng kwarto.
'This Felix!' she cursed. Pinainit na talaga nito ang ulo niya.
"Daddy, I will help Mommy" nag-aalala na sabi ng anak niya na nakita ang mga naganap.
Hinaplos niya lang ang buhok nito. "Just stay here."
"But.. but.. What about Mommy?"
"She will be fine."
====
Sa lugar ni Prin. Naglalakad siya sa hallway nang makasalubong niya si Felix.
Palapit din ito sa kanya.
Nang malaman nito mula sa gwardiya na nakatakas siya, naghintay ito sa lugar na maaari siyang makita at tulad ng inaasahan makikita siya nito sa hallway na palabas sa gusali na iyon.
"Yuna! I told you, hindi ka makakaalis dito nang hindi ko pinapayagan!" galit na sabi nito.
Nag-aapoy ang mata niya na lumapit dito.
"I. Am. Not. Yuna!!!" hinampas niya dito ang paperweight na bitbit.
Nakatulog ang lalaki sa pagkakahampas niya sa ulo nito.
"Gigil mo si ako!" sigaw niya sa walang malay na si Felix.
Hingal na hingal siya dahil parang napagod na siya na basagin ang salamin ng kwarto na pinanggalingan niya.
Ilang saglit pa, narinig niyang tumunog ang elevator na nasa gilid. Naging alerto siya dahil baka mga guwardiya na naman ng Monte-Carlo ang bumungad sa kanya.
Nabitawan ni Prin ang hawak na paperweight nang tuluyan na makita ang taong lumabas dito.
At nagsimulang magsipaglaglagan ng luha niya sa mata.
"Daddy…"