Chapter 363 - Nosejob

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Natahimik ang mga fangirls. 

"Anong kalokohan ito?" tanong ni Cally sa mag-nanay. 

"Kayo, sino kayo?" tanong ni Cally sa mga babae. 

"Mga fans mo kami!" sabay-sabay na sagot ng mga babae. 

Nagdilim ang anyo ni Cally. Nakita niya na nagtago sa ilalim ng mesa ang dalawa. Kumikirot ang sentido niya sa panibagong gulo na kinasangkutan ng mga ito. Hindi pa nga lumilipas ang araw, may panibagong kalokohan agad na hinarap ang asawa at anak niya. 

Mukhang ayaw na talaga ng dalawa na lumabas ng bahay. 

"Sorry, pero uuwi na ko!" singhal ni Cally sa mga babae. 

"Prin at Khalid! Uwi!" malakas na utos niya. 

Napalingon sa gawi ng mag-ina ang mga babae. "Galit si Master Cally sa dalawang iyon, hawakan sila at iharap kay Master!" sabi ng lider. 

Prin "..." 

Khalid "..." 

Mabilis na hinawakan si Khalid at Prin ng mga babae. Katulad ng porma ng mag-nanay nang huli silang nagpunta sa lugar. 

Hindi naman alam ni Cally kung paano bababa mula sa ibabaw. Baka bigla siyang yakapin ng mga babaeng ito na parang nababaliw. 

Nag-iinit ang ulo niya sa asawa at anak. Nanghingi na siya ng tulong kay Xander na sunduin silang mag-anak sa lugar. Gusto niyang sakalin isa-isa, ang mga babaeng ito. 

Pinagpapawisan na siya dahil sa dami ng tao sa loob ng ice cream house. Halos wala ng space at mapuno na ang tao sa loob. Halos magpalitan na sila ng amoy ng mga babae. 

Dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya, niluwagan at tinanggal niya ang kurbata na nasa leeg. 

"Ahhhhh!!!!" tumili ang mga babae. 

Halos marindi ang tenga nilang tatlo sa tili ng mga babae. Nagtanggal pa lang ng kurbata si Cally, nawindang na ang mundo ng mga ito. 

"Sinong may pasimuno nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Cally

Nanlaki ang mata ni Khalid at tinuro nito si Prin. "I-it's Mommy!" 

Prin "..." 

'Bakit ako?' kapag nagkaroon ka naman talaga ng anak na ilalaglag ka sa sitwasyon. 

Dahil sa anyo ng anak, may palagay na si Cally na binenta siya ng anak sa mga babaeng ito. 

"Really?" 

Nakagat na lang ni Khalid ang ibabang labi. 

"Parusahan ang dalawang iyan!" utos ng lider. 

Natakot naman si Cally dahil baka kung ano ang gawin sa mag-ina niya. Nagulat na lang siya nang parehas na tumatawa ang dalawa at parang kiti-kiti na hindi mapakali ang mga katawan. 

Kiniliti ng todo ang mag-nanay ng mga babae. 

Cally "..."

"I won't give you a discount! Ha ha ha!" sabi ni Khalid habang tumatawa. Hindi ito pinanansin ng mga babae. Patuloy lang sa pagtawa ang dalawa dahil patuloy din ang parusa ng mga babae. 

Huminga ng malalim si Cally para tanggalin ang inis na kanina pa nasa dibdib niya. 

"Stop!!!!" sigaw niya. Umalingawngaw ang boses niya sa buong lugar. Natahimik naman ang lahat. 

"Ladies, we have to go. Ako ang magpaparusa sa dalawang iyan." Bumaba si Cally at akmang manununtok kapag may nangulit pa na babae. 

"No! They haven't paid yet!" sigaw ni Khalid. 

Cally "..." 

Pero wala ding nangyari dahil saglit lang na kumalma ang mga babae at nagkagulo muli sa loob ng ice cream house. 

"Ahhh, Master Cally, papicture" 

"Master Cally, ako muna!" 

"Master!" 

Kung kaninong mga kamay ang humablot sa damit ni Cally at halos mawarak na ang suot niya. 

Sobra nang nag-iinit ang ulo niya sa mga nagaganap. 

Nasisiko na si Prin. Hanggang sa hindi siya nakailag sa siko ng matabang babae. Nasapo niya ang ilo at napaatras. 

Nanlaki ang mata niya ng makapa na wala na ang pinakamamahal niyang ilong. Nag flat na ang ilong na ilang milyon niyang ginastusan. 

"Ahhhhh!!!! Yung ilong ko, hindi na diretcho!!!!" 

Kumuha siya ng puting table napkin sa ibabaw ng mesa at tinakpan ang kawawa niyang ilong. Sa dami ng tao sa loob at kasi-siksik sa kanya, ilang beses na nasagi ang ilong niya at ang huli nga ay nasiko siya. 

'Lord, ano pong kasalanan ko ngayong araw?' hindi niya maiwasan na itanong. 

"Hide me baby!" kinuha niya ang anak. 

Hindi naman nagtagal at dumating si Assistant Xander na may kasamang mga body guard para iligtas sila sa loob. 

Sa sasakyan, panay ang iyak ni Prin habang sinisilip sa salamin ang kawawa niyang ilong na mas pango pa sa pango. At bahagyang tumabingi pa pakanan. Hindi niya alam kung mag-s-side ways ba siya para dumeretso ang ilong o iaangat ang mukha. 

"Hu hu hu… Lalayas na ko sa bahay!!!! Babalik na ko sa Korea para ipagawa ang ilong ko!" 

"In your dreams! Dahil sa White Castle ka lang at walang aalis ng tatlong buwan!" halatang galit si Cally. 

"You Kid! Luluhod ka sa munggo pag-uwi!" 

Nakayuko lang ang anak niya at halatang guilty.

Hindi alam ni Prin kung paano reremedyuhan ang ilong niya sa loob ng tatlong buwan. Wala siyang nagawa kundi ang ipagpray ang ilong niya na nasira.