Kahit masama ang loob ng nanay ni Cassandra, wala itong nagawa kung hindi ang imbitahan silang mag-asawa na magdinner sa gabing iyon bago ito bumalik sa Sweden.
Nalaman nila na may bago ng asawa ang ginang. Isang duke sa bansa na iyon. Ang lalaki rin na dapat na pakakasalan nito kung hindi nito nakilala ang Papa niya. Wala itong anak at tanging si Sandra na lang ang descendant nito.
Nakiusap din ang Mama niya na dalawin nila ito sa kaarawan nito para makasama siya na gaganapin sa susunod na buwan
"Hindi ba magagalit sa akin ang Mama mo?" usisa ni Lorenz.
Nanatili sila sa pintuan ng apartment para pagmasdan ang pag-alis ng makintab at makinis na kotse. Hindi mapakali si Lorenz dahil halata sa inakto ng ginang na ayaw nito sa kanya.
Niyakap ni Sandra sa bewang ang asawa niya. "She won't. This is my choice."
Sinalubong ni Lorenz ang mata ng asawa niya. Parang kiniliti ang dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya maipaliwanag ang saya nang marinig mula sa bibig nito na ito ang reyna sa tahanan na iyon. She will be forever his queen.
Gayunpaman, hindi pa rin mapalagay si Lorenz.
Ibinaba niya ang mukha dahil hindi niya napigilan na halikan ito doon sa pintuan.
He was really addicted to her. Her scent, her presence and all of her. He scooped his wife and brought her to their bedroom.
"Let's continue to sleep" bulong ni Sandra. Hindi pa sila tuluyan na nakakapagpahinga.
"You don't look excited at all after meeting your Mom" puna ni Lorenz matapos siya nito na mailapag sa kama.
"I don't know. I miss her, I miss my family but I don't like political arrangements in her family. Hindi pa ko nakapunta sa bahay ng mga ninuno ko sa Sweden. They are more private than other royal families."
Hinawi ni Lorenz ang buhok ng asawa niya.
Simula nang makilala niya si Sandra, nagsimula rin ang pagkabaliw niya sa babae. Ginusto niya ang buong pagkatao nito. Hindi niya kakayanin na malayo si Sandra.
"Your Mom looks like she is a pure Swedish. How come you look different?"
Namumula ng kaunti ang kulay ni Sandra, samantalang parang hindi man lang nasinagan ng araw ang balat ng nanay nito. Ang tanging naging basehan ni Lorenz para masabi na mag-nanay ang dalawa ay ang pagkakahawig din ni Sandra sa nanay nito.
"My dad is a mexican."
Tumango si Lorenz. Hindi niya napigilan na mag-iwan ng halik sa pisngi ng asawa niya.
"What about your family Lorenz?"
Napatigil sa pagkilos si Lorenz. "My sister is now married to a bastard. Parang tinapon lang niya sa kung saan ang pagpapaaral ko sa kanya noon."
Noon ay walang-sawa si Lorenz na tulungan ang kapatid niya dahil mayroon siyang magandang buhay. Sa una ay nabalitaan niya na maayos ang takbo ng buhay nito. Gusto nito na makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa hindi na ito pumapasok at winawaldas ang pera na pinadadala niya dito para lang sa personal nitong luho.
Wala namang malalim na pagmamahal si Lorenz sa pamilya niya kaya pinagpasawalang bahala niya ang bagay na iyon.
Ngayon, ang buhay niya ay sa Sandra.
He kissed her gently. Saka ito niyakap para ipagpatuloy ang pagtulog.
Papikit na siya nang mag-ring ang telepono niya na nasa ibabaw. Pangalan ni Mat-mat ang nakalagay sa screen.
"Yes, King Matthew?"
"Hinahanap kita dito sa base pero nag-file ka daw ng dayoff, kaya ako tumawag sa cellphone mo" sabi nito sa kabilang linya. Nasa Kent Mansion din kasi ang lalaki na kasama ni Cally na dumating sa bansa.
"I'm still sleeping…"
"ehhh… Mukhang mahaba ang gabi ninyo ni Sandra. Hehe… " tudyo nito.
Hinilot niya ang sentido "Ano ba ang rason ng pagtawag mo?"
"Nothing important. I just want to confirm the rumors na nakita kayo ni Sandra ng dalawang Dark Guard ng nagdaang gabi na may ginagawa sa kalye. Ahihi"
Mas lalong sumakit ang sentido ni Lorenz. Mukhang nakitaan din siya ng mali ng dalawang Dark Guards kaya na-excite ang mga ito na magkwento sa iba.
'Ang dalawang iyon!'
"Nice Shogun! Mukhang hindi sayang ang mga tinuturo ko sa iyo"
"Gago! Anong tinuturo? Lahat iyon ay self-study!"
Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Ituturo ko sa iyo kung paano magkaanak, gusto mo?"
Tahimik lang na naghintay si Lorenz ng susunod na sasabihin nito.
"Simple lang, huwag kang bibili ng Lobo! Sabi nga sa kantang 'Ako ay may Lobo', sayang ang pera, kaya huwag kang bibili ng lobo"
"Gago! Ibalot kita sa lobo kapag nakita kita e. Kung wala kang gagawin, sasabihin ko kay Donna na wala ka namang ginagawa dito para pauwiin ka at mag-alaga ng tatlong itlog mo sa Maynila."
"Bye Shogun!" halata na natakot ito sa banta niya kaya nagpaalam na.