Chapter 358 - Mommy and Baby's trouble (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Katatapos lang ni Prin na magpadala ng mensahe kay Mildred nang mapansin na wala ang anak niya sa tabi.

'Waahhh! Saan na naman nagpunta ang batang iyon?' nagpa-panic na siya dahil baka may huthutan na naman ang anak niya.

Inikot niya ang paningin at agad naman niyang nakita si Khalid sa hindi kalayuan na may kausap na malaking mama.

Nagtaas ang kilay ni Prin lalo na at pansin niya mula sa pwesto na umasim ang mukha ng malaking mama at halatang nagalit sa anak niya. Agad na lumapit siya dahil baka kung ano ang gawin nito kay Khalid.

Tulad ng inaasahan, humakbang ito papalapit kay Khalid na halatang galit.

Dadamputin na lang sana nito sa magkabilang braso ang anak niya nang maunahan ito ni Prin. Mabilis niyang nakarga si Khalid at itinago sa likuran.

"What are you trying to do?!" tanong niya sa lalaki.

Nakakunot ang noo ni Prin at malamig ang mga mata. Ano ang plano na gawin ng lalaking ito sa baby panda niya?

"Are you his Mom? He did something to my son" sabi nito. Tinuro nito ang anak na umiiyak sa tabi.

Tiningnan ni Prin ang anak na tinuro nito. Obvious na mas malaki ang anak nito. Isa pa, hindi siya naniniwala na may ginawa si Khalid sa batang ito nang walang dahilan.

Humalukipkip siya "Halata naman na mas malaki ang anak mo sa baby ko. Anong sinasabi mo d'yan na pinaiyak ng anak ko ang anak mo?"

"Wala akong pakialam! You see, he is crying! You made my kid cry kaya kailangan magbayad ng anak mo!"

"Hey you! The man with Big b.o.o.b.s with a hair like overcooked spaghetti! At mukhang hindi pa naliligo! Dadaan ka muna sa akin bago maglandas ang maitim mong kamay sa Baby ko!" matapang na saad niya dito.

Mas lalong nagdilim ang paningin ng lalaki lalo na at parehas na panglalait ang nakuha niya sa nanay at sa batang lalaki.

"Hindi ka din talaga natatakot ha! Hindi mo ba ako kilala?!" mas lumaki ang boses nito na halatang nag-iinit na ang ulo nito sa kanya.

"Bakit? Ikaw ba si Undertaker?" tanong ni Prin.

Lalaki "..."

Kumuha na sila ng atensyon sa iba pang mga nagliliw-aliw sa park.

"Miss, mag-sorry ka na lang. Siga yan dito." sabi sa kanya ng isang lalaki na nasa paligid.

"Oo nga marami nang ginulpi yan dito sa park." sabi pa ng isang ale na may kasamang sanggol.

"Anak iyan ni Konsehal at lider ng 'Pengepera gang' ang taong iyan, si Boy Kot"

Umikot lang ang mata ni Prin sa nadinig. 'Pengepera?' Kung mayroon man na karapat-dapat na maging lider ng pengepera, malamang si Khalid iyon!

Ang lalaking ito ay nababagay sa 'Noodle hair gang'.

"Don't blame me kung sa ospital ka mauuwi ngayong araw" umismid ito. Saka lumapit sa kanya.

Hahablutin pa lang sana nito si Prin nang isang malakas na uppercut ang binigay niya sa lalaki.

Napaatras ito ng ilang hakbang dahil sa suntok ni Prin at mas lalong umasim ang mukha nito dahil sa ginawa niya. Hinawakan nito ang pisngi na sumakit.

"Talagang malakas ang loob mo ha!" singhal ng lalaki.

Nag-alala ang mga nasa paligid para kay Prin. Tumawag na ng tulong ang isa.

Humapdi naman ang kamao ni Prin matapos niya itong suntukin.

"Tss!" she hissed.

Kung nasuntok siguro niya ito noong malakas pa ang katawan niya, malamang ay K.O na ang lalaki. Kaya lang ilang araw pa lang siya na nagsasanay.

Ang importante sa ngayon ay hindi niya hahayaan na dumapo ang kamay nito sa mukha niya dahil baka lumipad na lang ang ilong niya sa kung saan. Baka tumabingi ang pisngi niya at hindi na bumalik pa sa normal. Mas malaking problema iyon kapag nagkataon.

Sumugod ang lalaki at hinawakan siya braso. Sasampalin sana siya nito sa pisngi ngunit nakailag si Prin. Inikot niya ang kamay para makawala sa pagkakahawak nito. Mabilis na nakapunta siya sa likuran ng lalaki at ubod-lakas na itinulak niya ito sa sahig.

Hindi naman siya nabigo na napadapa ito sa damuhan. Pinaibabawan niya ito. Dahil masakit pa ang kamao niya naisip niya na sabunutan na lang ito. Hinawakan niya ang overcooked na buhok nito at sinabunutan ang lalaki.

"Ang galing-galing mo na pagplanuhan ng masama ang anak ko, Mukha kang linta na naiwan sa singit ng buwaya! panget!"

"Ahhhh!" hiyaw ng lalaki.

Para siyang wrestler na ginugulpi si undertaker.

Nasa ganoong akto siya nang may dumating na dalawang pulis. Sakto kasi na may nagrorondag pulis sa paligid.

Pinaghiwalay sila nito.

"Ikaw na naman Boy Kot!" parang hindi makapaniwala na saad ng pulis. Halatang kilala na nito ang lalaki.

"Boss, Boss, look, ginulpi niya ako!" reklamo ni Boy Kot sa pulis. Tinuturo pa nito ang pisngi na may pasa.

Tahimik naman si Prin at hindi interesado sa reklamo nito.

"Nakita niyo naman ang ginawa niya di ba? Ginulpi niya ako"

Unang beses na marinig ng mga pulis na may gumulpi sa lalaki, at isang payat na babae na may kasamang kyut na bata ang gagawa nito. Sumasakit ang ulo ng dalawang pulis kaya wala silang pagpipilian kung hindi ang parehas na dalhin si Prin at si Boy Kot sa istasyon kasama ng dalawang bata.

"Bring my Dog! The guy beat him" hiling ni Khalid sa mamang pulis.

Wala namang nagawa ang pulis lalo na at mukhang anghel si Khalid na parang maiiyak kapag iniwan ang askal nito.

Dinala sa presinto si Prin, si Khalid, and aso at ang magtatay para magbigay ng detalye.

"Baby, we have to look pitiful para paalisin nila tayo agad" utos niya sa anak.

Ilang minuto pa lang na mabait na nakaupo ang mag-nanay, katabi ang isang askal nang dumating si Cally na madilim ang paningin.

Nanlaki ang mata ni Prin at hindi alam kung saan magtatago. "Baby, let's pray"

"Mommy, let's hide..."