Chapter 366 - Childish parents

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi naman nagtagal at maayos na ang kilay ni Cally. 

Sa unang araw, nagpatawag si Cally ng stylist na magreremedyo ng kilay nito kaya naman lalong nakaramdam ng pagkainis si Prin. Sa panahon ngayon, madali na lang remedyuhan ang kilay. Pwedeng 3D tattoo o kaya naman ay lalagyan ng pinaghalu-halong oil para bumilis ang pagtubo ng buhok nito. 

"Master, here's the ointment. You can put this on your brows generously." may inabot na ointment ang stylist na nagmula pa sa MGM

Tumango lang si Cally. 

Si Prin naman ay pilit na umiwas sa asawa niya sa bahay. Hindi siya nananatili sa isang kwarto kapag nandoon ang asawa niya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. 

Tuwing nandoon si Cally sa bahay, nagtatago siya na mag-isa sa isa pang kwarto para doon magtrabaho. Siya pa rin naman ang manager ng hotel ni Apolo. 

Lahat ng kailangan niya ay pinaaayos niya kay Mildred na pinapadala nito sa email. At pinapadala naman niya ang report niya kay Apolo. Mabuti na nga lang at pinayagan siya nito na mag-'work from home' nang hilingin niya dito na mananatili na muna siya sa bahay para samahan ang anak niya.  

Talagang tinotoo ni Cally na hindi siya aalis ng bahay na iyon. 

Halos ayaw niyang tingnan sa salamin ang sarili niya. Matapos niyang lait-laitin si Undertaker, ang bilis ng karma sa kanya. 

Isang linggo na ang lumipas at talagang hindi siya pinalabas ni Cally ng White Castle. Sinubukan niya na ang lumabas ng bahay, pero hindi talaga siya pinaalis ng mga gwardiya. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagkainis kay Cally. 

Isang linggo mahigit na siyang nagtityaga sa ilong niya. Samantalang ito, isang araw lang nanatili sa bahay nila at nakabalik na sa opisina nito kinabukasan. 

Nakauwi na rin si Billionaire sa bahay nila kaya mas busy ang anak niya. Tinuturuan ni Khalid ang aso nito ng mga tamang habits sa bahay na iyon. 

Hirap sa paglakad ang aso dahil nabali ang buto nito sa isang binti. Pero hindi nakahadlang iyon para magustuhan pa rin ito ni Khalid. Nagpagawa pa nga ng malaking doghouse ang anak niya sa bakuran ng white castle para sa aso. 

Isang sako ng dog food pa ang binili nito, mga kagamitan ng aso at ang pinaka-nabigla siya sa lahat-- may ginintuang dog tag ang askal. 

His dog tag was made of 18 karat gold with the word 'Billionaire'. 

'Iba din!' 

====

Habang nag-iisa sa terasa, naghanap siya ng pwedeng bilhin sa online store dahil iyon lang ang paraan para makapagshopping o makapag-grocery siya ng mga kailangan niya sa araw-araw. 

Isang bagay ang pumukaw sa atensyon niya. May nakita siyang isang bagay sa online store na agad niyang nilagay sa 'cart'. A hair coloring shampoo. A sinister smile shown on her face. 

Umorder siya ng kulay blue green na pangkulay. 

Hindi niya tatantanan si Cally hangga't hindi siya nito pinaaalis papuntang ibang bansa para ipaayos ang ilong niya. 

=====

Isang umaga, tulad ng dati, naghanda si Cally para sa pagpasok sa opisina. 

Ilang araw na siyang hindi kinakausap ni Prin dahil nagdadamdam pa din ito sa nasira nitong ilong. 

"I'm full. Billionaire, let's go outside." tawag ni Khalid sa aso nito. Dalawa lang sila ang kumain ng agahan dahil nagtatago ang asawa niya. 

"Did you see your Mommy this morning?" tanong niya sa anak. 

"Daddy, I thought she's your wife. Why are you asking me? I am starting to have a headache because of the two of you." 

"Billionaire, my parents are so childish…" bulong pa nito habang napapailing. Sinabayan ito ng aso papalabas ng dining area. 

Huminga ng malalim si Cally saka tinungo ang kwarto na dati niyang ginagamit para puntahan ang asawa niya. Kinatok niya ito. 

Hindi pa rin ito sumasagot mula sa loob. "Honey, let's talk." 

Kinuha niya ang susi sa bulsa para buksan sana ang nakalock na door knob. Pero agad din na nagbago ang isip niya. 

Sa gabi na lang niya ito kakausapin. 

Naghanda na lang siya papunta ng opisina. Tinungo niya ang shower room para maligo. Ginamit niya ang shampoo na madalas niyang ginagamit at pinabula iyon sa buhok niya. 

Nag-sabon siya ng katawan bago siya nagbanlaw. Ngunit nagulat siya sa kulay ng tubig na dumadaloy sa katawan niya. 

Kulay berde. Sinuri niyang mabuti ang katawan. Wala siyang makita na kakaiba kaya nagtungo siya sa salamin na malapit sa labatory. 

Nanghilakbot ang mukha niya nang makita ang anyo. 

Wala na ang dark brown na kulay ng buhok at napalitan iyon ng kulay blue green. 

"Prinnnnn Matsuuuuuuiiiiiii!!!!" 

Ginagalit talaga siya ng babaeng ito. Para siyang maiiyak dahil unang beses na nakulayan ng buhok niya.

Bumalik siya ng shower at pinilit na binanlawan ang sarili. Para siyang mababaliw habang nakikita ang kulay ng tubig sa sahig.