Chapter 375 - Cassandra and Lorenz: Prince's invitation

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"I want to meet this Penelope. If you didn't pay for it, maybe she can sell it to me" mayabang na sagot ng prinsipe.

Kung sakali na mabili niya ang gown na iyon, lalabas na siya na ang may-ari ng bagay na iyon. So what kung si Lorenz ang nagdala ng gown, in the end siya pa rin ang nagmamay-ari sa gown.

Naiinis talaga siya lalo na habang nakikita ang pagkinang ng mga maliliit at itim na diyamante, parang liwanag iyon ng bituin sa gabi.

"Prince, I'm sorry but I don't think she can sell it to you" halos hindi masabi ng isa sa mga designer.

"How dare you tell me that!" mukhang ayaw magpatalo ng prinsipe.

Nakaramdam talaga ito ng pagkailang at pagkainis nang makita ang gown na pinakita ng mag-asawa.

'She's just a designer! I can pay for the gown even if it's worth millions!' isip-isip nito pero hindi na sinabi pa dahil ayaw nito na mas mapahiya kay Duchess Camila at kay Sandra.

'Who is this Lorenz? How dare he provide the best gown for Sandra?'

Mas matalino naman si Duchess Camila kay Philip kaya hindi ito nagsalita. Kung tinanggihan ni Penelope ang prinsesa ng Dubai, malamang na tanggihan din nito si Philip.

At base sa reaksyon ng dalawang designer, hindi basta-basta ang designer na si Penelope. Ngumiti ang ginang.

"It's good that you have a nice gown." saad ng ginang. Wala siyang magawa sa oras na iyon kung hindi ang mapipi at tanggapin ang gown na dala ng mag-asawa.

"But Duchess, don't you think her gown is too extravagant? It will be your birthday" halatang ayaw talaga magtigil o magpatalo ni Prince Philip.

"Prince, I just wanted the best for my wife, at bilang anak ni Duchess Camila, sigurado na pagbibigyan niya ang asawa ko." magalang na saad ni Lorenz.

Gusto rin malaman ni Lorenz kung ano ang stand ng ginang sa gown na iyon. At siguradong hindi niya magugustuhan kung magiging issue sa ginang ang pagsuot ng magandang damit ng anak nito.

Hindi lang niya inaasahan na kilala sa industriya nito ang ate Baba nila. Wala kasi itong permanenteng trabaho. But he knew that all of her works are amazing.

Kahit ang engagement ring na binigay niya kay Sandra ay wala siyang binayaran kahit singkong duling.

"Yes, It's okay." walang nagawa ang ginang kung hindi ang pumayag.

Halata ang disgusto sa mukha ng prinsipe. Dalawang kilalang designer ang dala niya sa tahanan na iyon para magpa-impress kay Cassandra at natalo siya ng isang Lorenz na ayon kay Duchess Camila ay isang ordinaryong tao.

Hindi pa nakaramdam ng pagkailang ang prinsipe sa buong buhay nito. Aminado ang prinsipe na nagustuhan niya si Sandra sa larawan pa lang, kaya nga pumayag siya sa ginang na ipagkasundo sa kanya si Cassandra.

But to his surprise she is a married woman!

"Duchess, I wonder if I can invite Sir Lorenz to tomorrow morning's event" saad ng prinsipe.

Lihim na nag-isip ang ginang. Ang tinutukoy ni Prince Philip ay ang laro ng mga ito sa umaga.

Wala namang makitang emosyon kay Lorenz at naghihintay lang ng sasabihin ng prinsipe. Sigurado siya na may pinaplano ito at ayaw niyang magreact.

"I want to invite you to play horse racing with a touch of hunting. There are wolves in my area. So I hope you can join." nakangiti ito ng makahulugan.

"Mukhang kailangan mo ngang linisin ang royal house niyo Prince Philip. Masyado akong nag-aalala sa bahay niyo. Gaano kalaki at karaming lobo kaya iyan? Sa bansa kung saan kami galing ng misis ko, ang mga lobo mismo ang nagpapatayan at nagkakagatan sa leeg sa sarili nilang mundo."

"Tsk tsk, of course I'd like to join the party. I am looking forward finding a wolf in your garden" makahulugan na saad ni Lorenz.

Mukhang nabasa ng prinsipe ang sinabi niya, ganoon din si Duchess Camila. Nagpaalam din naman silang mag-asawa dahil hindi niya ugali ang makipagplastikan.

He is only doing this for his wife. Sapat na ang pagtigil niya sa kwarto na iyon sa loob ng ilang minuto.

"Ipagpaumanhin niyo, masyado nang gumagabi, uuna na kami ng misis ko para magpahinga."

Inayos lang ni Lorenz ang gown sa box saka iyon nilabas kasama ni Cassandra.

Naiwan naman na galit ang prinsipe sa loob kasama ni Duchess Camila na tahimik.

Mukhang kailangan niyang ipaulit ang imbestigasyon kay Lorenz.

=====

Kung hindi maganda ang mood ng prinsipe at ng ginang. Maayos naman ang mood ni Sandra at ni Lorenz. Kahit pa nag-aalala si Sandra sa event na magaganap kinabukasan.

"Honey, sigurado ka ba na pupunta tayo sa event bukas?" Nag-aalala si Sandra na baka sakmalin ng lobo ang asawa niya.

Pinunasan lang ni Lorenz ang labi ng asawa niya. "Honey, wala ka bang tiwala sa akin? Nakalimutan mo ba na isa akong Shogun?"

"May tiwala naman ako sa kakayahan mo. Pero ayoko na puro kagat ka ng lobo pagbalik mo."

Tumawa si Lorenz. Hindi niya alam pero naku-kyutan siya sa misis niya.