Chapter 356 - The Visitor

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa Kent Mansion. 

Tatlong araw pa lang si Prin at Cally nang isang bisita ang hindi nila inaasahan na dadalaw doon, si Apolo. 

Hinarap ni Ginny at Cloud Han si Apolo sa main hall ng Kent Mansion kung saan ginaganap din ang hatol o ang meeting ng mga elders ng Dark Lords. Isang malaking hall iyon. Sa gitna ay may makapal at mahabang mesa na gawa sa kahoy. 

"Why did you come here?" malamig na tanong ni Ginny. She doesn't want to see Apolo at all. Nakaupo sila ni Cloud sa dulong bahagi ng mesa. 

Si Apolo naman sa kabilang dulo. 

Pinagbigyan na niya ang lalaki ng maraming beses. Matatanda na sila pero hindi pa rin nagbabago si Apolo. He was still cunning at makasarili.

"Nasabi na sa 'kin ni Felix that Yuna is here." sagot ni Apolo na halos hindi makatingin sa mag-asawa. 

Naniningkit ang mga mata ni Ginny. 

"Sa ilang beses, sa ilang linggo na mga pagtawag ko sa 'yo ay halos ayaw mo akong harapin. Tapos, bigla ka na lang na susulpot dito?" 

"I came here to see Yuna." 

"You already knew that she is not that real Yuna!" galit na natapik ni Ginny ang mesa. 

Kumuyom ang kamay ni Apolo. 

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ginny na sinabi ang nais. She doesn't like bullshits at sa mga mabubulaklak na salita. Hangga't maaari gusto niya na sabihin agad ang nais para matapos na ang usapan. 

"Apolo, why did you hide Prin? She is my family. Why did you hide her?" 

Huminga ng malalim si Apolo saka nagsimulang magpaliwanag. Sa palagay niya, wala na siyang choice kung hindi ang sabihin ang totoo. 

"Hindi ko rin ito alam nang una. Sunog ang mukha niya nang mailigtas namin siya mula sa dagat. Hindi ko pa alam nang una na hindi talaga siya ang anak ko. I groomed her. Tinuruan ko siya sa business. Luckily, I saw something in her. Hanggang sa magduda ako nang makita ko sa malapitan ang mga mata niya." malungkot na saad ni Apolo. 

"I knew it!" bulong ni Ginny. 

Si Cloud naman ay naguguluhan pero tahimik na nakikinig sa laban ng asawa niya dito kay Apolo. 

"Yuna has brown eyes na nakuha niya sa Mommy niya, while Prin has black" patuloy nito. 

"Ginny, you know that there was no one in my family who is capable to handle my family's business. I don't have time… I have cancer." 

Nabigla si Ginny, si Cloud naman ay walang pakialam. 

"I came here to personally see her. Still, I was able to save her three years ago. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait sa akin ang bagay na iyon" pakiusap ni Apolo. 

"I'm here." pumasok si Prin kasunod si Khalid na seryoso sa malaking hall. 

Sinarado muli niya ang pintuan na gawa sa kahoy kaya umingit iyon. 

Natahimik si Apolo.

Tumayo lang si Prin malapit sa bintana, malayo sa parehas na panig. Si Khalid ay nagtungo kay Cloud Han dahil parehas silang walang pakialam sa nagaganap. Umupo ito sa kandungan ni Cloud. 

"Mama Ginny, Ninong Cloud… matagal ko nang napatawad si Apolo. I also wanted to know kung ano ang rason niya para itago ako. Pero alam ko po na wala siyang intensyon na ipahamak ako… I was saved three years ago and helped me."

"Nang birthday ni Khalid, he asked me to send a birthday cake for my son. Kung may intensyon siya na itago ako, hindi niya ako hahayaan na manatili sa Maynila kung saan naroon si Cally at Khalid." 

"Hindi niya ko hahayaan na manatili kung nasaan ang pamilya ko. Marami man ang taon na nawala sa akin na makasama kayong lahat. Ayos lang. I'm still came back." 

Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang mga Dark Guards na nagsasanay. 

"Sa tingin ko, mas masasaktan si Cally na makita ako na nahihirapan three years ago. Sa akin mapupunta ang focus niya and my kid would be alone. Kaya naman pinapatawad ko na si Apolo."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. 

"Thank you, Prin Matsui..." si Apolo rin ang unang nagsalita. 

Kinuha nito ang kwadradong bag na dala at binuksan iyon. May inilabas itong mga papeles mula sa loob.

"I came here to give you half of my properties." seryosong saad ni Apolo. 

Natahimik si Prin. Nanlaki ang mata ni Khalid. 

"But Apolo, what about your family?" nakabawi si Ginny at siya ang mas nag-aalala. Hindi kaila sa kanya na may isa pa itong anak, si Mari. 

Maliit lang ang pamilya ni Apolo dahil nag-iisang anak lang ito na mas lalong pang naging kumplikado dahil hindi ito nag-asawa.  

"Don't worry about them. This is mine… I have all the rights kung kanino ko ibibigay. Ilang buwan na lang ang itatagal ko kaya desidido na ako na ibigay kay Prin ang kalahati ng yaman ko."

Iniwan nito ang lahat ng dokumento sa ibabaw ng mesa. 

"I will give my Apolo Island to you Ginny." sabi nito saka tuluyan na lumabas. 

Nagtaas ang kilay ni Cloud sa huling sinabi nito. Doon unang nagkakilala ang asawa niya saka ang lalaki, kaya paano siyang matutuwa?

"Mommy, don't you like these properties?" nagulat na lang si Prin na hawak na ng anak niya ang mga dokumento. 

"You can give this to me instead." sabi nito na nakangisi. 

Prin "..."