Chapter 360 - Giving name to a Dog

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos makakuha ng pera ni Khalid lumabas siya saka nilapitan ang aso. "Mommy, hold my money"

Inabot nito kay prin ang isang bungkos ng lilibuhin. 

"Huwaaaw! Paano ka nagkaroon ng pera? Limang minuto ka lang nawala, pagbalik mo may pera ka agad? I love you na Baby! Mas mahal na kita sa Daddy mo" 

Cally "..." 

"That's what you called making business" mayabang na sagot ng anak niya. 

Nagtaas ang kilay ni Cally sa usapan ng asawa at anak niya, na akala ng mga ito ay wala siya sa paligid. "Kayong dalawa. Hindi pa kayo lusot dito sa ginawa niyo."

Napalunok si Prin.

Binuhat ni Cally ang aso na sobrang baho saka isinakay sa sasakyan. Dinala muna nila sa vet clinic ang aso para mapasuri. 

Kinuwento ni Khalid ang mga nakita niya na naganap sa aso sa doktor. Habang namumula ang pisngi ng assistant nito na sinusulat sa papel ang mga instruction ng veterinarian. 

Pinasok sa loob ang aso para suriin habang naghihintay sila sa labas. Tanging salamin lang ang nakapagitan sa kanila at sa loob kung saan ito sinusuri. 

Binantayan ni Khalid ang aso sa pagitan ng mga salamin. Gusto niyang silipin kung ano ang ginagawa ng doktor. Para bang ayaw niyang mawalay ang mata sa loob. 

"Give me your hand" utos naman ni Cally kay Prin habang nakaupo sa sofa na nandoon sa labas.

Ngunit sa halip na ibigay kay Cally. Itinago niya sa likod ang kamay. 

"No. No, Husbie. M-my hands are fine."

Humalukipkip si Cally sa harapan niya at saka siya nito tiningnan. Napalunok siya lalo na at nagbabanta ang mata nito. "Hindi mo ba ibibigay?"

Napilitan na ilabas ni Prin ang dalawang kamay. Iniwas niya ang paningin dito para hindi niya makita ang pag-asim ng mukha nito. Sinuri naman iyon ni Cally. 

"Tss" Umasim nga ang mukha nito nang makita ang kaunting galos at pamumula ng kamay ni Prin. 

"Miss, pahingi naman ng gamot sa sugat, yung pang-aso" hiling ni Cally sa assistant na babae ng doktor. 

Namumula ang pisngi nito na tumango saka nagtungo sa kabinet. 

Agad naman na binawi ni Prin ang kamay "Ba-ba-bakit pang-aso? A-ano ang akala mo sa akin Shih Tzu?"

"Hindi! Isa kang Rottweiler na sobrang tapang sa pakikipag-away. Look at your hands!" galit na sabi.

Napangiwi na lang si Prin at hindi naka-alma. 

May dalang betadine, ointment at bulak ang assistant at inabot iyon kay Cally. Puna ni Prin na nakadenggoy na naman ang pagmumukha ng asawa niya sa vet clinic na iyon. 

Nilinis ni Cally ang kamay ni Prin. Mas lalong umaasim ang mukha nito habang tumatagal ang pagpahid nito ng ointment sa kamay niya. 

Nakaramdam naman ng inggit ang assistant habang inaasikaso siya ni Cally. 

"Husbie, isang beses lang naman 'yung suntok na ginawa ko. Sa-saka pinagtanggol ko lang ang anak natin… Hindi ko naman hahayaan na saktan niya ang anak natin. At saka, nung masakit na ang kamay ko, sinabunutan ko na lang siya." mahaba niyang katwiran. 

Lalong napangiwi si Cally saka siya nito tiningnan. Pinitik nito ang namumula niyang kamao. 

"Aw!" 

"At talaga namang kailangan mo pang ipagmalaki ang ginawa mo?"

"Sasaktan niya kasi ako Husbie kaya bago niya gawin iyon, inunahan ko na siya." 

"Ang punto ko dito, bakit parang hindi kayo mapirmi sa bahay ni Khalid? Panay ang lakwatsa niyo tapos laging may gulo na nakasunod sa inyo. Isang buwan na kayong grounded at sa bahay lang kayong dalawa simula ngayon. Parang may balat sa puwit ang isa sa inyo."

"For sure it's not me" sabad ni Khalid. 

"Hey, you kid! Don't you love me anymore? Why are you conniving with your Daddy?" nakapamewang na tanong niya dito. 

Lumapit ito saka yumakap agad sa kanya. "Of course not! I love my Mommy the most!"

"Sigurado ka na ba na gusto mong iuwi ang askal?" tanong ni Cally sa anak nila. 

Tumango lang ito. 

Napangiwi si Cally. Mula sa leopard na alaga nila noon, ang pumalit ngayon ay isang askal? Nalungkot siya nang maisip si Bantay. Inabot din nang ilang taon bago ito nanghina at namatay. 

Sa ngayon, isang cub ang bagong dating na kalahi ni Bantay ang inaalagaan ng Daddy niya na nasa bas.e.m.e.nt ng Kent Mansion. 

Ngumiti si Cally. Kung isang aso ang gusto ng anak niya ay wala na siyang magagawa pa. Hindi niya lang akalain na magkakainteres si Khalid sa isang askal. Mula kay Boi-boi na isang Akita dog na nagkakahalaga ng isang daang libo na alaga ng pamilya, ang napusuan ng anak niya ay isang Askal na napulot lang sa kalye.

"What name are you giving him?" tanong ni Cally.

"Spaghetti" mungkahi ni Prin. dahil si Spaghetti man ang nagbigay sa kanila sa aso na iyon.

"Askal" si Cally. 

"O kaya 'LuckyMe'!" si Prin muli dahil noodles talaga ang tingin nya sa buhok ng lalaki.

"'Asomo' o kaya 'Azoko' dahil aso natin siya."

"Billionaire" huling desisyon ni Khalid. 

Prin "..." 

Cally "..." 

Sigurado siya na ang aso na iyon ang pinakamayaman na askal sa buong Pilipinas!