Chapter 373 - Cassandra and Lorenz: Pathetic pride

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
May awra ang ginang na halatang nagmula talaga ito sa isang maharlikang pamilya.

Kung paano ito umupo. Kung paano ito humawak ng tasa. Kahit sa pagkurap ay para bang pinag-aralan nito iyon ng ilang taon. Kahit pa kung paano siya nito tanungin kung magkano ang gusto niya layuan lang si Cassandra. Para bang hindi iyon nakakabwisit kahit pa nakakainis talaga ang tanong nito.

Nagsalin si Lorenz ng tsaa sa isang chinese porcelain na tasa na nasa harapan niya. Naaliw siya sa tanong ng ginang.

"I'll give you a hundred million if you divorce my daughter." ito na ang kusang nagbigay ng halaga bago tumingin sa labas ng bintana.

Naaliw siya sa sinabi nito.

Akala niya noon, sa palabas lang nagaganap ang mga ganitong klase ng paghaharap ng biyenan laban sa manugang. Never in his wildest dreams na darating sa punto na pati siya ay malalagay sa ganitong sitwasyon.

"I will not divorce Sandra, even if you pay me a hundred billion dollars." sagot niya bago ininom ang laman ng tasa.

Halata ang disgusto sa mukha ng ginang. "I want someone for my daughter."

"But does your daughter want that someone?" tumaas ang sulok ng labi niya. Akala siguro ng ginang ay mapaghihiwalay sila na Sandra dahil lang sinabi at ginusto nito.

"She will like him eventually."

Gusto nang matawa ni Lorenz.

"Looks like Duchess Camila is over confident about this area. Malapit ko nang isipin na hindi mo talaga kilala si Sandra." umismid si Lorenz.

Hindi niya na kailangan pang magpakababa sa ginang. So what if she's a Royal Duchess of this country. In his eyes she doesn't even compare to Ginny Lopez, a woman who can protect her children, a wife who can support her husband.

"Anak ko si Sandra. Kilala ko siya. Sa ngayon, gusto ka lang niya dahil bago pa lang kayo na naging mag-asawa pero pagdating ng araw. maiisip niya na hindi mo siya kayang buhayin."

Nagtaas ang kilay ni Lorenz. Pinag-aralan niya ang mukha ng ginang at may nakita siyang lungkot at sakit sa mga mata nito.

"Why do I feel like you are referring to your own experience, Duchess Camila?"

Sinalubong nito ang mata ni Lorenz. Nababasa niya ang galit sa mga mata nito dahil mukhang nasundot niya ang lamat sa pagkatao ng ginang.

"You have met Prince Philip. He was the one I like for Sandra." Malamig na saad nito.

Naaliw talaga siya sa usapan nilang dalawa ng ginang. Nakita niya na ang tinutukoy nito sa unang araw pa lang na dumating siya sa bahay na iyon.

"Duchess, what right does Prince Philip have to please my wife?"

Hindi maiwasan na magtaas ang kilay ng ginang sa tono ni Lorenz. Tila minamaliit niya kasi ang prinsipe na nagmula sa bansang iyon.

She curled up her lips. "Bilib din naman ako sa 'yo para magmaliit ng tao. I wonder kung anong klase ng basahan ang ipasusuot mo sa anak ko bukas ng gabi."

Sa tingin ni Lorenz, kahit ano pa ang sabihin niya, hindi na mababago pa ang kung ano man na pananaw nito hangga't hindi nito nakikita na seryoso sila ni Sandra sa relasyon nila bilang mag-asawa. Kaya naman hindi na siya sumagot pa.

Nagpasalamat na lang sila na may kumatok sa kwarto dahil kapwa hindi nila gusto ang isa't-isa.

"Come in" saad ng ginang. Sa palagay niya ay nariyan na ang dalawang couturier na pinatawag niya.

Hindi nga nagkamali ang ginang dahil sinabi ng maid na dumating ang dalawang designer na nagmula pa sa ibang bansa na bitbit ang mga mamahaling gowns ng mga ito.

"Please reconsider my proposal. Not everyone is worthy of my 100 million." sabi nito para tapusin na ang pag-uusap nila.

Tumayo ito at tinungo na ang pintuan. Hindi na hinintay pa ang sagot ni Lorenz.

Hindi na inintindi pa ni Lorenz ang nais nito at sumunod sa ginang sa paglabas. Nakita niya sa labas ng pintuan si Sandra na halatang hindi mapalagay.

"It's good that you are still here." nakangiti na sabi ng ginang sa anak.

"Subukan mo lang na sukatin ang mga damit, malay mo may magustuhan ka." dagdag nito. Hinawakan na nito si Sandra sa braso para akayin sa kwarto kung saan tinanggap ang dalawang designer.

"Susubukan kong pumili pero gusto kong hingin ang payo ng asawa ko." sagot ni Cassandra.

Pumayag din naman ang ginang dahil gusto nito na ipamukha kay Lorenz kung anong klase ng buhay mayroon ang anak nito. Nasa isip kasi ng ginang na hindi kaya ni Lorenz ang bumili ng gown mula sa kilalang designers.

Pumasok sila sa isang kwarto. Kamukha lang din ng wallpaper ng kwarto na iyon ang tea room kung saan sila galing. Parang tinanggal lang ang tea table sa gitna at katulad na ng kwarto na iyon ang tea room ng ginang.

May dalawang mahabang sampayan sa gitna na may mga nakasabit na gowns ng dalawang designer na naroon din sa kwarto. Naroon din si Philip na nakapagpataas ng kilay ni Lorenz.

"Philip asked these two designers to bring their beautiful gowns here. They are coming from Dubai and France" saad ng ginang.

Tila balewala naman kay Lorenz ang sinabi nito.

Pinagmamasdan siya ni Philip na may ngisi sa labi.

Nagkunwari na lang si Lorenz na hindi niya ito pinapansin. Sinuri niya ang mga gown. Wala siyang alam sa mga iyon pero alam ni Lorenz na hindi ito papasa sa gown na hiniram niya.

May kumatok muli sa pinto. Ang butler.

"Lady Sandra, Sir Lorenz, the gown that you are waiting for is here."