Nakaramdam ng insecurities si Lorenz habang nakatingin kay Sandra na natutulog. Dumadampi pa sa pisngi nito ang liwanag ng araw mula sa bintana. Para itong buhay na painting sa paningin niya.
He doesn't know her identity at all. Hindi niya akalain na anak ng isang may sinasabi sa buhay ang asawa niya. Ang alam niya ay ulila si Cassandra.
When he saw her wearing a simple blouse and a long skirt years ago in Spain, he thought she was a commoner.
'Duchess…' nakuyom ni Lorenz and palad.
Nang lumayo ito at nagpunta ng America at Europe para hanapin ang pamilya nito tatlong taon ang nakaraan, ang sinabi sa kanya ni Sandra ay nawalan na ito ng pag-asa pa na hanapin ang pamilya dahil ito lang ang survivor kasama ang buong pamilya sa malaking cruise na lumubog.
Ang sinabi nito ay nalunod na kasabay ng malaking barko na iyon ang buong pamilya nito. At nagkataon na nakita ito ni Captain Yeo na inaanod sa dagat kaya ito nakaligtas.
Kaya hindi na rin nagtangka pa si Lorenz na tulungan ang asawa niya na hanapin ang pamilya nito. They thought they were all dead at ang asawa na lang niya ang natitirang survivor.
He promised that he would give her a family. He was her family.
Sa loob ng mahabang panahon, nakaramdam muli ng insecurities si Lorenz. Ang huli ay nang kunin siya ni Cally sa kalsada at tanggapin siya bilang apo ni Madam Lira.
He was a Master and he was just a commoner. Kung mayroon man siyang ipinagpasalamat, itinuring siyang apo ni Madam Lira. When she died, her properties were equally divided to all of her grandchildren.
He gets the same amount whatever Cally gets.
Gayunpaman, nagmula pa rin siya sa lansangan.
Having these thoughts, there was a big difference between him and Sandra's life status.
Tila naramdaman naman ni Sandra na may nakatitig sa kanya kaya iminulat niya ang mata. She smiled beautifully like a flower when she saw Lorenz.
"Come…" Sandra said in a morning voice. Inangat niya ang braso para madali niyang mayakap si Lorenz kapag lumapit ito.
Agad na napawi ang kung ano man na pangit na iniisip ni Lorenz ng mga ngiting iyon.
Lumapit si Lorenz sa asawa niya, sumampa sa kama at agad na pumaibabaw dito. Sandra embraced him. He kissed her lips as a response.
"Bad breath pa ko" reklamo ni Sandra. Dinikit niya ang ilong sa leeg ni Lorenz.
"Honey, I know you want to do it again but we have visitors" tudyo nito
Nakapikit pa si Sandra at ninanamnam ang amoy ng asawa niya. "Hmm.. I want to sleep more."
"But your Mom is here..."
Biglang dilat ang mga mata ni Cassandra. "Mom?" saka niya sinalubong ang mata ni Lorenz. Halata ang seryoso sa mata nito.
"...Are you sure?"
Tumango lang si Lorenz.
Dahil sa narinig, walang choice si Cassandra kung hindi ang silipin kung sino ang bisita nila sa baba. Nagmamadali na sinuot niya ang pantulog saka pinatungan iyon ng roba.
Bumaba si Cassandra. kasunod si Lorenz.
Nanlaki ang mata niya nang makilala ang glamorosang babae na eleganteng nakaupo sa mahabang sofa nila sa ibaba.
"Ma!" malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito.
Napatayo ito at agad na nagluha. "Sandra, Honey..."
Humagulgol ito at ganoon din naman si Sandra. Nananatili na seryoso ang butler na kasama ng ginang at si Lorenz na nanonood lang sa dalawa.
Disiotso anyos lang si Sandra nang huli niyang makita ang Mama niya at talaga naman na malaki ang ipinagbago nito. She looks different now, kahit pa mahigit isang dekada silang nawalay ng ginang.
"How did you find me? Where is Dad? Where is Gregor?" hanap ni Cassandra sa tatay at kapatid niya nang makabawi.
"I can't find them… it only means that they were dead" sagot nito.
"I thought, you too are dead. I went to our home in Mexico three years ago, there was no one there. Isang malaking mall ang nakatayo sa dati nating bahay."
"I sold it" sabi nito. "I want to forget my past that's why I sold it!" bumakas ang hapdi sa mukha nito.
Naiintindihan naman ni Sandra, kahit siya man ang malagay sa lugar ng Mama niya, ibebenta niya rin ang bahay nila. Sa bahay na iyon siya nabuo at ang kapatid niya na si Gregor. Kaya naiintindihan niya na mas ginusto nito na kalimutan ang sakit nang mawala ang buong pamilya nito -- tulad ng ginawa niya.
Mas ginusto niya na mag-isa at bumuo ng bagong bukas.
"I went back to my family." sabi nito na ikinagulat ni Cassandra.
May sinasabi ang pamilya ng Mama niya na nainlove sa isang simpleng nurse, ang Papa niya. Hindi iyon tinanggap ng magulang nito hanggang sa sumama nga ito sa Papa niya sa Mexico para magtago.
Ngunit hindi akalain ni Sandra na babalik ito sa pamilya nito na nakabase sa Sweden.
"How come you are alive? How did you find me?"