Sa loob ng ilang araw, nag-training si Prin kasama ang mga Dark Guards sa Kent Mansion.
Dahil ang Gray Guards ang nakabase sa lugar, sa shooting siya nagsanay. Kasabay niya si Khalid na nagsanay pati sa martial arts.
Hindi nakaligtas sa kanila na nagpunta ang nanay ni Sandra sa bansa na may magulong background.
Isang Princess ang nanay nito na nag-asawa ng isang commoner. Kaya pinawalang bisa ang estado nito sa buhay. Nagbalik ito sa pamilya. Ngunit kapalit ng pagbabalik nito ay kinailangan ng mama ni Sandra na pakasalan ang kung sino mang prinsipe na ireto dito ng pamilya.
Naguguluhan si Prin at tanging 'Goodluck!' na lang ang nasabi niya kay Shogun. Mas magulo pa kasi ang buhay ni Sandra sa kwento ng Dark Lords.
Ilang araw pa ang lumipas, natapos ang isang linggo na bakasyon nila.
"Baby, what is your plan for today?" tanong ni Prin kay Khalid habang pinapakain niya ito ng cereals isang umaga.
"This morning, I like to run outside. In the afternoon, I like to go to the ice cream house that we went to with your secretary" sabi nito.
Kumunot ang noo ni Prin nang maisip ang ice cream house ng mga fan girls. "Are you sure?"
Tumango ito.
"I like their french fries and smoothie." mabait na saad nito sa kanya.
Naisip ni Prin na makulay kasi ang tindahan na iyon at normal na magustuhan ng mga bata. There were shades of pink everywhere. May isang parte pa na pwedeng maglaro ng sudoku, crossword puzzle at kung ano pa na masayang laruin na hindi ginagamitan ng technology.
Kaya lang… Hindi niya makalimutan ang mga trip nito. Kakaiba pa ang paraan ng pagpaparusa nito sa kanila. At mas lalong kakaiba kung paano purihan ng mga ito ang asawa niya.
Hindi ba't parang ang weird na makiisa siya doon?
"Okay! after 30 minutes, we will run." nakangiti niyang sabi.
Pansin ni Prin na mas matigas ang muscle ng anak niya ngayon kumpara noon dahil na rin kasabay niya ito na nag-eensayo.
"Baby, mas maganda na ang katawan mo ngayon" sabi niya habang pinipisil-pisil ang braso ni Khalid.
"Really? Then, I have to thank Mommy for taking good care of me" Nakangiti na sabi nito.
Tuwang-tuwa si Prin sa anak niya. She is proud of herself for having a son like Khalid. Super sweet at super cute.
At super yaman!
Hindi niya napigilan na halikan ito ng paulit-ulit sa mukha.
Naisip ni Prin na sa park na nasa malapit sila tumakbo ni Khalid. 10 minutes lang na drive mula sa white castle ang park na napili niya.
Matapos ang ilang laps ng pagtakbo, inaya niya si Khalid na magpahinga muna sa isang bench bago sila sumakay sa kotse pabalik.
Sinilip na muna niya ang cellphone na nakalagay sa belt bag at nakita ang mensahe mula kay Mildred. Pumapayag ito na samahan sila sa ice cream house ng grupo nito.
Samantala, habang nakaupo si Khalid, nakita niya ang isang bata na naglalaro sa walong taon na pinalo ang isang asong kalye.
Umungol ang aso.
Nakita ni Khalid na busy ang Mommy niya sa cellphone kaya bumaba siya saglit sa bench. Nilapitan ni Khalid ang bata at ang kawawang aso.
"What are you doing?" nakakunot ang noo ni Khalid. Nakita niya na may namuong luha sa mata ng kawawang aso. He can tell na nasasaktan ito sa ginawa ng batang lalaki. The dog was helpless.
"No one owns him. Huwag kang makialam"
Pinagpatuloy lang ng bata ang ginagawa. Pinalo nito ng kawayan ang kawawang aso.
"I said stop!" kumuyom ang kamao ni Khalid.
"What? What?" naghahamon na tanong nito sa kanya. Pailalim kung tingnan nito si Khalid.
"Go home with your Mommy. Can't you see that you are smaller than me." mayabang na sabi.
Ngumisi ito kay Khalid saka umakto na ihahampas muli ang kawayan sa aso. Hindi napigilan ni Khalid na sinipa ang kawayan na hawak nito. Mabilis siyang natuto sa pagsasanay kasama ng Mommy niya sa Kent Mansion.
Nabali ang kawayan at tumilapon iyon pataas.
Nakaramdam ng takot ang bata dahil nabali ang kawayan at agad na umiyak. Malakas kasi ang loob nito na mambully dahil may kawayan na hawak panghampas at nasa paligid din ang magulang nito.
Khalid felt annoyed seeing the kid suddenly cry. After threatening him, he cried?
Lumapit sa kanila ang tatay nito na nasa paligid lang. Malaki ang katawan nito. Pwedeng ihalintulad sa mga wrestlers na malaki ang katawan, maliit ang tooot…
"Hey, You kid, what did you do to my son?" tila naghahamon din na hinarap si Khalid.
Si Khalid naman ay kalmado at nagtaas pa ng bahagya ang kilay. Wala naman siyang ginawa sa bata kaya bakit siya ang hinaharap nito? His heart is aching seeing the dog na hindi makatayo.
Having his Mommy near him, walang mangyayari sa kanyang masama or else this guy is looking for his death.
Humalukipkip si Khalid.
"Seriously? A brainless son and a brainless Dad that looks like Undertaker."
"Who's Undertaker?"
Inisa-isa ni Khalid ang napupuna niya sa lalaki.
"Your hair looks like an overcooked spaghetti, your eyes pupping like a wine cork. And you have b.o.o.b.s. A man with b.o.o.b.s?"
Halatang nagalit ito dahil sa mga pintas ni Khalid kaya nagkikiskis ang mga ngipin na lumapit ito sa kanya.
"You are looking for a beating!"