Gulat na gulat si Prin sa mga kakayahan ng anak niya. Para lang siyang nanood ng 'DEAL OR NO DEAL?' kanina.
Abot-tenga naman ang pagkakangiti ni Khalid na pabalik sa pwesto nila. Kung sa normal na tao siguro, iisipin na may nabili lang ito na gustong-gusto nito na laruan kaya ito masaya.
"Daddy Rob, thank you" tumalon ito para yumakap sa Daddy niya na nakaupo.
Ngumiti ang Daddy niya at hinaplos ang buhok nito. Kita ni Prin ang pagningning sa mata ng Daddy niya. Nakikita niya lang ang ganoong klase ng mata nito kapag naglalambing siya dito noon.
Ibang-iba kapag nagagalit ito. Ibang-iba rin whenever he dotes his kid.
Kinalabit niya si Khalid. "Hey! That's my Daddy! Chupi!Hanapin mo Daddy mo!" sabi niya dito na akala mo ay inaagaw nito ang Daddy niya.
Hindi siya nito pinansin at sa halip ay nagpakarga ito sa kanya.
"Mommy, did you see me how I hit the bird?" puno ng kasiyahan na tanong nito sa kanya. Nagbalik na naman ang anyo nito sa 'baby-panda mode'. Nakita niya na binalutan na ng makapal na kumot si Felix sa di-kalayuan dahil sobrang nilalamig na ang katawan nito.
"Yes, but what you did is wrong. Hindi ka naman ginutom ng Daddy mo habang wala ako kaya ka ganyan, tama?" sabi niya dito.
Ayaw naman ni Prin na lumaki ang anak niya na yumaman dahil nangingikil ng salapi sa iba. At para bang ginugutom nila ito ni Cally kaya ito ganon.
"Halika, pumasok na tayo sa loob. Malamig dito"
Tumayo si Rob mula sa kinauupuan nito at hinawi ang buhok ni Prin . "Go to my place tonight. Your Mommy wants to see you."
Saka siya hinalikan sa noo. Tumango si Prin.
"I'm going too. I want to see Baby Priya and Mommy Ingrid." saad ni Khalid.
"Daddy, I'm really curious. How come you are able to have another baby?"
Nasa singkwenta na ang Mommy niya. Kahit pa sabihin na may kakayahan pa ang dalawa na magconceive ng baby, hindi pa rin niya maisip na magbubuntis ang Mommy niya sa edad na singkwenta. Isa pa, nasa lahi ng pamilya nila na iisa lang talaga ang anak. Paanong nagkaroon siya ng kapatid na isang taong gulang?
Pinitik siya nito sa noo kung saan siya nito hinalikan. "You think too much! You know that your sister-in-law is a doctor. Technically, we conceived our baby in another woman's body"
"Oh!" no wonder.
"See you tonight" sabi nito saka lumakad papaalis.
Noon niya lang napansin na may nakatitig sa gawi niya, Si Shogun Lorenz.
Huminga siya ng malalim saka binaba muna si Khalid mula sa pagkakakarga niya dito. Ibinuka niya ang dalawang braso para salubungin ito ng yakap. Nabigla naman ang lalaki.
"Hey! Hey! My wife is here. Baka isipin niya na nambababae ako, lalo na at iba ang itsura mo." reklamo nito habang yakap-yakap niya.
Hindi niya ito pinansin. Ang alam lang niya ay namiss niya ang mga kaibigan niya. Kahit si Kai at Bella, si Matty at Donna at ang asawa nitong si Cassandra.
"Yes, yes, where is my Cassandra dear?"
Noon niya lang napansin ang papalapit na babae na nakasalubong ang kilay patungo sa kanila, ang kaibigan niyang si Cassandra.
Mas kuminis at pumusyaw ang balat nito, nagkalaman ng kaunti ang katawan at mas gumanda.
"Oh Sandra, I miss you" ito naman ang sunod na niyakap niya.
Saglit itong natigilan dahil nakaramdam pa naman ito ng selos nang makita ang pagyakap niya kay Lorenz. Nagtataka ang mga mata ni Cassandra na nakatingin sa kanya tapos nilipat sa mukha ni Khalid at kay Lorenz.
"Wh-who is she?"
"Prin Matsui, at your service" nakangiti niyang saad.
Nanlaki ang mata nito. "P-prin Matsui?"
Tumango-tango siya habang nakangiti. Hindi naman ito makapaniwala at naiintindihan niya ang pagdududa nito. Naiintindihan niya na maisip nito na namatay na siya tatlong taon ang nakaraan.
"I heard that you are managing White Devil's bar here in the UK branch."
Tumango ito pero hindi pa rin nakaka-move on sa bago niyang anyo. Napansin ni Prin na nilalamig na ang anak niya sa hamog kaya nagpaalam na muna siya sa mag-asawa.
Niyakap ni Lorenz ang asawa niya na nakatingin sa mag-ina na magkahawak ng kamay. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya dito.
Kita ni Lorenz ang inggit sa mata ng asawa niya habang nakatingin sa batang si Khalid. He knew that she was jealous because until now, wala pa silang anak.
"Honey, if you want, we can have the same procedure na tulad na ginawa ni Master Rob at Miss Ingrid."
Namuo ang luha sa mata ni Cassandra. Matigas ang ulo niya sa parte na iyon. Ayaw niya na ibang babae ang magdala ng anak nila ni Lorenz. At least si Miss Ingrid ay naranasan na magsilang ng anak.
But, what about her?
"Let's try another position. Maybe it can help" bulong ni Lorenz sa tenga niya.
Palo lang sa dibdib ang sinagot ni Cassandra sa lalaki.