Napangiti si Lorenz. Sakto ang pagdating ng hiniram niyang gown sa oras na iyon.
Nakakunot-noo naman ang dalawang designer lalo na nang makita ang pagliwanag ng mata ni Lady Cassandra nang madinig na dumating na ang gown nito. Gusto na magreklamo ng mga ito pero hindi makagawa ng reaksyon o kahit ano mang salita dahil kay Prince Philip at Duchess Camila.
Anong klase ng gown ang bigla na lang puputol sa oras nila?
Ngumiti naman ng makahulugan ang ginang. She wants to know kung gaano kapanget ang damit na dala ng asawa ng anak niya. Sa dalawang designer na naroon, mas lumakas ang loob ng ginang na isang cheap na damit ang dala ni Lorenz.
"Bring it here" saad ng ginang.
"I also wanted to know what kind of gown you ordered for my daughter." dagdag pa nito.
Agad na sumunod ang butler at inutusan ang isang royal maid na ipasok sa silid ang gown na nasa magandang box.
Nakita ng ginang ang box at gusto niyang magtaas ng kilay. Gawa sa makapal na karton ang box na para bang iniingatan nito ang laman nito, pero wala siyang makitang logo doon na ibig sabihin ay walang pangalan ang shop na nagtahi ng damit na iyon.
O kaya naman ay baka pinatahi lang ni Lorenz ang gown sa kung saang palengke lang iyon. Hindi maiwasan na mapaismid ang ginang.
"Sandra, kapag nalaman ng mga tao na nagsuot ka ng damit ng kung sino lang at hindi kilalang designer, mukha ko ang malalagay sa alanganin." halata ang pagkairita sa mukha ng ginang.
Napangiwi si Sandra. Tumingin siya kay Lorenz at gusto niyang manghingi ng tulong dito. Walang ideya si Sandra sa damit na hinanda ng asawa niya.
"Duchess, let your daughter show the gown first." si Prince Philip na ang nagsabi.
He is also looking forward to seeing the gown prepared by the couple. Kilala ng prinsipe ang lahat ng magagaling na designer sa buong mundo at dala niya sa lugar na iyon ang designer ng reyna ng bansang iyon.
"I am also looking forward to see her gown" halatang curious ang dalawang designer
"I'm also curious." bulungan ng isa pang designer.
Hindi magawa na magkomento ng dalawa sa mga taong nasa loob ng kwarto dahil mataas din ang tiwala ng mga ito sa sarili. Ang tanging nagawa ng mga ito ay maghintay na ilabas ang gown mula sa loob ng box.
They are popular designers and they believe that they are the best.
Nilapitan ni Sandra ang box at binuksan iyon.
Ilang saglit lang, bumungad sa lahat ang isang eleganteng midnight blue na gown na may mga itim na dyamante na disenyo.
Kumunot ang noo ng mga tao sa loob ng kwarto. A black diamond on a midnight blue gown!
"Wait is that 'Midnight'?" tanong ng isang designer kay Sandra. Mukhang nakilala nito ang gown na inilabas ni Sandra mula sa box.
"Oh yes, kanina ko pa nga iniisip kung saan ko nakita ang gown. I think that is the famous 'Midnight' created by Penelope" sang-ayon ng isa.
Hindi makapaniwala si Prince Philip sa usapan ng dalawang designer.
"W-who is Penelope?" tanong ni Prince Philip.
Hindi rin siya makapaniwala na ang isang commoner na tulad ni Lorenz ay kayang iharap sa kanila ang isang gown na may mga itim na dyamante. And who is this Penelope?
How come he doesn't know a designer called 'Penelope'?
"She is the best designer among us, no one knows what she looks like. Every creation she made is worth millions." sabi ng isang designer.
"Yes, and as far as I know the Princess from Dubai wants to buy this gown, but she rejected her right away."
"Who is Penelope?" usisa ni Duchess Camilla.
Nabigla ang ginang sa mga narinig mula sa dalawang designer. Wala siyang kilalang designer na Penelope pero ang dalawang kilalang designer na kasama nila sa kwarto ay sinasabi na si Penelope ang pinakamagaling na designer?
"Duchess, Penelope is a goddess. She can do everything. Sinusubaybayan ng lahat ang mga gawa niya. She's a designer from shoes to bags to jewelries to gowns."
"Yes, I think kahit ang engagement ring ni Lady Cassandra ay gawa ni Ms. Penelope" napatingin ito sa kamay ni Cassandra na kahit ilang metro ang layo sa pwesto nito ay kita ang pagkinang ng diyamante ng singsing.
"If that is the case, I want to meet this Penelope" mayabang na saad ni Prince Philip.
Natatawa ng lihim si Lorenz, hindi niya akalain na ililigtas siya ng Ate Baba nila sa oras na iyon. Magkaiba sila ng propesyon kaya wala siyang alam sa estado nito sa publiko. Basta ang alam lang ni Lorenz, wala siyang binayaran kahit singkong duling sa gown na iyon.
Pinahiram lang iyon ni Baba sa kanya at isasauli rin niya pagkatapos.
"Prince, no one knows where is Penelope." nakayukong sagot ng isa. Nag-aalala kasi ito na baka magalit si Philip.
"Tell me Sir Lorenz, how much did you pay for this gown?" usisa ng isang designer.
"Oh! I'm just a commoner. I didn't pay even a single cent for it" makahulugan na sabi ni Lorenz.
Lalo namang tumaas ang respeto ng dalawang designer kay Lorenz. It only means that this guy's background is not that simple. Kung ang prinsesa ng Dubai ay nagawang tanggihan ni Penelope para kay Lorenz. Ibig sabihin ay may matibay na samahan ang dalawa.
Camila is looking at the gown. She can tell na hindi peke ang mga itim na dyamante na iyon. She can also tell that the gown costs millions.
Lumalim ang tingin niya kay Lorenz. How come this guy can bring a nice gown for her daughter?