Chapter 347 - How much is your life

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pagdating sa Kent Mansion, doon lang napansin ni Prin na malala ang sugat ng asawa niya at sobrang dami ng nasugatan na bubog sa katawan nito.

Cally covered his whole body on Khalid's little body. Kahit ang trench coat na suot nito ay ginamit sa anak nila huwag lang itong masugatan kaya ang katawan nito ang napuruhan.

Hindi alam ni Prin kung ano ang gagawin niya kay Felix kung tuluyan na bumagsak ang malaking salamin na iyon kay Khalid. Kung tuluyan din na bumagsak ang salamin at tumama sa kahit anong parte ng katawan ng asawa niya sa pagligtas kay Khalid ay hindi rin maganda ang kahihinatnan.

Kita rin niya ang pasa nito sa pisngi at bahagyang pagputok ng labi kapag sinuri ng mabuti ang mukha nito sa malapitan.

"Husbie…" hindi alam ni Prin kung ano ang sasabihin dahil ginawa lang din naman ni Cally ang dapat para iligtas ang anak nila.

"Baby, look what you've done. Your Daddy is injured." bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Mommy, it's not my fault… it was your fault" paghuhugas-kamay nito.

Prin "..." 'Ba-bakit ako?'

Kung tutuusin, siya nga ang may malaking responsibilidad sa nangyari dahil sinira niya ang salamin ng kwarto na iyon.

Pinameywangan niya ito. "Why did you follow Dad? How are you going to save me?"

"I'm going to pay a ransom."

Prin "..."

"Husbie, it's your fault!" nagagalit na sabi niya kay Cally.

"Bakit?"

"Why did I have a super genius son? Na halos matuyuan na ko ng dugo?"

"Don't blame your kid. Sisihin mo ang sarili mo dahil masyado kang makulit at iyon talaga ang namana ng anak natin" sabi ni Cally saka ito napangiwi dahil sa sugat.

"Mommy, don't be sad. I know that having an 85 IQ is really bad. Don't take it against your husband."

Prin "..."

Pumasok ang doktor sa kwarto kaya naputol ang pagtuturuan ng pamilya. Isang british na lalaki na naglalaro sa edad kwarenta. Balbas sarado pa ito at nakapolo lang ng light blue at may bitbit na duffel bag.

Ginamot nito ang sugat ni Cally sa katawan. May mga naiwan pa na bubog na natanggal nito. Nasasaktan siya na makita ang mga hiwa sa katawan ng asawa niya. Alam niya na malakas si Cally at ilang bala at espada na ang nailagan nito pero sa sobrang dami ng sugat nito, alam niya na mahapdi ang lahat ng iyon.

Pinalabas na muna niya ang anak para hindi ito matakot habang ginagamot ang Daddy nito.

"Tsss" Napangiwi ang asawa niya habang nililinis ng mabuti ng doktor ang sugat nito malapit sa balikat. Iyon ang pinakamalalim at malaki na sugat ng asawa niya. Nagtagal ang paggamot ng doktor sa parte na iyon.

"Shi, it's better if you rest for the meantime. At least a week" payo nito kay Cally.

Tumango lang si Cally bilang pagsang-ayon. "Thank you"

Hinatid ni Prin ang doktor sa gate nang marinig niya na humihiyaw si Felix sa likod ng bahay. Hindi naman nagtanong ang doktor dahil alam nito ang mga nagaganap sa bahay na iyon ng Kent Mansion.

Tinungo niya ang likod-bahay kung saan madalas na nagpa-praktis ang Dark Guards.

Kita niya si Felix na tanging pantalon lang ang suot at walang pang-itaas. Halatang nilalamig na ito dahil sa klima. Nakatali ito sa puno sa hindi kalayuan.

Seryoso ang lahat ng Dark Guards na nanonood at hindi ngumingiti. Alam ng mga ito na hindi kasi iyon biro.

"Yuna! Help me! Mali ang ginawa ko, sorry na… ibalik mo na ako sa Monte-Carlo!" hiyaw nito nang makita siya.

Hindi niya pa nage-gets ng una ang mga sinasabi nito hanggang sa makita niya na katabi ni Rob ang anak niya na pumipili ng armas sa mesa. Seryoso ang anak niya sa pagpili ng armas na gagamitin nito.

"Dad, what are you... doing?"

Wala itong plano na turuan ang anak niya sa firing, tama? Nasabi niya na lalaruin nila si Felix. Pero hindi niya inaasahan na si Khalid ang gagawa non.

Her son is only four!

Kahit pa parehas sila nito na nabuhay na may armas sa paligid, apat na taon lang ang anak niya! Natuto naman siya na humawak ng baril ng 16 siya, natuto siya na humawak ng katana ng 14 siya. There is a big difference.

"I like this bigger one" sabi ni Khalid na inangat ang mukha para salubungin ang paningin ni Rob. isang armalite ang tinuturo nito.

"Daddy…" nag-aalala niyang usal.

Ayaw naman niya na mangyari na makapatay ang anak niya sa edad na apat. Napapangiwi siya sa naisip.

Pumwesto si Khalid sa harap ni Felix. 15 meters ang layo. Pinilit nito na bitbitin ang mabigat na armas na iyon. May lumapit na Dark Guard sa lalaki at naglagay ng apple sa uluhan nito.

"Advice ko sa 'yo na huwag kang malikot Master Felix" bulong ng Dark Guard saka lumayo.

"Daddy…" kinakabahan na usal naman ni Prin. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Rob.

"Yuna… Please help me… Master Khalid, I'm begging you." nakikiusap na sab ni Felix. Wala namang tumatawa sa Dark Guards at kapwa naghihintay ng sunod na mangyayari.

"How much do you think is your life? I'll consider not pulling the trigger if you pay me" sabi ni Khalid.

Prin "..."