Ilang oras pa lang na natutulog ang mag-asawang Lorenz at Sandra nang may mag-doorbell sa tahanan nila.
She caressed her husband's body to feel some heat. Malamig kasi ang klima sa bansa at masarap matulog lalo na kung katabi ang asawa.
Parang hindi niya gugustuhin na may istorbo sa kanila.
"Are you expecting someone?" tanong ni Sandra sa asawa niya.
Wala naman siya masyadong kilala sa lugar at tanging mga kasamahan lang sa trabaho ang mga malalapit na kaibigan. Pero hindi siya pupuntahan ng mga ito sa bahay ng walang pasabi.
Sa kabilang banda, may mga Dark Guards na bigla na lang nagpupunta doon para sunduin ang asawa niya.
"Let's have some rest for the whole day."
Humihiling na siya kahit hindi pa nakikita kung sino ang bisita na para bang sigurado siya na may gagawin ito na trabaho sa maghapon sa Kent Mansion.
"Yes, I promise to stay with you today… continue your sleep. Ako na ang magche-check kung sino ang bisita." hinalikan niya lang sa noo ang asawa saka bumangon sa higaan.
Umungol lang si Sandra at nagpatuloy sa pagtulog.
Nagsuot lang ng mahabang roba si Lorenz at inayos muna ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ni Sandra. Saka siya bumaba para harapin ang kung sino man na bisita.
Nakakunot ang noo niya nang buksan ang pintuan.
Isang payat at may-edad na lalaki ang bumungad sa kanya. He has white skin. Namumuti na ang buhok nito at may katapangan din ang awra. Hindi siya sigurado kung isang amerikano ang lalaki o european.
"Good Morning! May I ask if Miss Sandra is here?" tanong nito.
"Yes." simpleng sagot niya. Sigurado si Lorenz na hindi niya pa nakita ang lalaki sa ilang taon na pagiging mag-asawa nila ni Sandra.
"I'm sorry for my sudden visit. I am butler Richard. Inside the car is my Boss, Duchess Camila." sabi nito.
Wala namang naiintindihan si Lorenz sa mga sinabi nito. Tinapunan lang niya ng tingin ang makintab at makinis na sasakyan na Rolls-Royce.
"She is Miss Sandra's mother." sabi nito.
Nagulat si Lorenz sa nadinig. Doon niya lang naalala ang pangalan na binanggit nito. Camila... Pangalan nga iyon ng nanay ni Cassandra, pero hindi ang pangalan nito ang nakatawag ng pansin sa kanya kung hindi ang titolo nito.
'Duchess Camila?'
Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang babae mula sa back seat. Glamorosa ito at masasabi ni Lorenz na mamahalin ang bestida na suot nito. Hindi siya sigurado sa edad nito dahil mukhang matanda lang ito sa kanya ng iilang taon. Pero malaki ang pagkakahawig nito sa asawa niya.
"Are you my daughter's husband?" walang emosyon na paninigurado nito.
"Yes." Napalunok si Lorenz. Alam mo 'yung pakiramdam na hinarap mo ang magulang ng asawa mo sa unang pagkakataon tapos ay nakaroba ka lang? Puyat pa siya at wala man lang hilamos.
Pinag-aralan siya nito mula ulo hanggang paa. Bumilis ang tibok ng dibdib ni Lorenz dahil sa kaba. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya dahil wala siyang makita na emosyon sa babae. Lalo pa siyang naasiwa sa ginawa nito na para siyang manok na sinusuri para ipanabong.
"P-please come in" ang tangi niyang nasabi.
Pinatuloy niya ang babae sa loob. Seryoso na inikot nito ang buong kabahayan nila.
'Shit!'
Bigla niyang naalala na matapos nilang libutin ang buong bahay ni Sandra sa buong magdamag, wala na silang oras na ayusin pa ang tahanan at pagod na natulog na lang sa kwarto. Mabilis na tinungo ni Lorenz ang sofa at inayos mga throw pillow sa ibabaw. Pinagpag ng maayos ang kutson saka lihim na ibinulsa ang mga kalat sa suot na roba
Seryoso na sumunod ito sa kanya sa pagpasok sa bahay. Nananatili naman na nakatayo ang butler na kasama nito malapit sa pintuan.
"Ehem.. Ma'am, please take a seat. Would you like coffee or hot chocolate?" tanong ni Lorenz .
Alas nueve pa lang kasi ng umaga at naisip niya na normal na gustuhin ng tao ang kape sa umaga o kaya naman ay tsokolate.
Tumango ang nanay ni Sandra.
Nagpakulo ng tubig si Lorenz sa water heater. Sinilip niya ang mga lagyanan nila ng kape saka niya nalaman na wala na pala silang stock ng kape o chocolate. Gusto niyang kutusan ang sarili.
Naisip niya na tsaa na lang ang ipainom sa mga bisita. Ilang saglit pa nga at bitbit niya ang isang tea pot at dalawang malinis na tasa mula sa kusina.
Napuna niya na sinusuri nito ang mga gamit niya sa bahay. Nagpapasalamat na lang si Lorenz na hindi mumurahin ang mga gamit nila ni Sandra sa apartment na iyon.
"I'm sorry kung ito lang po ang maihahanda ko. Na-naubusan na kasi kami ng kape." nahihiya na saad ni Lorenz.
Nananatiling malamig ang awra nito at wala siyang mabasa sa mukha ng nanay ni Cassandra.
"Tea is fine. I want to see my daughter" narinig niyang sabi ng may-edad na babae.
"Yes. ma-maiwan ko lang po kayo saglit." saka siya umakyat ng bahay para gisingin ang asawa niya.