"Kamusta Shogun?" sagot ni Mat-mat sa kabilang linya.
Kasabay ng pakikipag-usap niya dito ang pag-ikot niya sa kwarto. Iniisip niya kasi na baka may 'bug' sa kwartong iyon o monitor sa kanilang mag-asawa.
Kailangan niyang mag-ingat.
"Please locate my luggage. Someone is trying to play with me?" sinabi agad ni Lorenz ang rason ng pagtawag niya dito.
Alam ni Mat-mat na nasa Sweden ang Shogun para dalawin ang biyenan nito.
"Wow! Hindi ko akalain na may maglalaro sa isang Shogun na tulad mo. This person is looking for his death." nakangisi si Mat-mat sa kabilang linya.
"It's my mother-in-law" Masama pa rin ang loob ni Lorenz. He was really disappointed with Cassandra's mom.
He understood that she only wanted to protect her daughter. Pero kailangan din nitong intindihin na hindi na nag-iisa si Cassandra. She has him as her husband.
"He he… ngayon alam mo na ang pakiramdam ng pinagti-tripan ng in-laws? Tingin ko, kailangan mo ng payo mula sa expert na katulad ko. Alam mo ba ang mga naranasan ko sa lola ni Donna? Ganyan na ganyan! May time pa na kung anu-ano ang tinatawag sa akin. Mabuti na lang at marunong ako manuhol."
"Wala akong plano na makinig sa issue mo sa lola ni Donna, okay."
"Ouch! It hurts! Parehas kayo ni Cally na walang mga puso! Ginagalang ako sa industriya ng teknolohiya. Pero pagdating sa inyo, isa lang akong kawawang nilalang. hmp!"
Sumasakit lalo ang ulo ni Lorenz habang kausap si Mat-mat.
"Just locate my luggage!" sabi niya habang sinsilip ang mga gilid-gilid ng cabinet.
"Fine! Fine eto na nga at naninigas na."
Nagpipindot ito sa laptop nito pero ilang saglit lang may naririnig na si Lorenz na nursery rhyme sa lugar ni Mat-mat.
"The wipers on the bus go swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish… the wipers on the bus go swish, swish, swish, all through the town"
"Is that coming from your laptop?" tanong ni Lorenz dito. Kasalukuyan na siyang nasa ilalim ng kama para kapkapin kung may makikita siyang bagay doon.
"Yes" tila balewala na sagot nito habang may pinipindot sa laptop nito sa kabilang linya.
"Bloody hell! What the..." napamura na lang siya.
"What? " tanong nito.
"Where are your p.o.r.n's oohs and aahs? Tuluyan ka nang naging matandang hukluban" nakangisi na tudyo niya.
"*sigh* alam mo Shogun, ngayon pa lang ay babalaan na kita habang wala pa kayong anak ni Sandra..."
"Una, kapag dumating ang araw na buntis na ang misis mo, mababawasan ang lovey-dovey time niyo. Mababawasan ang s.e.x life mo hanggang sa manigas na lang ang itlog mo at wala kang magawa."
"Pangalawa, kung ang laman ng bagahe mo ay cologne, signature clothes, caps, expensive shades o kung ano pa na kinaiinteresan ng mga bintang tulad ko noon... Kapag nagkaroon ka na ng anak, mapapalitan na iyon ng diaper, bote ng gatas hanggang sa wala ng space para sa personal mong gamit."
"Pangatlo, hindi mo maiiwasan na mabuwisit kay Elsa! Dahil isang daan beses na pauulit-ulitin sa iyo ng anak mo ang 'Frozen' dahil kay Olaf. Hanggang sa ma-LSS ka na lang at isa-buhay mo ang kanta na 'Let it go'. Wala ka na kasing time na manood pa kahit ng football o ng basketball games dahil mas iintindihin mo kung ano ang magandang palabas sa mga anak mo para manahimik sila at huwag nang mangulit. Paano pa kaya ang mga hinahanap mong 'oohs and aahs'?" mahabang litanya nito na para bang madaming reklamo sa buhay.
"Wow! Kasalanan mo iyan dahil tatlo agad ang naging anak mo."
"I know right. Pero ayos lang dahil masaya naman. Hihintayin ko ang isa pang taon at susubukin kung kasing talino ko sila."
"Huh? Matalino ka pala?" biro niya habang sinusuri ang bedside table.
"Shogun, may issue ka ba sa akin?"
"Hehe. biro lang… ano na? Nasaan na ang pinakamamahal kong bagahe?" tanong niya dito. Ang haba na kasi ng usapan nila ngunit wala pa siyang sagot na nakukuha dito.
"Palapit na sa iyo. Sa tingin ko, dala na siya ni Sandra."
Natahimik si Lorenz dahil may nakuha siyang bilog na bagay.
"Matty, please gather information about Cassandra's mom or rather, her current situation in the family." Seryoso na sabi ni Lorenz habang kinulob ng mabuti ang 'bug' na nakuha niya sa bedside lamp.
Isang maliit na bilog lang iyon ngunit alam ni Lorenz na listening device ang bagay na iyon.
"Got it!" saad nito bago binaba ang telepono.
Umismid si Lorenz. Hindi siya magpapatalo sa may-edad na babae. Pinitik niya lang ang 'bug' at tinapakan iyon nang patungo siya sa pintuan. Hanggang sa parang ipis na napisa sa ilalim ng sapatos niya.
Binuksan niya ang pinto para salubungin ang misis niya. Sakto na nasa tapat na talaga ito ng pinto.
Pumasok si Cassandra sa loob ng kwarto na bitbit ang bagahe ni Lorenz.
"I'm sorry Honey. They thought we were not husband and wife. So, they brought your things on the other side of the house."
Nagtaas ang kilay ni Lorenz. That was the lamest reason he had ever heard so far. Sa haba ng pasilyo sa royal house na iyon. Talagang naisip na sa kabilang dulo siya ilagay, malayo kay Sandra.
"interesting"