Chapter 348 - Mommy, I am making a business

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nasa isip ni Felix na nagbibiro lang si Khalid kaya hindi niya ito masyadong binigyan ng atensyon.

Nilagyan ni Prin ng takip sa tenga ang anak niya para hindi maapektuhan ang pandinig ni Khalid sa pagpapaputok ng rifle.

"Baby, are you sure about this?" napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa anak na determinado.

"Let me deal with him instead"

"Mommy, I am making business. Go back inside. Shu.. shu... Do wash the dishes or the laundry or cook something for me." Binubugaw pa siya nito na umalis na akala mo ay maglalaro lang ito ng tumbang preso.

Prin "..."

"Daddy…" tawag niya kay Rob. Gusto niyang makiusap na pigilin ang apolo nito. Kinakabahan siya na baka masugatan ang anak niya ng rifle na hawak nito.

Seryoso naman si Rob habang pinanonood si Khalid. Alam ni Prin na hindi niya ito mapipilit na pigilan ang anak niya.

Kung gaano kaseryoso si Rob, ganoon din ang mga Dark Guards na nasa paligid. Sa sobrang kaba ni Prin, parang mauuna pa siya kay Felix.

Nakaramdam siya lalo ng pagkainis. Kung hindi lang sana nito inubos ang pasensya ng pamilya niya, wala sana sila sa ganitong sitwasyon. Kapag naiisip niya ang ginawa nito, gusto niya itong bugbugin gamit ang paperweight.

"I'm not joking." sabni muli ni Khalid kay Felix. "How much do you think your life is?" sabi ni Khalid.

"Fi-fifty thousand!" sagot nito.

Nasa isip ni Felix na malaking pera na iyon at sapat na iyon para sa apat na taong gulang.

*Bang!*

Nagpaputok ng isang bala si Khalid. Tumama ito sa ibabang bahagi ng puno. Parang nagtinikling naman si Felix sa pwesto nito.

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito.

Malapit nang magduda si Prin kung lalaki ba talaga itong si Felix. Pero napangiwi siya dahil baka sa susunod, iba na ang tamaan ng anak niya.

"I'm not joking, I sold a laptop for five hundred thousand. How come you are paying me fifty for your life?"

"...How much?" kalmadong tanong muli nito.

"F-five hundred thousand!" sigaw ni Felix. Siguro naman sapat na ang itulad niya ang halaga sa nabentang laptop.

*Bang!*

"Ahhhh!" hiyaw nito. Pero nanlaki ang mata ni Felix nang may mahulog na ibon mula sa puno.

"Next time, I will aim at your birdie"

"Pfft!" hindi niya alam kung paano tatawa sa sinabi ng anak niya. Pero bilib siya namay nahulog na ibon. Hindi niya alam kung may sarili itong kakayahan o naka-tsamba lang sa ibon na iyon.

"Yuna!!! Please stop Master Khalid! Sorry.. I will send you back in Manila" halos maiyak nang mga saad ni Felix.

Pero hindi ito pinansin ni Khalid. "How much?"

"Five million!"

Nanlaki ang mata ni Prin. Five million? In a couple of minutes? This kid is really something!

Pero hindi pa rin natutuwa si Khalid.

"Master Felix the Cat, are you telling me your worth is only five million? How about I kill your birdie and pay your medical expense instead?"

Kinilabutan si Felix sa nabinig, hindi alam kung paano itatago ang sarili.

"How much?"

Nag-isip ng mabuti si Felix. This kid, is not an ordinary kid. Having the fact that he was Cloud Han and Rob Matsui's grandchild, he knew in his heart na hindi simple si Khalid.

Even his gaze is not simple. Natatanaw niya mula sa kinatatayuan ang paraan ng paghawak nito ng armas.

"I.. I will give you 10% shares of myMonte-Carlo. How's that?"

Nilingon ni Khalid si Rob.

"Daddy Rob, how much is my earning monthly for having 10% shares in his casino?" inosenteng tanong ni Khalid.

"A hundred million." Sagot ni Rob.

Kung tutuusin ang pamilya Smith ang may pinakamalaking kita sa buong Dark Lords. Kaya rin siguro malakas ang loob ni Felix na lumabag na dakpin si Prin. Nagkakalkula naman sa isip niya si Khalid.

'A hundred Million per month?!'

"Mommy, he could earn a hundred million per month. Why did you break-up with him? He is super rich!"

Prin "..."

Hinarap nito si Felix.

"How can I have them?" paninigurado ni Khalid.

"There is a contract called 'Transfer of shares', I'll sign the agreement. Tatawagan ko ang assistant ko para mailipat sa iyo ang 10% na shares mula sa akin. Are you happy? Please let me go..." kaunti na lang ay hihimatayin na ito sa puno.

"Okay!" saka binalik ni Khalid ang rifle na hawak kay Rob Matsui.

Lumapit ang anak niya sa pwesto ni Felix at hinawakan ang kamay nito na nakatali sa puno na para bang may na-close na deal.

"Congratulations! It's a deal then!"

'Wow! Lodiiii!'