Nakasuot lang ng face mask si Prin sa loob ng bahay. Ayaw niyang humarap sa kahit na kanino.
"Hu hu hu… you don't care about me anymore. I want to go to Korea! Can't you see this is an emergency?" Sabi niya sa asawa niya habang awang-awa sa sarili..
Si Khalid naman ay unang beses din na tinuruan ng leksyon ng Daddy niya. Tinotoo ni Cally ang parusa sa anak na lumuhod sa munggo pag-uwi ng bahay.
Nakayuko lang ito habang binabantayan ni Cally. Nakahalukipkip lang ang asawa niya sa single sofa at bahagyang pumikit para tanggalin ang pagkainis.
Parang langaw pa si Prin sa patuloy na pangungulit at pag-iyak.
"Husbie, I need to go to the hospital. Mukha akong si Barney na walang ilong. Hu hu hu"
"In. your. dreams… Hindi ka aalis dito sa bahay kasama ni Khalid dahil iyan ang parusa ko sa iyo. Magtyaga ka sa ilong mo na patungong North-West sa loob ng tatlong buwan."
Nagpapadyak si Prin sa nadinig. Naaawa naman si Khalid sa Mommy niya. If he didn't insist na tumungo sila sa Ice Cream house, hindi iiyak ang Mommy niya at magluluksa sa ilong nito na nasira.
Anyway, he earned 300,000 na nasa kamay ni Mildred. Kaya bahagya siyang masaya.
"Husbie..." patuloy si Prin sa pakiusap.
"Don't worry Mommy, I will give you a nose tomorrow." sabi ni Khalid habang pinipilit na hindi ipahalata na masakit na ang tuhod nito.
"Hu hu hu… Nagagawa mo na din na paluhurin ang anak ko sa munggo. Kawawa naman ang baby Panda ko"
Napangiwi si Cally. "Blame yourself kung bakit naparusahan ang anak mo." Kalmado na sagot niya dito.
30 minutes lang ang plano ni Cally na paluhurin ang anak niya sa munggo para magtanda ito. Kapag umulit pa ito, dadagdagan niya ng minuto sa susunod.
Matapos ang 30 minutes, tumayo si Cally mula sa kinauupuan. Naghanda siya para sa susunod niyang meeting.
Binuhat ni Prin ang anak at pinagpag ang mga dumikit na munggo sa namumula nitong tuhod. "Baby, are you okay?"
Tumango lang si Khalid.
Si Prin naman ay namumula na ang mata niya sa kaiiyak. Mas matindi pa ang parusa ni Cally na ito kaysa sa mga parusa na ginawa nito sa kanya noon dahil kailangan niyang pagtiyagaan ang mukha niya na parang si Barney na walang ilong sa loob ng tatlong buwan.
Pinunasan naman ni Khalid ang luha niya.
"Mommy don't worry, I'll do my best to make a remedy for your nose."
Nakuha nito ang interest niya. "How can you do that?"
"Let's create a papier mache"
Prin "..."
Lalong naiyak si Prin sa narinig. Mas gugustuhin na niya na mag-mask kaysa papier mache ang ipalit sa ilong niya. Paano niya iyon ididikit sa mukha niyia. I-g-glue? Akala ba ng anak niya ay gawa sa papel ang mukha niya.
Lumakas ang pag-iyak ni Prin.
"Don't worry Baby. Igaganti kita kay Daddy" Sabi niya sa anak habang patuloy na minamasahe ang tuhod nito na namumula.
=====
Gabi na nang makauwi si Cally. Kailangan niya rin na makipag-socialize kaya inabot siya ng alas onse ng gabi.
Ang unang napansin niya ay wala si Prin sa Master bedroom kaya tinungo niya ang kwarto ni Khalid. Tulad ng inaasahan, magkayakap na natutulog ang dalawa.
Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita ang anyo ng asawa niya na mahimbing na natutulog kahit pa halata ang pamumula ng mata nito sa sobrang pag-iyak.
Tulad ng reklamo nito, tuluyan nang na-flat ang ilong nito at may bahagyang umbok na nakagilid. Para itong manika na napaglaruan ng sobra at tinapyasan ng ilong.
Binuhat niya ang asawa mula sa kama ni Khalid, saka ipinasok sa Master bedroom at inihiga sa malapad na kama.
Uminom ng tubig sa pitsel na nasa mesa. Naglinis lang siya ng katawan bago sumampa sa kama at tinabihan ang asawa niya sa pagtulog.
Kinabukasan... Nang magising si Cally, tulog pa rin si Prin sa tabi. Sinilip niya ang relo sa bedside table. Alas otso na ng umaga. Mukhang nasobrahan siya ng tulog. Halos hindi niya naramdaman ang buong magdamag.
Ang ganda pa ng tulog niya na nakabuo siya ng walong oras. Ngunit mas nabigla siya na tulog pa rin ang misis niya sa tabi.
Mukhang masyadong nagdamdam ito sa kinahinatnan ng mukha nito.
Bumaba si Cally sa kama at nagtungo sa C.R. Bahagya pa siyang inaantok. Unang tinungo niya ang labatory para maghilamos.
Ngunit bago sumayad ang tubig sa pisngi niya... "Ahhhhhhh!!!!!!"
Nanghilakbot ang mukha niya sa salamin nang makita ang kilay niya na mas makorte pa kay Miss Minchin.
Inilapit niya ng todo ang mukha sa salamin. Anong nangyari? Nawala ang makapal niyang kilay at nagmukha siyang bading sa itsura niya.
Paanong nangyari na nawala ang makapal niyang kilay sa buong magdamag?