Chapter 369 - Cassandra and Lorenz

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
(Sweden)

Lumipas ang isang buwan, nagtungo sa Sweden ang mag-asawang Lorenz at Cassandra. Nangako ang babae na dadalawin niya ang Mama niya sa kaarawan nito, si Dutchess Camila.

Tatlong araw hanggang isang linggo ang hiningi nilang bakasyon sa Kent Mansion at kay Rob Matsui. Unang beses nila na magpunta sa bansa kaya hindi nila alam kung ano ang aasahan sa lugar.

Sinundo sila sa airport ng butler na kasama ng ginang noon para ihatid sa tahanan nito gamit ang isang itim at makintab na Rolls Royce Phantom.

Kapansin-pansin ang kagandahan ng lugar habang nagbibyahe ang mag-asawa. Maberde ang paligid dahil sa mga puno at damuhan. Pansin din nila na hindi masyadong polluted ang lugar at masarap sa pakiramdam ang hangin kahit pa sobra ang lamig.

Mas malamig kasi ang klima sa bansang iyon kaysa sa U.K. Mas kakaunti rin ang mga tahanan kaysa sa Bristol na isang siyudad kung saan naroon ang bahay nilang mag-asawa.

Doble ang kaba ni Lorenz. Siguro dahil ilang minuto na lang at nasa harap na niya ang katotohanan na hindi ordinaryo ang asawa niya. Hindi siya mapalagay nang nakaraang araw pa.

Naramdaman na lang ni Lorenz ang paglapit ni Sandra sa katawan niya.

"What are you thinking?" Yumakap ito kay Lorenz.

Para bang wala itong pakialam kahit na nasa loob sila ng sasakyan at kasama nila ang butler ni Madam Camila na kalmado at diretso sa daan ang tingin.

Lorenz looked at his wife. Hindi niya aaminin na ang isang Shogun na tulad niya ay may kaba rin na nararamdaman.

"Nothing." He simply smiled at her.

Iyon nga lang, mukhang malakas ang pakiramdam ni Cassandra sa nararamdaman ni Lorenz. Sa mahabang panahon na magkasama sila, para bang alam na ng isa ang nararamdaman ng kabiyak nito.

"Honey, I just want you to know that I will stay with you no matter what." Nakangiti na saad ni Cassandra.

He can't help but kiss his wife.

Mukhang naramdaman ng butler ang init sa likuran ng kotse kaya agad nitong isinara ang kwadrado na pumapagitan sa driver at sa pasahero sa likuran.

"I am looking forward to having you on my bed" bulong ni Cassandra na may ngiti sa labi.

Sanay na si Lorenz sa pagiging tapat ng asawa niya. "Then let's see kung ayos ang soundproof sa bahay ng Mama mo"

"Lady, we are here." sabay silang nagulat nang may magsalita sa speaker. Napaisip tuloy ang mag-asawa kung nadinig ang usapan nila ng butler. Pumasok ang sinasakyan sa isang malapad na gate.

Ang unang pumansin sa kanilang mag-asawa ay ang malapad na building na may tatlong palapag. May malaking fountain sa bungad at mga estatwa. Berdeng-berde ang paligid dahil sa damuhan.

Mapapansin na isang Royal house talaga ang pinasukan nila. Ilang saglit pa at huminto ang kotse sa gilid ng malapad na building.

Tumikhim si Lorenz saka binuksan ang pintuan at inalalayan ang misis niya sa paglabas.

"This way please." Pagbibigay-galang ng butler.

"But our things..." saad ni Lorenz, nasa likuran pa kasi ng kotse ang gamit nila.

"We will send it to your room." Seryosong sagot naman nito.

Tumango na lang si Lorenz. Nakangiti naman si Sandra na inakay siya papasok sa loob ng bahay. Unang napansin ng mag-asawa matapos nilang tumuloy sa loob ang pagka-busy ng mga tao sa malawak na hall.

Halata na busy ang mga ito sa kaarawan ng Mama ni Sandra. Naglakad sila sa isang tahimik na hallway at tanging mga yabag ng sapatos lang ang madidinig.

Kumatok at binuksan ng butler ang isang pintuan.

"Lady Sandra is here." Anunsyo ng butler bago sila pinatuloy.

Bumungad sa kanilang mag-asawa ang grupo ng tao na nakaupo paikot sa mga mamahaling silya. May bilog na mesa sa tapat ng mga ito. May chinese porcelain tea set na nasa mesa at mga kung anu-anong klase ng biskwit.

Nakita naman nila agad ang ginang sa grupo. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ang anak.

"Dear, you are here" tumayo ang ginang at niyakap si Sandra. Hinalikan sa pisngi ang anak.

"Ma, Happy Birthday!" Unang bati ni Sandra.

"Thank you!"

Babatiin din sana ni Lorenz ang ginang ngunit agad na itong tumalikod at inakay si Cassandra palapit sa mga kasama nito.

Pinakilala nito ang anak sa pitong tao pa na nasa loob ng kwarto. Unang ipinakilala ang asawa nito.

"He is Prince Edward, my husband" ngumiti ng simple ang lalaki.

Pinakilala rin nito ang iba pang mga naroon sa kwarto. May duke, prinsipe at kung sino pa na hindi inintindi ni Cassandra. Normal naman sa unang araw na hindi matandaan ang mga pangalan nito. Hindi naman niya makikita pa ang mga mukha nito sa mga susunod niyang buwan kaya hindi na kailangan pa na kilalanin ang bawat isa.

Gayunpaman, nagbigay galang siya.

"Here is Prince Gostav and his son Philip." Ang huling pakilala ng ginang.

Pakiramdam naman ni Lorenz ay bigla siyang hindi na kasali sa grupo. Para bang hangin lang siya na sumunod kay Cassandra sa loob ng kwarto na iyon.

Wala kahit isa man sa mga tao doon ang nagbigay ng atensyon sa kanya.

Nagsimulang pagpawisan ang kamay ni Lorenz. Bumalik ang pagka-ilang na nararamdaman niya tuwing nakikita ang ginang.

"Nice to meet all of you. By the way..." lumingon si Cassandra kay Lorenz at nakakunot ang noo na lumapit sa mister nito.

"He is my husband, Lorenz" pakilala ni Cassandra.

Sinuri naman si Lorenz ng mga tao sa loob ng kwarto. Kasalukuyan na nakasuot siya ng itim na sweater, itim na pantalon at itim na trench coat na para bang kamag-anak niya si Grim Reaper.

"Are you a Prince from another country?" Tanong ng isang ginang.

"I'm not." Honest na sagot ni Lorenz

"Oh! Then, maybe a Master" sabi ng isa pa.

"Yeah, a beautiful lady like Sandra deserves to marry a noble man." Komento ni Prince Philip.

Tumango-tango ang mga tao sa loob. Kumuyom ang kamay ni Lorenz. Naramdaman naman ni Cassandra ang tensyon sa asawa niya.

"I'm sorry to disappoint you everyone. We are tired. We came all the way from the U.K.. Hope you'll excuse us to have a rest." Sabi ni Cassandra saka inaya si Lorenz na lumabas ng kwarto.