Hindi napigilan ni Prin na umiyak nang makita ang buong bulto ni Rob Matsui na lumabas mula sa elevator.
Ngunit nabigla siya nang nilampasan siya nito.
"Daddy!" hinawakan niya ito sa braso para pigilin.
Nakakunot ang noo nito "sino ka?"
"ehhh… Daddy naman e" nagmamaktol na saad niya.
"Woah, kaboses mo ang anak ko!"
"Daddy naman e… Siyempre ako to! Si Prin ako!" nagpapadyak na saad niya.
Pinagmasdan siya nito ng mabuti. Nilapit nito ang paningin para mas masilayan siya.
"weh?!"
"ehhh… nagparetoke lang ako" biglang umatras ang luha na namuo sa mata niya dahil sa kakornihan nito.
"Totoo nga ang sabi ni Ginny, nag-iba ang mukha ng anak ko."
"...Si Prin ka talaga, hindi ka nagsisinungaling?" tanong nito na may bahid ng pagdududa.
"Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang sikreto mo kay Mommy Ginny?"
Tinakpan ito ang bibig niya "'wag kang maingay… Sige, naniniwala na ako na anak kita."
Yumakap si Prin sa baywang nito. Abot-tenga ang ngiti niya.
"I miss you Daddy"
Naniniwala naman si Rob. Simula pa lang nang makita niya ang bagong katauhan ng anak na ginulpi si Felix gamit ang paperweight na nabitawan nito.
Gusto lang niya na pagtripan ito ng kaunti. Gusto rin niya na pigilin ang galit na nararamdaman kaya mas minabuti na biruin niya ito.
Prin looked at her Dad. She missed him so much, tulad ng pagka-miss niya sa mommy niya. Gusto niya na makita ang dalawa simula pa nang nakaraang linggo pero sinabihan siya ni Cally na nandito nga daw sa bansa ang magulang niya.
Nabigla na lang siya nang pisilin nito ang ilong niya ng mariin.
"Dad! Ilong ko iyan, kapag tumabingi o kapag tumangos ng sobra, hindi na ako magugustuhan ng apo mo"
Hindi nito pinansin ang reklamo niya, sa halip ay pinisil nito pati ang pisngi niya.
"Hindi lang ako makapaniwala na nag-iba 'yung mukha ng anak ko."
Hindi siya natutuwa na biglang nag-iba ang anyo ng anak niya. Sinong magulang ang matutuwa sa ganoon? Pero nasabihan na siya na nasunog ang mukha ni Prin kaya bigla itong nagpalit ng katauhan.
Kung may ipinagpapasalamat man siya, iyon ay ang mga mata nito na naiwan bilang simbolo na ito si Prin Matsui. Sa kanya nito nakuha ang mga matang iyon, kaya paanong hindi niya iyon ipagpapasalamat?
Nagkaedad na rin naman si Rob. Kung tutuusin, nabibilang na ito sa senior citizens. Pero halata na malakas pa ang Daddy niya.
"I was told, you had a baby."
"Yes, your sister is one year old now"
"How come nakabuo pa kayo ni Mommy?" nakahalukipkip na tanong niya dito.
"'Wag mong maliitin ang kakayahan namin ng Mommy mo"
"Nagwoworry lang ako, kapag maaga kayong kinuha ni Mommy at nasa college pa ang kapatid ko, wala akong choice kundi ang pag-aralin siya."
Rob "..."
"Ikaw nga ang anak ko! Ganyan na ganyan mag-isip ang Prin ko."
Lumipat ang tingin niya kay Felix.
"Bring this Felix the cat!" utos niya sa Daddy niya.
'Felix the cat?'
Kumunot ang noo nito pero hindi nagtanong. Binuhat ni Rob si Felix at hindi man lang nahirapan ni pinatong sa balikat.
Sa ground floor, nakita sila ni Master Smith. Napansin nito si Felix na buhat ni Rob.
"Rob, what is the meaning of this?" tanong nito.
Huminto saglit si Rob para harapin si Master Smith.
"Your son made a huge mistake, Master Smith. Nagpadala na ng mensahe ang mag-asawang Ginny at Cloud sa kanya at pinigil na siya simula pa lang airport na i-surrender si Yuna sa Kent Mansion. You know the rules!" malamig na sabi ni Rob.
Napakuyom na lang ang kamao ni Master Smith sa narinig.
"Your son dared to touch my daughter and you know my temper, if he messes with me, I always make sure that he will pay the price doubled." saka nagpatuloy sa paglakad si Rob papalabas ng gusali.
Napapikit naman si Master Smith. "What exactly are you going to do? Para handa ang pamilya ko."
"Khalid will deal with him for abducting his Mommy. Kapag natamaan siya ng bala, it's no one's fault."
Wala ni isang pumigil sa guards ng Monte-Carlo nang makita na bitbit ni Rob si Felix.
Pumila ang lahat ng Dark Guard para protektahan ang mag-ama na papalabas.
Naghihintay na sa sasakyan nito si Cally na tinanggal ang mga bubog na kumapit sa katawan at si Khalid.
Si Felix ay wala pa ring malay na nasa isa sa mga van ng Dark Guards.
Sinuri ni Prin kung may galos si Khalid sa katawan at nakahinga lang siya ng maluwag nang masiguro na ayos ito.
"You little Kid, bakit ka sumunod kay Daddy dito?" nakapamewang na sabi ni Prin sa anak.
"I just want to save you…" nakayukong sagot nito.
"Let's go home, Honey." si Cally. Humahapdi na ang mga sugat nito sa katawan.
"Gusto mo bang magpadala sa hospital?" nag-aalala na tanong niya dito.
"Sa Kent Mansion na lang"
"Okay! We have to deal with that Felix! Ready your gun Baby! We have to play with that Felix the Cat."