Tumatakbo si Prin pababa ng hagdan habang nakadikit sa tenga niya ang telepono.
Matapos ang ilang ring, narinig niya ang boses ni Cally sa kabilang linya.
"Miss me?" Masayang bungad nito.
"Husbie, where are you?" Bulong na tanong niya para hindi siya marinig.
Lumingon siya sa kaliwa at kanan ng pasilyo. Nang mapansin niya na clear ang area, tinakbo niya ang daan patungong garden. Nasa ika-apat na palapag ang garden at madali na lang siyang makakababa at makakatakas kung saka-sakali.
She'll find ways to escape in this building.
"I'm here at the airport, we have a news na narito daw si Gon Peter. He swindling people para magkapera at ang recent na biktima niya ay kamag-anak nila Kai."
Natigilan at napalunok si Prin. Then, she thought that the person in her room must probably be Gon Peter. Pinilit niya na sabihin dito ang nagaganap kahit pa parang nahirapan siyang huminga.
"H-husbie, he-he is here. Hawak niya ang buong... building kung nasaan ako." Hinihingal na pagkakasabi niya dito.
Natigilan din sa paglakad si Cally. "What?!" Halos mabunggo si Mat-mat sa likod ni Cally.
"Please make... sure Bella and the kids are safe… Khalid was here this afternoon and I asked Bella to take care of him; and... Mommy Ginny. She went to meet… an old… friend. Th-they all came here before he showed up." Tumataas at bumababa ang dibdib niya sa pinaghalong kaba at paghingal.
Hanggang sa wala na siyang marinig at naputol ang linya. "Husbie? Husbie?"
Sinilip niya ang cellphone at nakita na walang signal ang cellphone niya.
"Shit!" Napamura na lang siya sa inis. Mukhang gumamit ng signal blocking ang grupo ni Gon para hindi siya makatawag.
Plano pa naman niyang sabihin na mukha ng asawa niya ang kasalukuyan na mukha ng kalaban.
Mabuti na lang at kahit papaano ay nakausap niya pa si Cally. Sinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng manipis na pajama. Napadaan siya sa nurse station at naghanap ng pwedeng magamit. Wala siyang armas na hawak at hindi niya alam kung ilan ang kalaban.
She open the fridge na lagyanan ng mga gamot at may nakita siyang limang syringe ng anesthesia.
She put all of them in her pocket. Saka dinampot ang isang surgical scissor. Isang gunting iyon na matulis.
Matapos na masiguro na sapat na iyon para maprotektahan ang sarili o maka-agaw ng armas, tinungo niya ang garden.
Ngunit nagkaroon ng bagong problema sa Prin nang makita ang hinihinala niya na isang kalaban na nagbabantay sa garden.
Pinagtibay nito ang hinala niya na nasa possession na ni Gon Peter ang buong recuperation building na iyon.
Where are the other patients and the doctors?
Dahan-dahan na lumapit si Prin sa lalaki habang mahigpit na hawak niya ang gunting. Mas bumalot ang lamig sa binti niya dahil basa ang sahig. Idagdag pa ang mga patak ng ambon. Umaambon kasi sa siyudad sa oras na iyon. Pumapatak na rin ang ambon sa ulo niya.
Nilingon siya nito ngunit isang surgical scissor ang sumalubong dito. Agad niya itong sinaksak sa leeg bago pa ito makagawa ng signal para sa iba.
Bumulagta ang lalaki sa sahig.
Hindi niya kaya ang lamig sa oras na iyon. Ang suot niya ay isang manipis na pajama lang na hindi kaya ang malamig na klima sa lugar.
"Whooo... whoooo..." halos sumipol siya at mangatog sa lamig. Dinampot niya ang armas ng lalaking tinakasan ng buhay saka tinungo ang gilid ng gusali.
Matapos silipin ang gilid, nagtago muli siya. Eksakto na inangat ng isang lalaking bantay mula sa ibaba ang itaas ng gusali kung saan naroon ang garden. Hindi siya nito napansin.
Sinubukan niya sa ibang pader, Nadismaya rin naman siya agad dahil bawat paligid ng gusali na iyon ay may nagbabantay.
Wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok muli sa loob saka niya naisip na mas magandang magtago sa loob ng Pharmacy na nasa 3rd floor.
Nang mapadaan siya muli sa nurse station, binuksan niya ang cabinet at nagpasalamat siya na may nakita siyang patient's gown sa loob nito.
Kinuha niya iyon. Ngunit bago pa siya makaalis, nakarinig siya ng mga yabag.
"She went here!" Narinig niyang sabi ng kung sino mula sa dulong pasilyo.
Bahagya muna siyang nagtago sa ilalim at likod ng istasyon. Sigurado na nakita siya mula sa CCTV ng mga ito. At this moment, how she wished she could send a message to someone para tulungan siya.