Chapter 365 - Sweet Revenge (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
(Nangyari nang nagdaang gabi)

Matapos masiguro ni Prin na ininom ng asawa niya ang tubig na may pampatulog, sinimulan niya ang plano.

Pinitik-pitik na muna niya ang matangos nitong ilong para makasiguro na nakatulog na ito ng tuluyan at hindi aalma sa gagawin niya.

Totoo nga na kahit gaano pa kagaling ang isang tao, babagsak lang din sa kamay ng asawa nito.

Nagbukas ang pinto at pumasok si Khalid. Kapwa sila hindi tulog at nagpapanggap lang nang dumating ang asawa niya.

"Mommy, what are you planning to do?" tanong ni Khalid.

"What do you think?" nakangisi na saad niya.

Lumapit si Khalid sa Daddy nito at pinagmasdan nitong mabuti. Kaiba ang awra ng Daddy niya sa normal nito na madalas ay seryoso o salubong ang kilay.

"Hmmm… We can cut his shiny hair, but... what if he gets angry with us?"

"Don't worry baby… leave everything to me"

Inambaan pa ni Prin ang asawa niya na parang manununtok bago tinungo ang cabinet. Pinagpipilian niya kung tyane o razon na pang kilay ang gagamitin niya dito.

Binigay niya ang tiyane kay Khalid. "Go, pluck his eyebrows." sabi niya dito.

"Mommy, what if he wakes up?" nag-aalalang tanong ni Khalid. Sigurado na sasapian ni 'The Hulk' ang Daddy niya kapag may ginawa sila dito na hindi maganda.

"Don't worry baby. He won't."

"Okay!" Kinuha ni Khalid ang inabot ni Prin na tyane, saka binunot isa-isa ang kilay ni Cally.

Kada bunot nito, napapangiwi si Cally pero hindi nagigising. Nakakatuwa pa na maganda ang pagkakaayos ng kilay na gawa ni Khalid. Halata ang pamumula ng balat ni Cally na binunutan ng buhok.

Dahil sa pag-aalala, pinahiran ni Khalid ang namula na balat nito ng aloe vera cream.

"Mommy, I'm tired." sabi ng anak niya matapos na ahitan ang isang kilay. Malamang nag-aalala talaga ito na mapagalitan.

"Now it's my turn" malakas ang loob niya na ituloy ang plano.

Gamit ang pang-ahit. Kinurbahan niya ang kilay ni Cally hanggang sa maging katulad ng kilay nito ang kilay ni Miss Minchin. Bumunghalit siya ng tawa matapos na makita ang anyo ni Cally na sarap na sarap sa pagtulog.

"Oh no! Mommy! For sure Daddy will be angry!" natatakot na saad ng anak niya.

"Don't worry baby, if he gets angry. It's easy to hide. Moreover, It's better than having a disfigured nose." turo niya sa ilong.

Sa panahon ngayon, marami ng remedyo sa kilay. Gusto niya lang na gantihan ang asawa niya dahil ayaw siya nitong payagan na umalis.

Inahitan niya rin ang kilay na unang inayos ni Khalid hanggang sa magpantay na iyon.

Ngumisi siya pagkatapos.

=====

Kinabukasan…

Nakatingin si Cally sa salamin. "F*ck! What happened to my eyebrow?"

Parang maiiyak siya sa anyo ng hitsura niya. Daig niya pa ang kilay ni Bella Flores sa taas. Lumabas siya ng restroom at bumalik sa kwarto at nakita ang asawa niya na natutulog pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

Wala siyang ibang naiisip na maglalakas ng loob na gumawa ng ganito sa kanya kung hindi ang asawa lang din.

Masyado nang lumalakas ang loob ng babaeng ito sa pag-gawa ng kalokohan.

"Prin Matsui!!!! wake up!" gising niya dito. Sa lakas ng sigaw niya imposible na hindi ito magising.

Umungol lang ito ng bahagya. Nagpipigil si Cally ng galit kahit pa gusto niyang sipain palabas ang asawa niya.

"Prin Matsui, what did you do to my eyebrow?!"

Doon dumilat si Prin. Unang bumungad sa kanya ang kilay ni Cally. Dahil nakakunot ang noo nito, nag-iba ang korte ng kilay nito. Pinipigil niyang tumawa dahil sigurado na mas magagalit ito sa kanya.

"Husbie, what happened to your eyebrow?" pagmamaang-maangan niya.

"Yeah right, akala mo ba maniniwala ako sa iyo na hindi ikaw ang may gawa nito?"

"Whaaat? I'm sleeping, ginising mo nga ako e"

"Prin Matsui!"

Napatuwid ng upo si Prin. Parang kutsilyo ang mga mata ni Cally na nakatingin sa kanya at sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Sigurado na hindi talaga ito maniniwala na hindi siya ang may gawa nito.

Nakipaglabanan siya ng titig kay Cally. "You are not going to Korea, never! Never as long as I'm alive!" kalmado ngunit malamig na sabi.

Napalunok si Prin. 'Naku… nayari na!'

"Gusto mo ba talagang gumanti? Let's wait and see!" banta muli nito.

Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagsimula na siyang kabahan at nag-isip ng pwedeng idahilan dito.

"No. no. no! Husbie, I-I just don't want you to go outside White Castle. W-we are family, W-we have to stick together in this house kaya ko iyan nagawa. Kung grounded ako, grounded ka rin!"

Cally "..."

Anong klaseng katwiran iyon? Lalong lumamig ang mata ni Cally.

"Get up! Time to have breakfast. Tanghali na at gutom na ang anak mo."

Maya-maya pa nga ay nasa hapag ang tatlo para kumain ng agahan. Walang maglakas ng loob sa mga kasambahay na tumawa kaya mas pinili ng mga ito na iwan ang tatlo sa dining area.

Malalim ang tingin ni Khalid sa magulang niya. Halos ayaw niyang kumain dahil nawalan na siya ng gana.

Ang Mommy niya kasi ay parang kamag-anak ni Fiona at nababagay naman ang step-mother ni Snow White sa anyo ng Daddy niya sa sobrang nipis ng kilay nito.