Isang malaking tanong kay Cassandra kung paano ito nakaligtas. Kung tutuusin nakalimutan na nga niya ang mga naganap sa barko, nang gabing lamunin iyon ng dagat.
Basta ang alam niya, malalaki at malakas ang hampas ng alon sa sinasakyan nila. Nakita niya sa labas ng bilog na bintana ang kulog at kidlat.
Naririnig nilang magkapatid na nagtatalo ang magulang niya sa kabilang kwarto. Habang tahimik sila ni Gregor sa kwarto na nagpapanggap na walang naririnig. Hindi na nga niya matandaan ang rason kung bakit sila nasa cruise.
Nagulat na lang siya nang lumabas ang Mama niya at nagagalit ang Papa niya. Nasuntok nito ang pader.
Soon, her Dad asked her to follow her Mom.
Lumabas siya para sundin ang Papa niya. Ilang saglit pa, nagkakagulo na ang mga tao na sakay nito. May mga natutumba ng mga kagamitan sa loob, hanggang sa makarating siya sa deck.
Matapos iyon, malakas na gumewang na lang ang barko at isang bagay ang tumama sa ulo ni Sandra.
Nang magising siya, mukha ni Captain Yeo ang bumungad sa kanya.
Sinagot naman ng ginang ang tanong niya.
"Someone saved me... I was saved by Richard's son" tumingin ito sa lalaking nasa pintuan.
Nilingon ni Sandra ang Butler na nasa pintuan. Hindi niya alam kung natatandaan niya ito.
"Ilang taon ko na kayong pinapahanap… for a couple of years, wala akong nakuhang sagot kaya naman naisip ko na baka nilamon na kayo ng dagat."
"Until a friend came… Your Dad's friend who is working in a hospital, where you do your quarterly check-up to have a baby… Pinuntahan niya ako sa Sweden, para ibenta sa akin ang impormasyon na kinaroroonan mo."
Sa loob ng ilang taon, may pabuya na binigay ang Mama ni Cassandra para lang mahanap ang pamilya nito. Ngunit ilang taon siyang nasa barko ng Maria Celeste 1 kaya hindi rin siya nito nakita.
Naubusan na lang ito ng pag-asa lalo na at ilang taon na ang lumipas.
Hanggang isang araw, inilahad ng taong iyon ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Kahit ang pag-aasawa niya kay Lorenz
Nagbakasakali lang ito na makahingi ng malaking pera sa ginang kapalit ng impormasyon ni Cassandra.
"I'm happy now that I see you again." Hinaplos nito ang pisngi ni Cassandra. May luha na muling nahulog sa mata nito.
Isang halik sa palad nito ang sinagot ni Sandra.
"Oh, by the way" pinalapit niya si Lorenz.
"He is my husband, Lorenz" pagpapakilala niya habang nakangiti.
Tumango lang ang ginang at halos saglit lang na tiningnan si Lorenz. Ngunit agad na sinabi ang pakay sa pagpunta nito.
"Honey, now that I see you again... Come home with me. I really miss you. Ipapakilala kita bilang anak ko sa pamilya. Hindi ka na maghihirap sa mga susunod na araw pa kapag tumira ka kasama ko sa Sweden"
Natigilan si Sandra. Ganoon din si Lorenz na halos kumuyom ang kamao nito. Nagbalik muli ang insecurities nito sa katawan lalo at ramdam nito na hindi ito gusto ng ginang.
Ngumiti rin naman si Sandra matapos makabawi at makapag-isip ng isasagot.
"But I'm married, Ma, and I'm happy with my life now. And… this is my home now."
Halatang hindi ito natuwa sa sagot niya. Lumamig muli ang mga mata nito at wala na namang emosyon na makita.
"How can you be happy with this small home? O bilang manager ng White Devil?" sabi nito na halos kutyain ang bahay na iyon. Hindi na nga nito binanggit ang trabaho ng asawa niya na para bang hindi ito kasali.
Doon hindi natuwa si Sandra. Lalo na at kalahati ng buhay niya ay nasa laot siya at halos mangamoy isda. Isang simpleng Cassandra lamang siya sa kalahati ng buhay niya.
Mas malaya pa ang mga taong-grasa kaysa sa kanya.
Mas mayaman pa ang mga taong may natitirang isang daan sa wallet kaysa sa kanya.
Kaya magrereklamo pa ba siya sa apartment na iyon na binigay ni Lorenz sa kanya?
Buong-buhay nito na pagiging Dark Guard ang simbolo ng tahanan na iyon na para bang inaalay nito sa kanya ang buhay nito.
At hindi iyon basta maliit na tahanan para sa kanilang dalawa ni Lorenz. Tatlo ang kwarto ng apartment na iyon at hindi rin iyon basta apartment. Kapitbahay nila ni Lorenz ang iilang celebrity sa bansa na iyon.
Siguro sa mama niya ay simpleng bahay lang o apartment iyon. Pero kay Sandra, pinaghirapan iyon ng asawa niya.
"I'm sorry Ma" Lumapit siya kay Lorenz na tahimik at ayaw makigulo sa usapan ng mag-ina. Hinawakan niya ito sa braso.
"Wala akong pakialam sa dugo na mayroon ako." pinisil niya ang kamay ni Lorenz.
Matapos iyon ay sinalubong niya ang mata ng asawa.
"I don't care if I'm a Princess of a big castle from far, far away. All I care about is I am now the Queen of this small apartment. I am Lorenz's Queen"