Madilim ang mga mata ni Lorenz habang inaya ni Sandra na lumabas ng kwarto.
Nabigla man ang mga tao sa loob ng tea room, hinayaan na lang sila nito na lumabas. Nagpaumanhin naman ang Mama ni Xandra sa mga tao sa loob
Nanginginig ang buong katawan ni Lorenz sa galit. Inaasahan ba ng mga taong ito na isang Master o isang Prinsipe ang makakatuluyan ni Sandra?
Hindi pa man lumilipas ang araw at natapakan na nito ang pagkatao niya lalo na at may maitim na marka sa pagkatao si Lorenz.
Hinatid sila ng isang maid kung saan ang kwarto na gagamitin nilang mag-asawa.
"Lady Sandra, Duchess Camila said she will meet you in the afternoon"
Tumango lang si Sandra bago sinara ang pinto at binalingan si Lorenz.
"Honey, I'm sorry…" Ang tanging nasabi ni Cassandra sa asawa niya.
Hindi sumagot si Lorenz.
Ayaw niya sanang pumunta sa bansang ito kung hindi lang din dahil sa misis niya. Matagal na nawalay si Sandra sa pamilya nito at lumitaw basta ang nanay nito sa buhay nila.
Ano pa ba ang inaasahan na dapat niyang gawin?
He has to accept his mother-in-law no matter what. Kailangan niya itong tanggapin simula sa unang araw na nagpakita ito sa buhay nila ni Sandra.
Hindi akalain ni Lorenz na sa tagal niya sa pakikipaglaban, isang may-edad na babae ang tatalo sa kanya hindi pa man sila nagsisimula. At wala siyang magawa dahil nanay ito ng misis niya.
Sa loob ng maraming taon, wala ni isang tao na pumagitan sa kanila ni Cassandra, kaya siguro parang nanibago ang damdamin niya na biglang nagkaroon ng malaking sagabal sa buhay nilang dalawa.
They rely on each other's arms for a couple of years. Kung ano ang hinaharap ng isa, ganoon din ang isa.
Pero ngayon, ayaw ni Lorenz na maipit ang misis niya sa sitwasyon. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin ni Sandra kung sakali na dumating sila sa punto na tuluyan na ayawan siya ng mama nito.
Naramdaman na lang ni Lorenz ang pagyakap ni Cassandra sa kanya.
"I'm sorry…" Ulit nito.
Gumanti si Lorenz ng yakap. Para bang tinunaw ng init ng yakap nito ang lamig na naramdaman niya.
Malaki ang pasasalamat ni Lorenz na mabuti na lang at kaya siyang protektahan ni Sandra at alam din nito kung paano siya paaamuhin.
"It's not your fault, Honey." hinaplos niya ang mukha nito na may bahid ng pag-aalala.
He can't help but to kiss her lips.
Nagpasalamat naman si Cassandra na mabuti at naiintindihan siya ni Lorenz.
Tila dumaloy agad ang init sa kanilang dalawa. They can't help the heat but Lorenz decided to stop para pagpahingahin ang misis niya. They came all the way from Bristol and he knew that Sandra was tired.
Hinaplos ni Lorenz ang puson ng misis niya pagkatapos. He is watching her period. At kung tama ang hinala niya dapat nagkaroon na ito ng period sa ngayon.
He is now looking forward na magkaroon sila ng anak.
"What are you thinking?" tanong ni Sandra habang sinusuportahan ng kamay at siko ang ulo nito.
"Nothing. Perhaps drawing my baby's figures." nakangiti na si Lorenz.
Ang ngiting iyon na nagaganap lang tuwing kasama si Sandra. Hinalikan ni Sandra ang ilong nito.
"Shogun… Thank you"
Lumapad ang pagkakangiti ni Lorenz. Saka pinaibabawan ang misis niya.
Siguro dahil na rin sa trabaho ni Lorenz sa loob ng ilang taon, mabilis na napuna niya kung ano ang kulang sa loob ng kwarto.
Doon lang napansin ni Lorenz na may bago siyang problema, hindi niya nakikita ang itim na bagahe niya.
Agad siyang lumayo kay Cassandra at inikot ang paningin sa buong kwarto. "Where are my things?"
Nakakunot ang noo ni Cassandra na nakihanap ng bagahe ni Lorenz.
Dalawang luggage ang dala nila. Dilaw ang kulay ng bagahe ni Sandra at itim ang kay Lorenz. Tanging dilaw na bagahe lang ang nakikita nila sa loob ng kwarto.
"Someone is trying to play with me." puna ni Lorenz na nagdilim na naman ang mga mata.
"I'll ask the butler" Nakangiwi si Cassandra na lumabas ng kwarto.
Humiga si Lorenz sa malambot at malapad na kama. Sumilay ang ngisi sa labi niya matapos niyang mag-isip.
His monster-in-law was trying to see how much patience he has. Hindi mawawala ng basta-basta ang gamit niya sa lugar na iyon ng walang pahintulot mula dito.
Mabuti na lang at nasa bulsa niya ang cellphone. Tinawagan niya agad si Mat-mat para manghingi ng tulong.
Ang bagahe ng bawat Dark Guards ay may codes at GPS. Lalo na ang bagahe niya bilang siya ang Shogun.
Kaya kahit nasa ilalim pa iyon ng kadiliman ay hindi iyon basta-basta mawawala sa paningin niya.
Alam na ni Lorenz kung ano ang kalaban niya, walang iba kun'di ang sarili lang din niya. Pumapangalawa na lang si Duchess Camila.
He is a Shogun!
Kung mayroon man tao na kayang magpatumba sa kanya, walang iba kundi si Cally lang at ang misis niya na si Cassandra.