Chapter 377 - Cassandra and Lorenz: Come and get me!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas siyete ng umaga, kasalukuyan pang madilim sa bansa. Inaasahan kasi na alas siyete y medya ang oras ng bukang liwayway para sa araw na iyon. 

Nagmulat ng mata si Sandra at bumungad sa kanya ang matapang na awra ni Lorenz. Hindi maiwasan na mag-alala ni Sandra para sa asawa niya. Hindi niya kasi gusto ang ugali ng prinsipe. 

Bumangon siya at nagsuot ng roba. Tinungo niya ang balkonahe para abangan ang pagsilay ng haring araw. 

Kung tutuusin, maganda ang lugar na iyon. Berdeng-berde ang lupain dahil sa klima at sa damuhan. Tahimik at masarap pa sa pakiramdam ang sariwa ng hangin. Kaiba kasi ang lugar na iyon sa lugar ng tahanan nila ni Lorenz sa UK.

Uminit na lang ang pakiramdam niya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran mula sa taong pamilyar sa kanya. Sa laki ng katawan ng asawa niya kaya siya nitong itago sa hangin. 

"Bakit ang aga mong nagising?" tanong mula kay Lorenz. 

"Gusto kong hintayin ang pagliwanag." nakangiti niyang sagot. 

Pakiramdam ni Lorenz ay inaakit siya ng ngiti ng misis niya. Kasalukuyan nang nangangasul ang ulap at anumang oras ay liliwanag na ng tuluyan sa paligid. 

He started to kiss her earlobe. Napapikit na lang si Sandra. Muntik pa siyang mapaungol nang bumaba ang halik nito sa leeg niya. Halos mapasinghap si Cassandra dahil sa tila kuryente na dumaloy sa pagkatao niya.  

"N-nasa labas tayo… don't..." bulong ni Sandra. 

Kapag nakita sila ng kung sino lalo na ang mama niya, wala na siyang mukhang maihaharap pa.

Ano na lang ang sasabihin sa kanya bilang anak ng Duchess?

Pero iba ang sinasabi ng katawan niya. She wanted him. Kahit araw-araw o oras-oras. 

"I want to make love with you right here while waiting for sunrise."

"Honey don't. Let's behave. They might see us…" saad ni Cassandra. Nasa balkonahe lang sila at alam ni Sandra na may mga guards na nasa paligid. 

Doon pinigil ni Lorenz ang sarili. "Okay. let me hug you instead." 

Umikot lang ang dalawang malalaking braso ni Lorenz sa maliit na katawan ni Sandra. Pinatong ang ulo sa balikat niya. Feeling each other's body while waiting for sunrise.

=====

Nagsuot si Lorenz ng itim na polo shirt. Sanay na si Sandra sa kasuotan niya na walang ibang kulay kung hindi itim lang talaga na akala mo ay anak siya ng hari ng dilim. 

Si Cassandra naman ay nakasuot lang ng bestida na hapit sa katawan nito. 

Ayon kay Sandra. Ang gaganapin na iyon sa bahay ni Prince Philip ay regalo nito kay Duchess Camila. 

Dalawa ang sasakyan na gamit nila patungo sa lugar ng prinsipe. Ang mag-asawang Edward at Camila sa isang sasakyan, at sila ni Cassandra sa isa pang sasakyan. 

Marami silang gagawin sa araw na ito dahil gaganapin naman sa gabi ang party ni Duchess Camila.

Inabot ng trenta minutos bago sila nakarating sa property ni Prince Philip. 

Tinulungan ni Lorenz ang asawa niya sa pagbaba ng sasakyan. 

Napansin nila na maraming bisita. Marami ang agad na bumati kay Duchess Camila. 

Pinag-aralan ni Lorenz ang paligid. Katulad ng tahanan ni Prince Philip ang bahay ni Duchess Camila. Tatlong palapag din iyon at malapad. 

Kung may pagkakaiba man, siguro ang paligid nito. Mas masukal ang paligid ng tahanan ng prinsipe. 

Maihahalintulad niya ang paligid nito sa tahanan ng mga Kent sa U.K.

"Pwede na tayong magsimula sa loob ng trenta minutos." saad ng prinsipe sa kanya. 

Halata pa rin sa tono ang yabang. Para bang gustong gusto na siya nitong tirisin. Hindi naman pinapansin ni Lorenz ang mga walang kwenta nitong inaakto. 

Binigay nito ang mapa sa kanya. Tinandaan niyang mabuti iyon at iniisip kung saan ang aktwal sa paligid ang mga nasa mapa. Naisip niya na magtanong-tanong na lang. 

Pinalapit ang lahat ng kasali sa horse racing na may halong hunting. Hindi alam ni Lorenz kung ano ang trip ng prinsipe pero hindi naman siya natatakot sa dugyot na lobo. 

Dose silang lahat na mga kalalakihan na maglalaban-laban. Iba-iba rin ang edad. Kaibigan ng prinsipe ang pito dito. Ang iba ay may mga edad na at anak ng kung sino na nagmula pa sa iba't-ibang bansa. 

Binigay ang rule. Kailangan na may mahuli silang lobo. Kung sino ang unang makakapagdala ng lobo sa pagbalik ang siyang magwawagi.  

Pinapili muna sila ng shotgun. Dalawang armas ang natira para sa kanilang dalawa ng lalaki na nasa hulihan ng pila. 

Hinayaan ni Lorenz na maunang pumili ang lalaki. 

Sinuri ng lalaki ang parehas na shotgun. Hinawakan iyon at tila itunutok sa kung saan. 

Napansin ni Lorenz kung paano ito humawak ng armas at masasabi niya na mahusay ito. Hindi tulad ng ibang mga nauna sa kanila na basta na lang kumuha sa hilera. Tinanong lang ang mga assistant na tumutulong sa kanila kung ano ang magandang armas. Kung ano ang malakas ang putok at kung ano pa.

Hindi tulad ng lalaking naiwan na para bang pati ang haba mula sa gatilyo hanggang puwitan ng shotgun ay sakto dapat sa braso nito. 

"Ayos lang ba kung ito na lang ang sa akin?" paalam nito sa kanya. 

Napansin ni Lorenz na mabait ang lalaki kaya nagawa niya na rin na purihin ito. 

"No problem. Pansin ko na marunong ka tumingin ng armas." saad niya. 

Ngumiti ito. "Hunting is my favorite thing. I'm Prince Hanz. Pamangkin ni Duchess Camila. I heard that you are her son-in-law. 

"Oh! Nice to meet you" sabi niya dito. 

"Salamat!" 

"Una na ko para pumili ng kabayo."

Tumango lang si Lorenz kahit pa dinampot lang ang armas na nakalaan sa kanya at sumunod sa lalaki. 

Napansin naman siya nito. Lumingon ito sa paligid saka may ibinulong sa kanya. 

"Mag-ingat ka kay Prince Philip." Saad nito. 

"salamat sa payo."

Hindi na sila nag-usap pa dahil naroon na sila kwadra at mas marami na ang mga bantay. 

Kahit hindi pa siya payuhan ni Prince Hanz, nababasa niya ang plano ni Prince Philip. 

Lihim na lang siyang napaismid. 

'Come and get me!'