Chapter 362 - Weirdest Place

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinakabahan si Prin na binuksan ang pintuan. Tumunog agad ang chime nito.

Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid.

Nagliwanag ang mukha ng fangirls nang makita ang idolo nila na si Cally nang pumasok sa loob ng lugar.

Inikot ni Cally ang paningin sa paligid. Hindi na siya nagtaka nang makita ang anyo ng Ice cream house na iyon. Puro larawan ng kung sinu-sinong celebrity under MGM ang mga nakita niya na maayos ang pagkakasabit sa pader.

Napansin niya na halos lahat ng mesa ay okupado at may nakaupo, bukod sa nag-iisang mesa na available kung saan para inilaan talaga para sa pamilya niya.

Malapad ang pagkakangiti nang mga tao at halos lahat ay kababaihan. Bahagya siyang na-conscious dahil kakaiba tumingin sa kanya ang mga ito.

Lahat ay sa direksyon niya nakatingin at tila ba magniningning ang mata na nakakita ng artista.

Pinilig ni Cally ang ulo para maiwasan niya ang mga naiisip. Umupo sila sa harap ng bakanteng mesa.

"Hello Miss Yuna" bati ni Mildred na lumapit sa mesa nila. Kumindat ito kay Khalid.

Parang mabubulunan si Prin sa sarili niyang laway. Sobra ang kaba niya. Ang una niyang napansin ay wala ang malalaking larawan ni Cally na nakasabit sa pader. Napakiusapan niya si Mildred bago magtungo doon pwedeng tanggalin agad ang mga bagay na iyon.

Sunod ay ang pananahimik ng fangirls.

Kung mayroon mang kalmado sa mga nagaganap, si Khalid lang iyon.

"Honey, why do I sense something wrong in this place?" tanong ni Cally.

"Ahh… baka kasi pakiramdam mo dalawa lang kayo ni Khalid ang lalaki kaya ganyan ang pakiramdam mo. He he." dahilan ni Prin.

"Okay."

May lumapit na babae na umaabot hanggang sa mata ang mga ngiti. "Hello po Master Cally, a-ano pong order niyo?"

"Tatlong Banana split" sabi ni Cally.

Ngunit nilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng pink na apron na suot nito.

"P-pwede po bang magpapicture?" hindi nito napigilan na tanong kay Cally.

Nakakunot ang noo ni Cally. Si Prin naman ay hindi alam ang gagawin.

"Idol na idol ko po kasi kayo." sabi nito.

Nakaramdam ng inis ang mga babaeng nasa paligid dahil hindi nila akalain na mauuna ang waitress sa pagpapapicture kay Master Cally.

Pumayag si Cally na magpapicture kasama ang kahera, tapos pinapirmahan iyon sa kanya sa edit function ng picture.

"Last na po itong request, huwag po kayong mag-alala libre po ang kakainin niyo dito" sabi nito. Pumayag naman si Cally na pirmahan iyon. Tanging "Cally" ang sinulat niya.

Ngumisi si Khalid. Hindi pa nag-iinit ang puwet niya sa silya, may ten thousand na siya agad. Inabot ng waitress sa kanya ang 10 thousand.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Wow! Magic! May pera ka agad, baby?" gulat na gulat na tanong niya.

Ilang saglit pa, na-iserve ang ice cream sa mesa nila. Halos mabilaukan si Prin sa pagkain dahil sa kaba. Pakiramdam niya ay may mali sa mga fangirls.

Pero hindi niya akalain na mauunang mabilaukan si Cally dahil sa tamis ng chocolate na toppings at sa lamig ng ice cream.

*cough cough*

Nag-alala ang lahat at halos sabay-sabay na lumingon sa gawi nila.

Tumayo ang mga nasa malapit. Hindi pa man lumilipas ang limang segundo. May nagserve ng tubig kay Cally. Limang baso ng tubig ang nag-abot sa kanya.

"Okay lang po ba kayo Master?" sabay-sabay na tanong ng limang babae.

Napakunot na lang ang noo ni Cally. Pero may malaki siyang tanong sa isip.

"H-heto po ang tubig. Inumin niyo po" sabi ng isa.

"Heto na lang po Master, mas masarap ito galing pa sa La Mesa Dam ang tubig na ito."

"Heto po.."

"Heto na lang po…"

Sumasakit ang ulo ni Cally sa limang babae kaya tumayo siya at lumapit sa kahera.

"Pahingi ng tubig" hiling niya sa babaeng waitress, nagsalin ito ng tubig sa baso mula sa water dispenser at inabot kay Cally.

"Heto po Master"

Ngunit bago pa makaupo muli si Cally, may mga nagsipasukan na mga babae. Mga nasa bente siguro ang mga babae na pumasok.

"Ahhhh!!!!!" tili ng mga ito. Inikutan ng mga ito si Cally.

"Naloko na!" usal ni Prin.

Nagsimulang kabahan si Khalid.

"Hey! Hey! Bakit kayo nandito? wala kayong pambayad, kaya doon kayo sa labas! Tsupi!" sabi ng lider ng fangirls na nakapamewang sa mga babaeng bagong pasok.

Hindi naman ito pinansin ng mga babae at panay ang tili.

Kumunot ang noo ni Cally at tumingin sa mag-ina niya.

"Pambayad?" ulit ni Cally.

Natakot si Khalid kaya tinuro niya ang Mommy niya pero walang lumabas na salita sa bibig. Nanlaki ang mata ni Prin matapos siyang ituro ng anak tapos panay naman ang iling.

"The two of you, anong kalokohan ito?"

"Ahhhh!!! Master, magpapapicture kami!!" Tumi;li ang mga bagong pasok. Hinawakan nito si Cally.

"Kami muna!!!!" sabi ng lider at hinawakan si Cally sa braso.

"No Kami!"

"Kami!"

Nadagdagan ang mga kamay na may hawak kay Cally kaya hindi niya maigalaw ang sariling katawan. Sa tagal niya na pagiging Shi ng Dark Guards, ngayon lang nangyari sa kanya na halos benteng katao ang nagtulong-tulong para lang pigilin siya.

May hindi nakapagpigil at niyakap siya. Ginamit ni Cally ang lahat ng lakas para makaiwas. Sumampa siya sa mesa ng cash register

"Prin!!!" nagdidilim ang paningin niya na nakitingin sa mag-ina.

"Stop!!!" natahimik ang buong lugar "A-anong kalokohan ito?!"

Naghawak kamay ang mag-ina. "Baby… lagot tayo!"