Habang nasa loob ng shower room si Cassandra, nakatanggap ng tawag si Lorenz mula kay Mat-mat.
"Shogun, may mga nakuha na 'kong impormasyon tungkol sa biyenan mo"
Naghintay lang si Lorenz ng sasabihin nito. Ayaw niyang malaman ng misis niya na pinaiimbestigahan niya si Duchess Camila. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nito.
"You have to be brave, hindi ko rin inaasahan ang mga nakalap kong impormasyon. They are shocking."
Nagsimula na magkwento si Mat-mat.
"Hindi ko inaasahan na nagkaroon ng problema ang tatay ni Sandra nang binata pa ito noon. Ulila na si Mr. San Nicholas at nagtrabaho bilang nurse. Naging maswerte nang matanggap ito para magtrabaho sa Royal family." Tukoy nito sa tatay ni Sandra.
"Nagkaroon sila ni Duchess Camila ng lihim na relasyon. Nagsimula ang lahat nang lagnatin si Duchess na prinsesa pa noon. I don't know how they started their relationship
but I think inakit talaga ni Mr. San Nicholas si Duchess nang mga panahon na dalaga't binata pa ang mga ito."
"Nang madiskubre ng hari ang relasyon ni Duchess sa tatay ni Cassandra, pinaalis sila sa bansa at nagtungo sa Mexico."
"But you know what I've found, may mga medical records si Duchess sa ospital sa Mexico ng panggugulpi. She is literally a battered wife!" pagbibigay-alam ni Mat-mat.
Natigilan si Lorenz sa nalaman. Nilingon niya ang pintuan ng palikuran. Alam kaya ni Sandra ang tungkol sa bagay na iyon?
Ayon sa asawa niya, mabait ang tatay nito at masaya ang pamilya nito noon. Paanong nangyari na may mga medical records ang duchess ng pambubugbog kung masaya ang pamilya nito?
"It's all in my files. Natigil lang ang medical records nang magsimula na magpadala ng pera ang hari sa tatay ni Sandra. So it only means one thing… Pinakasalan lang ni Mr. San Nicholas ang Duchess dahil iniisip nito na magiging maayos ang buhay nito kung magpapakasal ito sa prinsesa."
"Akala siguro nito, gaganda na ang buhay nito kapag nagpakasal kay Duchess. Ngunit hindi nito inasahan na paaalisin sila ng hari at wala itong nagawa kung hindi ang bumalik sa bansa nito."
"There is also a record na binenta ng tatay ni Sandra ang mga gamit ng Duchess at ang huli nga ay isang singsing na minana pa ng ginang sa reyna."
"Her father is a beast pretending to be a good family man in his children's eyes." komento ni Mat-mat na halatang naiinis.
"Nang araw na nasa cruise sila, patungo sila ng Sweden mula sa Mexico para gamitin naman nito ang mga anak sa hari. But unfortunately, nagkaroon ng malaking bagyo sa dagat."
Lumalim ang pag-iisip ni Lorenz, ngayon ay alam na niya ang dahilan ng pagtatalo ng Duchess at ng tatay si Sandra sa cruise. Malamang nalaman ng Duchess ang mga ginawa ng asawa nito.
At alam na rin ni Lorenz ang dahilan kung bakit ayaw ng ginang sa kanya. Malamang na iniisip nito na isa rin siyang mapanlinlang laban sa anak nito.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin ngayon matapos malaman ang lahat.
"Nasaan ngayon ang singsing?" usisa niya kay Mat-mat.
"Pag-aari ni Lady Marietta. Sabi ng Mommy ko kilala niya daw si Lady Marietta. At sasali rin daw ang ginang sa auction na parehas na pupuntahan ni Ate Baba."
"Auction?"
"Yes. may auction na magaganap sa France. Sabi ni Mommy, mapupunta daw sa cancer patients ang kikitain ng organisasyon na iyon. Invited ang kung sino-sinong matataas na tao. Isang painting ang idodonate ni Ate baba, at sa palagay ko idodonate din ni Lady Marietta ang singsing."
Lumalim ang pag-iisip ni Lorenz. Sa tingin niya, kailangan niyang makuha ang singsing para ipakita ang kaseryosohan niya sa ginang.
"Do you have a way, para makasama tayo sa auction na iyan?"
"Tss. sisiw! Pwede akong manghingi ng tulong kay Mommy o kay Ate Baba."
Ngumisi si Lorenz. "Kapag natulungan mo ako na maka-attend sa auction na iyan, bibigyan kita ng isang buwan na bakasyon palayo sa mga anak mo. deal?"
"Talaga?!" napatayo ito at tila na-excite. Halata sa boses nito na sumasakit na ang ulo sa triplets nito. Pero wala itong magawa dahil literal na 'under-de-saya' ito kay Donna.
"Pahihiramin kita ng apat na Dark Guards para magdisiplina at magbantay sa mga anak mo. Pwede kayong magdate ni Donna sa Northpole ng isang buwan. Deal?" nakangisi na saad niya dito
"Oh! I love you Shogun!" Parang maiiyak ito sa offer niya.
"Gago! I love you... your face! Kadiri ka!"
"Maghanda ka na ng gamit mo papuntang France dahil sisiguraduhin ko na may invitation ka!" masayang sabi nito sa kabilang linya bago pinutol ang tawag..
Sakto naman ang pagbukas ng pintuan.
"Who is that?" tanong ni Sandra sa kanya.
"Manyak Matthew." nakangiti niyang sabi.
"Haay, malamang nagrereklamo na naman sa mga anak niya."
Ngumiti lang si Lorenz bago niya pinaupo si Sandra sa tapat ng tokador para punasan ang basang buhok ng misis niya.