Chapter 359 - Si Askal

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nabigla si Cally nang sabihin ni Xander na nasa presinto ang asawa at anak niya. Kaya tinapos niya agad ang trabaho atnagmadali siya na makarating ng presinto. 

Malamig ang mga mata niya na sumalubong kay Prin at Khalid. Hindi alam ng asawa niya kung saang butas magtatago. 

Siya ang nakipag-usap sa pulis na humuli kay Prin para alamin ang problema. Pumasok siya sa loob ng opisina na ang kalahati ay salamin. Sakto lang na natatanaw niya pa ang asawa at anak na parehas nakatingin sa kanya at kinakabahan. 

"Master Cally, hindi ko akalain na anak niyo po pala yung bata at asawa niyo 'yung babae. Sabi kasi ng anak niyo, ginugulpi ng anak ni Boy Kot ang aso niya kaya niya ito pinigilan. Hindi ko lang po akalain na isang askal ang alaga niyong aso" Sabi ng kausap niyang pulis. 

Sa isip ng pulis, kahit bangungutin siya, hindi niya akalain na isang askal ang aalagaan ng isang tagapagmana ng MGM. 

Nilingon ni Cally ang kawawang aso na nasa tabi ni Khalid. Hinahaplos naman ng anak niya ang balahibo nito. Hindi niya na nagawang itama pa at sabihin na hindi kanila ang aso na iyon. 

Kailangan lang niyang bilisan ang pag-ayos sa problema dahil sa tingin niya ay nanghihina na ang aso. 

"Ang problema po ngayon Master, si Boy Kot, nagrereklamo dahil ginulpi daw ng misis niyo." tinuro ng pulis ang lalaki na nakaupo at katatapos lang hingan ng detalye. Katabi naman nito ang anak. 

"Oo! Kailangan niyo 'kong bayaran!" napatayo ito. 

"Nilait ako ako ng anak mo, sinuntok ako saka sinabunutan ng misis mo" reklamo nito. 

Napangiwi siya sa nadinig. Nag-init ang ulo niya dahiI sa isang rason, siguradong namamaga ang kamay ng asawa niya sa ngayon. 

"Saan dumapo ang kamay ng misis ko sa 'yo?" malamig na tanong niya sa lalaki. 

Tinuro nito ang pisngi. Bahagya nang namamaga ang pisngi nito 

"Dito, yung ngipin ko sa loob nagcrack na nga, saka sinabunutan pa ko kaya masakit ang anit ko!" inisa-isa nito ang reklamo. 

Tumingin si Cally sa pulis. "Tapyasin ang pisngi ng lalaking iyan na sinuntok ng asawa ko, saka kalbuhin ang buhok." 

Pulis "..." 

Boy Kot "..." 

Saglit na lumamig ang paligid. 

"Kung walang gagawa, ako na ang magkukusa. Ibibigay ko ang medical fees na hinihingi mo pagkatapos" 

Kinabahan ang lalaki. Napansin nito na hindi simple si Cally. 

Mabilis na lumuhod ang lalaki sa harap ni Cally. "M-master, nagbibiro lang po ako… Hi-hindi na po ako magrereklamo!" 

Cally felt annoyed. Matapos siyang hamunin bigla na lang itong luluhod? Nasaktan ang kamay ng misis niya tapos hahamunin pa siya nito? 

"It's settled then."

Kumatok si Khalid sa pintuan bago lumabas ang Daddy niya, saka pumasok sa loob ng opisina. 

"Daddy, we need to bring my Dog to a vet." malungkot na sabi nito. 

'Kailan pa sila nagkaroon ng aso?' 

Sunod na ginawa ni Khalid ay lumapit sa lalaki. Kinalabit ito na nananatiling nakaluhod. "Hey Mister, on behalf of your kid, you have to pay for my Dog's vet expense." 

Cally "..." 

"I assumed he has internal bleeding and bone fractures. You must pay 30 thousand" seryoso na saad ni Khalid. 

Nanlaki ang mata ng lalaki, pati na ang bata na anak niyo ay agad natakot. 

Sa isip ni Boy Kot, Paanong nangyari na nabaligtad ang sitwasyon? Siya itong nakaisip na manghihingi ng pera dahil mukhang mayaman ang mag-ina, paanong nangyari na siya na ngayon ang maglalabas ng pera? At para sa askal? 

"200 lang ang bentahan ng aso mo. Bakit ako magbabayad ng 30 thousand?" nanlalaki ang mata nito. 

"Daddy… Mr. Police… " he looks so sad and pitiful. 

Sinabi ng Mommy niya na kailangan mukha silang kawawa kaya kailangan niyang galingan. 

Naawa ang pulis sa awra ng mukha ni Khalid na parang maiiyak. 

"Hoy! Boy Kot! Bigay mo na yung 30 thousand!" ang pulis mismo ang nag-utos dito. 

"Ha!!!! Boss, askal lang yun. Papalitan ko na lang! 200 lang bentahan no'n samin. Minsan nga binibigay lang ng kapitbahay iyon. Bakit ako magbibigay ng 30 thousand? Ano ba iyong aso mo pomeranian?!"

"Mr. Police… my dog will soon die..." namula ang mata ni Khalid at may namuong luha. Anumang oras ay iiyak na. 

"Boy Kot!!!!!" sigaw ng pulis dito. 

"Heto na! Put--" 

"Huwag kang magmura dito! May mga bata!" galit na singhal ng pulis. 

"Asong gala naman talaga!" ang tanging naging mura nito. 

Nilabas nito ang wallet, saka binigay kay Khalid ang 30, 000 cash! 

Halos mangiyak ang lalaki na 30 pesos na lang ang natira sa wallet nito.