"Honey, I'm really sorry." Nahihiya na si Sandra dahil ilang beses na siyang nanghingi ng paumanhin kay Lorenz.
Hindi alam ni Sandra kung ano ang gagawin niya para hindi magkaroon ng anumang samaan ng loob sa pagitan ng asawa niya at ng Mama niya.
Matapos ang ilang taon, nagkita sila muli ng Mama niya kaya naman ginagawa niya rin ang paraan para makasama niya ito.
"I will talk to my Mom."
"No need Honey, huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo sa Mama mo. Ayokong isipin niya na masyadong big deal sa akin ang mga maliliit na bagay na tulad nito."
Lumapit naman si Cassandra para yakapin si Lorenz sa bewang.
Hindi niya lang talaga maiwasan na malungkot para sa asawa niya.
"Magpahinga na lang muna tayo, okay?" ngumiti si Lorenz para ipakita sa misis niya na ayos lang ang lahat.
=====
Sumapit ang hapon, magkasama si Lorenz at Cassandra na pinuntahan ang ginang sa tea room nito.
Tulad ng dati, parang hindi nito nakikita si Lorenz at nakapokus lang ang atensyon kay Cassandra.
Pasasaan ba at makakahanap din siya ng paraan para manahimik ang lahat sa pamilya nito na mababa ang tingin sa kanya.
"Sandra honey, there are two couturiers who will bring gowns here in any minute. You must try some."
"My husband has already prepared something for me." nakangiting tanggi ni Sandra.
Bahagyang nagtaas ang kilay ng ginang. Ngumiti ito ng simple pero alam ni Lorenz na may bahid ng kaplastikan ang ngiti nito.
"Are you sure honey? The gowns cost hundreds of thousands. I just want you to wear the best in the world." saad ng ginang.
"Don't worry, Ma. My husband is an expert in that area. Right Honey?"
Si Lorenz na kanina pa tahimik ay napangiti sa asawa niya.
He was happy to hear those words coming from his wife. Mabuti naman at hindi balewala sa asawa niya ang mga ginagawa niya para dito. Simple lang ang ngiti ni Lorenz pero sinisigurado niya na nararamdaman ni Sandra ang sinseridad sa mga ngiting iyon.
Halata na hindi nagugustuhan ng ginang ang mga aksyon ng mag-asawa. Ramdam ng ginang na pinoprotektahan ng anak ang asawa nito. Umismid ito ng lihim ngunit hindi nakaligtas iyon sa mata ni Lorenz.
Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita ito.
"I want to talk to Lorenz, alone." hiling ng ginang. Binigyang diin nito na gusto nito na makausap si Lorenz ng sila lamang dalawa.
Napangiwi si Sandra.
"It's okay Honey." Kalmadong sagot ni Lorenz.
"But…" gusto ni Sandra na magprotesta.
"Sandra, I will not eat your husband. I just want to talk to him as your parent."
Pinisil lang ni Lorenz ang kamay ng asawa niya para sabihin dito na ayos lang ang lahat.
Hindi bukal sa loob na lumabas si Sandra ng tea room na sinabihan na maghintay sa labas ng kwarto.
Naiwan si Lorenz at ang ginang sa loob. Tinuro ng ginang ang silya na nasa tapat na upuan nito.
Gumawa ng inisyal na imbestigasyon ang ginang kay Lorenz at sa totoo lang hindi niya gusto ang mga resultang bumalik sa kanya.
Ang mga nakuha niya na impormasyon ay napulot ito ng mga Hans sa kalsada. Inampon ni Madam Lira ng Kent Family sa U.K. at ipinakilala bilang apo sa publiko.
Graduate in Political Science in Brock University in U.K. Tapos sa ngayon ay hindi niya alam ang tunay na trabaho nito. Walang makapagsabi ng tunay na trabaho ni Lorenz kahit pa base sa nakalap niyang impormasyon, madalas itong magtungo sa Kent Mansion. But it led to her conclusion that Lorenz has no job at all.
In her eyes, Lorenz is doing nothing. So she has to protect her daughter. Pagdating ng araw, mapupunta sa anak niya ang kung ano man na mayroon siya at ayaw naman niya na mangyari na makihati ang isang lalaki na walang ginagawa sa buhay.
Sikreto ang organisasyon ng Dark Lords sa publiko pero kilala ito sa mataas ng lipunan. Hindi lingid sa kaalaman ng ginang ang presensya ng organisasyon na ito, ngunit hindi ang Dark Guards kaya naman wala itong ideya sa kung ano ang talagang ginagawa ni Lorenz.
Alam niya rin na nakapangalan sa mag-asawa ang bahay ng mga ito. She also knew that their little apartment was worth at least 50 million.
But she also knew that he received a lot of money from Madam Lira Kent nang mamatay ito. Kaya naman sa mata ng ginang, naghihintay lang ng bibiktimahin si Lorenz.
"How much do you want to divorce my daughter?" matalim na sabi nito.
Hindi na nabigla si Lorenz sa tanong ng ginang kaya naman isang nakakalokong pag-ngisi ang sinagot niya dito.