Gumawa ng paraan si Cally para ipaayos ang mukha ng asawa niya.
Hindi niya rin talaga matitiis na malungkot ang misis niya sa nangyayari dito. Kaya matapos ang dalawa pang araw, nagtungo ang mag-anak sa Korea.
Hindi pa nagawa ni Cally na ibalik ang kulay ng buhok nito sa dati nitong kulay na dark brown dahil mas inayos niya ang problema ni Prin.
Apat na magagaling na surgeons ang nirekomenda ng kapatid niya na si Christen na kasalukuyang anim na buwang buntis.
"Master Cally, your wife will be staying here for at least 2 to 5 months." Sabi ng isa sa apat na doktor matapos na masuri ang lahat kay Prin.
Namumula pa rin ang mata ni Prin kahit lumipas na ang ilang araw dahil masama talaga ang loob niya.
Bumaling ang doktor kay Prin matapos nitong ipaliwanag kay Cally ang lahat ng gagawin na procedure sa kanya. "You have to rest for three days before the procedure. Be physically and psychologically ready for the procedure."
Malungkot pa rin si Prin pero sinagot niya ito ng "I will."
Matapos na lumabas ng apat na doktor sa kwarto, lumapit si Khalid kay Prin.
"Mommy, how are you?" Halata na nag-aalala ito sa kanya dahil ilang araw na siyang hindi mapalagay at umiiyak.
"I'm sad." Sagot niya dito.
Sumampa naman ito sa hospital bed at yumakap sa kanya. "Don't be sad. I will be staying here with you."
"Don't you have a piano competition this weekend?" Tanong niya habang seryoso ang tingin dito.
Nakapasa ang video ni Khalid para lumaban sa actual competition para sa Junior level. Tumango ang anak niya.
Nalungkot naman si Prin dahil hindi niya ito masasamahan sa una nitong laban. Sa halip, si Miss Bei ang kasama nito.
"But I decided to stay here with you" narinig ni Prin mula sa bibig ni Khalid.
"...I will join again in the future. I want to stay with Mommy this time."
"Oh! Baby, thank you!" Humigpit ang yakap niya sa anak habang pinukulan ng matalim na tingin ang asawa niya na nasa isang panig ng kwarto
Kung tutuusin, sumali lang naman si Khalid dahil sa pera na mapapanalunan niya. Pero ngayon na kailangan ng Mommy niya ng suporta, mas pinili niya na manatili kasama ito.
He will stay where his Mommy is staying.
"Are you still angry?" Tanong ni Cally. Hindi sumagot si Prin pero nananatili na matalim ang tingin niya dito.
"Hindi pa rin ba lumilipas ang sama ng loob mo sa akin kahit na halos magmukha na akong clown sa harap mo?" Amused na tanong ni Cally.
Doon umiwas ng tingin si Prin. Hanggang sa mga oras kasi na iyon ay blue green ang buhok ng asawa niya.
Sobrang magaling ang pang-kulay na nabili niya. Tulad ng sabi sa ads, matapos lang ang dalawang minuto, kakapit na ang kulay sa buhok ng gagamit nito.
Mas pormal ang kulay na dark brown na buhok kay Cally, pero ayos din naman ang berde na kulay sa buhok dito dahil nagmukha itong Kpop idol. Iyon nga lang, mas madalas na business partners ang kausap nito at hindi siya sigurado kung ano ang resulta ng transaksyon nito sa kulay blue green na buhok.
Nakadagdag pa sa pagka-guilty niya ang kilay ng asawa na bahagya nang kumakapal sa mga oras na iyon.
"I'm sorry..." bulong ni Prin.
"At least you know your mistakes." Nakangiti nang sabi ni Cally bago lumapit sa mag-ina niya.
Nakisampa siya sa hospital bed para yakapin ang mag-ina niya.
"Hindi ka ba napapangitan sa akin?" Tanong ni Prin.
"Napapangitan" honest na sagot mula kay Cally.
Sinuntok niya ito sa dibdib.
"Why is it my fault kung napapangitan ako sa 'yo? Kahit ikaw nga ay pangit na pangit sa sarili mo." sabi ni Cally sa asawa. Hindi pa ba obvious na ilang araw na itong umiiyak sa pisngi nito na parang humulma sa paahan ng tokador.
"Are you still not done with your bantering? You are making my headache worse." puna ni Khalid habang hinihilot ang sentido.
Tumayo si Cally at hinawakan sa dalawang paa ang anak niya at itinaas ito sa ere. Nabigla si Prin na parang nakasabit ang anak niya patiwarik.
Ang lahat ng nangyari sa kanilang mag-asawa ay kasalanan ng batang ito, tapos ang lakas pa ng loob na magreklamo na sumasakit ang ulo nito sa kanilang dalawa?
Sa palagay ni Cally, hindi pa niya natuturuan ng tamang leksyon si Khalid.
"In reality, all of this mess happened because of you." Sabi ni Cally sa anak na nasa ere. Halatang natakot naman ito sa ginawa ni Cally at hindi alam kung saan kakapit.
Nakabuka ang kamay nito at naghahanap ng makakapitan.
"Oh oh! Daddy! Daddy, I'm wrong! Please put me down!"