Chapter 361 - Joining a piano competition

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Iiwan nila sa vet clinic si Billionaire. Kailangan kasing gamutin ang bahagyang nabali na buto nito sa binti. Tulad din ng sinabi ni Khalid, may internal bleeding ang aso at kailangan na bantayan ng doktor.

Medyo natatawa pa ang vet nang malaman na 'Billionaire' ang pangalan ng askal ng pamilya.

Thirty thousand ang unang singil sa kanila at agad na inabot ni Khalid ang nakuha nitong pera mula kay Boy Kot sa doktor. Ang susunod na bill sa kanila ay depende sa kung ano pa ang maging resulta ng paggaling ni Billionaire. At sinabi rin nito na tatlong libo ang pagstay ng aso sa vet clinic.

"Doctor, I will pay any amount just do your everything to save him." sabi nito na akala mo ay matured ang nagsabi na ikinagulat ng doktor.

"Don't worry, your parents will sure pay." hinaplos pa nito sa buhok si Khalid.

"Nope, I was the one who will pay. Send the bill to my home in White Castle. The address was written in the form."

Vet "..."

Si Prin at Cally ay kalma lang at hindi na nabigla pa sa sinabi ng anak nila.

Sa isip ni Prin, nawala na siya ng tatlong taon pero mas malaki pa ang kinita ng anak niya sa tatlong buwan kaysa sa mga sinuweldo niya sa Romantik Grand Hotel.

Nakakunot ang noo ng doktor pero tumango na lang dahil ayaw nito na magpahiya ng bata.

May naiisip na nga kung tutuusin si Khalid kung paano magkakaroon ng pera. Matapos niyang kumita ng malaking pera sa loob lang ng ilang buwan, ngayon pa ba siya hihingi ng pera sa magulang niya?

May ideya na nga siya kung saan magkakaroon ng pera. Magsisimula iyon sa araw na iyon. Sunod ay sasali siya sa piano competition!

Ayon kay Teacher Bei, one hundred thousand ang kikitain niya sa competition ng Junior 1, kung saan sumpu pababa ang edad na pwedeng sumali.

Unang beses niyang mag-eeffort, nang hindi gagamit ng talent niya sa pakikipag-negosasyon. Ang gagamitin niya ay ang talento niya mismo para kay Billionaire.

Sa isang restaurant sila nagpunta para mananghalian na sobrang late na dahil ang daming nangyari sa kanila sa araw na iyon. Sinabi kaagad ni Khalid ang nais niya sa magulang.

"Mommy, Daddy, I want to compete in a piano competition." sabi ni Khalid habang hinihintay ang pagkain.

"Wow talaga, Baby!" natuwa si Prin. Gusto niyang makita ang anak na makipag-compete sa piano.

"Yes. Teacher Bei told me that she will send my video to Gurwitz International and they will decide if I'm accepted or not… The competition will take place after two weeks in… Germany"

Titingnan lang ng mga lider at composer ang galaw ng kamay ni Khalid mula sa video.tapos kapag nagustuhan siya isasali siya sa kumpetisyon.

Pumalakpak si Prin. Mapapanood na niya ang anak, makakatakas pa siya saglit sa mata ng asawa niya. Mabuti na lang at hindi ito nakahalata. Ilang saglit lang dumating ang pagkain.

Tahimik silang kumain. Si Khalid naman ay may hawak na tablet at sa tingin ni Prin ay naglalaro.

"Mommy let's go to the ice cream house for desserts" hiling ni Khalid matapos nilang mag lunch na sobrang late na.

Naalala ni Prin na may usapan nga pala sila ni Mildred na kikitain niya ito.

"I will tell Mildred" sabi niya. Day off naman ni Mildred sa araw na iyon kaya libre ang babae sa maghapon.

"I told you, you two are grounded." Sabad ni Cally. Kung mag-usap kasi ang magnanay ay parang balewala dito ang parusa niya.

"Why don't you join us instead?" Tanong ni Khalid na parang nakikiusap ang mata.

"Yeah, Husbie. Maganda doon saka masarap ang smoothie nila." sabi niya sa asawa nang bigla niyang maisip na lugar nga pala iyon ng fan girls. Napangiwi siya.

"Baby yeah, w-we are grounded." Sabi niya sa anak.

Binaba ni Cally ang table napkin matapos punasan ang bibig. "Okay lang, samahan ko na lang kayo. Mamayang alas sais ako ulit aalis for meeting. May oras pa ko na samahan kayo"

Napangiwi si Prin. Bakit ba kasi mabilis niyang nakalimutan ang tungkol doon? Hinihiling niya na sana ay walang fan girls sa lugar.

Pero masyadong na-underestimate ni Prin si Khalid. Hindi niya alam na binebenta na pala sila ng anak niya kay Mildred.

Habang nanananghalian, kausap nito si Mildred sa tablet nito at sinabi na on the way na ang Daddy niya. Katulad ng presyo niya kay Mildred, every fangirl should pay five thousand meeting his Dad. Additional ten thousand if they want a selfie and signature.

But he told her that they have to make sure that no one will harass his Dad or else his Mommy will be angry, at hindi na sila bati kapag nagalit si Mommy.

Lumipat nga sila ng ice cream house. Kinakabahan si Prin sa bungad pa lang dahil baka poreber na siyang grounded kapag nalaman ng asawa niya na nagawa niya pa na makipag-mingle sa fans nito.