"Prin Matsui, get out of the room now!" Galit na sigaw ni Cally mula sa labas ng kwarto ng dating tinutuluyan.
Natatakot naman ang mga kasambahay sa sigaw ng Master nila na nasa ikalawang palapag na umaabot hanggang gate yata ng villa.
"Naku, anong gagawin natin. Mukhang galit si Master kay Miss Prin?"
"Mukhang ginalit siya ni Madam"
"Miss Xia, ano pong gagawin natin?"
Nakatingin ang lahat kay Xia na hindi rin alam ang gagawin. Pumasok si Khalid sa loob ng bahay dahil rinig niya hanggang sa labas ang sigaw ng Daddy niya.
Nakakunot ang noo ni Khalid. Nakakita naman ng pag-asa ang mga kasama nila sa bahay nang makita itong pumasok.
"Master Khalid, go and help your Mom. Your Daddy is very angry" hiling ni Xia. Walang magtatangka sa kanila na umakyat at silipin ang nangyayari doon.
Tumingala si Khalid sa itaas ng hagdan. Napaisip siya kung ano na naman ang problema ng magulang niya. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang umakyat at silipin ang sitwasyon.
"Billionaire, sit! You'll stay here." sabi niya sa aso. Sumunod naman ang aso na umupo sa tabi ng hagdanan.
Nang makaakyat, ang unang pumukaw sa atensyon ni Khalid ay ang kulay ng buhok ng Daddy niya. Nakakunot ang noo na lumapit sa dito.
"I never expected that you liked Joker" saad ni Khalid. Make up na lang ang kulang pwede na itong gumanap bilang si Joker.
Madilim ang mata na lumingon si Cally sa anak saka binalik muli ang atensyon sa saradong pinto.
Hindi niya rin magamit ang susi dahil may chain lock sa loob. Kaya kahit nabuksan niya ang door knob, hindi niya rin tuluyan na mabuksan ang pintuan dahil sa chains na nakakabit sa magkabilang kahoy.
"Prin Matsui, open the door or else you will never see Khalid anymore!" Banta niya.
Mukhang natakot naman ang asawa niya sa narinig. Narinig niya ang mga papalapit na yabag. Ilang segundo lang ay narinig niya ang chains na tinanggal ni Prin sa pagkaka-lock.
Mabilis na nagbalik si Prin sa ibabaw ng kama at saka nagtago sa ilalim ng makapal na comforter.
Hindi pinapasok ni Cally ang anak niya sa loob ng kwarto. Sa halip, sinarado niya ang pintuan at ni-lock iyon.
Parang balewala naman kay Khalid kung ano ang ginagawa ng magulang niya sa loob ng kwarto. Bumaba na lang siya ulit mula sa ikalawang palapag at inaya muli si Billionaire na lumabas ng bahay.
His parents are really annoying! ...And childish!
Sa loob ng kwarto…
Matapos gumawa ni Prin ng kalokohan, bigla siyang nakaramdam ng takot. Hinila ni Cally ang comforter. Pilit din na hinawakan ni Prin ang makapal na kumot na iyon para hindi siya makita ng asawa niya. Nakipagtagisan siya ng lakas dito sa hilahan ng comforter.
Matapos ang mahabang hilahan. Nakuha rin ni Cally ang buong kumot.
Ang problema, sumama si Prin sa tela palabas ng kama, kaya gumulong siya sa sahig. Tumama ang mukha niya sa paahan ng tokador.
*blag!*
"Aw!!!" Isang malakas na hiyaw ang lumabas sa kanya. Nag-alala agad si Cally. Ngunit mas pinili na tumayo muna.
Nakahalukipkip naman si Cally na nakatayo habang nakaupo sa sahig at nakayuko si Prin. Ngunit nabigla siya na bumakat ang paahan ng cabinet sa pisngi ng asawa nang iangat nito ang mukha sa kanya.
Sagpit silang natigilan at sabay na natawa nang makita ang anyo ng isa't-isa.
Natawa si Prin sa buhok ni Cally na parang kamag-anak ni Joker. Unang beses niya na makita ang buhok ni Cally na may ibang kulay bukod sa normal na kulay nito na dark brown.
Natawa naman si Cally sa hitsura ni Prin. Bukod sa namimilog nitong ilong na parang kamatis, pati ang isang bahagi ng pisngi nito ay nasira na din.
Halos mahiga si Prin sa sahig dahil sa sobrang pagtawa.
"Sige tumawa ka. Look at yourself in the mirror"
Na-curious siya sa narinig kaya agad na tumayo si Prin at tumingin sa salamin. Nanghilakbot siya sa nakitang anyo ng mukha niya.
"Oh noh! Wahhhh!" Bumahid ang pag-aalala niya, ngunit nabigla si Cally nang bigla na lang siyang umiyak.
Mula sa paghalakhak dahil sa bagong anyo ni Cally. Napalitan iyon ng luha dahil ang pangit-pangit na ng mukha niya at wala siyang magawa. Para siyang nababaliw.
Isang mabigat na hangin ang inilabas ni Cally sa bibig. Niyakap niya ito sa bewang at inaya na umupo sa ibabaw ng kama. Patuloy sa pag-iyak si Prin. Parang bata na nawalan ng pag-asa ang anyo nito.
Hindi na matanggap ni Prin na nasira ang ilong niya, pero hindi niya akalain na sobra ang magiging epekto sa kanya na pati ang pisngi niya ay nasira na din. Para siyang si Mr. Potato na nasobrahan sa pagkasira ng hugis ang mukha niya.
Hinawakan ni Cally ang mukha ng asawa niya.
"Don't look at me. I'm so ugly!" Halos takpan niya ng dalawang kamay ang mukha, huwag lang makita ni Cally ang bago niyang anyo.
"Honey, don't cry anymore." Humigpit ang yakap ni Cally sa bewang ng asawa niya.
He finds her funny.
In reality, she was really ugly and he understands her feelings right now. But he also finds her cute acting this way, dahil pangit na pangit talaga ito sa sarili. Hindi niya na tuloy mailabas ang galit niya ngayon dahil inunahan na siya nito ng iyak.
This girl!
Nagtago si Prin sa dibdib ng asawa niya habang umiiyak.
"I don't want to see the world anymore, it's better to hide forever and die in this room." Reklamo ni Prin habang umiiyak.
"I'll find the best doctors on the planet who can help you. Don't cry anymore." Siya rin ang unang bumigay sa labanan nila nito. He doesn't want to see her crying.
Sometimes, women are so unfair. Kapag ang babae ang umiyak, nakakaawa. pero kapag ang lalaki ang umiyak, mukhang guilty!